INARESTO ng pulisya ang isang lalaki at dalawang babae na tinaguriang high-value individuals sa isang drug buy-bust operation sa Taguig nitong Setyembre 4.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD), katuwang ang Taguig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala sa alyas Vince, 43; alyas Urmesh, 34; at alyas Jay, 33.
Nasamsam sa operasyon ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon at isang cellphone.
(CHAI JULIAN)
101 