2 empleyado COVID positive HALL OF JUSTICE SA DAVAO ISINARA

DAVAO City – Pansamantalang isinara ang Hall of Justice sa lungsod makaraang sampu sa mga empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Simula ngayong araw, Oktubre 19 hanggang 30 isasara ang bulwagang katarungan.,

Napag-alaman, dinapuan ng naturang sakit ang mga empleyado ng Municipal Trial Court in Cities Branch 3.

Dahil dito, ipinag-utos ni Mayor Sara Duterte ang mandatory swab test sa mga empleyado ng MTCC.

Bukod sa Hall of Justice, mahigpit ding mino-monitor ang ilang mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod (SP) matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19.

Kahit na hindi sinabi ng alkalde ang bilang ng mga nahawa, kinumpirma ito ng administration office ng SP.

Ipinag-utos ng city health office (CHO) na mag-self quarantine ang mga na-expose sa nasabing mga empleyado at bibigyan na lamang ng schedule kung kailan isasailalim sa swab test bago papayagan na makabalik sa kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Vice Mayor Sebastian Duterte, isinara ang SP dahil nagsagawa ng ‘disinfection’0 at ipinag-utos sa lahat ng mga empleyado ang “working from home” simula noong Biyernes, Oktubre 16.

Nakatakdang magsagawa ang CHO ng pagsususi sa mga empleyado SA Oktubre 22 nitong taon.

Kahit na ang CHO ang nagbigay ng rekomendasyon kung ano ang mga dapat gawin, hindi umano sila makapagbigay ng rekomendasyon sa Hall of Justice na magpatupad ng work-from-home scheme sa kanilang mga empleyado dahil sakop ito ng Supreme Court (SC). (DONDON DINOY)

416

Related posts

Leave a Comment