Huli sa isinagawang spot inspection sa Bureau of Customs -Port of Limay sa tulong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang Field Inspection Unit (FIU) ang driver at pahinante ng tanker truck na nagbibiyahe ng mga produktong petrolyo sa Brgy. Batangas II, Mariveles, Bataan.
Ang pagkakasabat ay batay sa DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021 na nagtatakda sa implementing guidelines para sa field testing sa ilalim ng Fuel Marking Program.
Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng gabi nang mahuli ng composite team ng BOC, BIR at FIU ang tanker truck na may laman na 30, 000 liters ng diesel na kung saan ay sakop ng Withdrawal Certificate o iba pang ‘proofs of payment of excise and value added tax’.
Sa testing ng FIU, natuklasan na ang petroleum products ay kumpletong walang marka na nagpapatunay na walang legal taxes na binayaran.
Ang truck driver ay nakilalang si “Victor Legaspi” at kanyang kasamang helper na nakilalang si “Clinton Legaspi” .
Ang dalawa ay nakakulong sa detention facility ng Mariveles Police Station at isinailalim sa inquest para sa umano’y paglabag sa Nation-
al Internal Revenue Code, bilang inamyendahan at ang TRAIN Law.
Samantala ang tanker truck at ang unmarked petroleum products ay dinala sa kustodiya ng Port of Limay at siyang magiging ebidensiya sa seizure proceedings ayon sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Bureau of Customs-Port of Limay, sa pamamagitan ng mapagpasyang aksyon sa paghuli sa oil smugglers ay isang matapang na mensahe na ang Bureau at iba pang national law enforcement agencies ay seryoso sa kanilang pangako na matigil ang oil smuggling sa bansa.
(Joel O. Amongo)
185 