Ni JOEL O. AMONGO
Aabot ng kabuuang 2,032 piraso ng Live Ornamental Plants na walang Plant Quarantine Permit mula sa Bureau of Plants and Industry (BPI) ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of NAIA.
Lumalabas sa records na ang pagkakahuli sa plant products na dumating sa Pair Cargo Warehouse na iniulat ay naglalaman ng 100 piraso ng Live Ornamental Plants.
Subalit sa physical examination, bukod sa 2,032 piraso ng Various Ornamental Plants ay may kasama pa itong Alocasia, Aglaonema, Pothos, Calathea, Philodendron, Crimson, Monstera, Cactus, Sanseveria and Rubber Plant.
Bukod sa paglabag sa Section 1113 na may kaugnayan sa Section 1400 (Misdeclaration) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang nahuling plant products ay dahil sa kawalan ng Plant Quarantine Permit mula sa Bureau of Plant Industry. Ito ay paglabag sa Department of Agriculture (DA) Department Circular No. 4, Series of 2016 and DA Administrative Circular No. 5, Series of 2020.
Ayon sa Section 8, Customs Administrative Order No. 10-2020, lahat ng mga nasabat na halaman ay dapat na agad i-tinurn over sa BPl para sa quarantine at agarang pagtatapon upang mapigilan ang pagkalat ng posibleng plant diseases at pests na makakaapekto sa local agriculture.
Kaugnay nito, ang BOC-NAIA ay nagpaalala sa publiko na bago ang importasyon ng anumang halaman ay kailangan ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry.
Ang Bureau of Customs – Port of NAIA, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan ay matatag sa pagprotekta sa local industry mula sa anumang posibleng agricultural epidemic.
Ito ay buong suporta sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa patuloy na pagmo-monitor at ingatan ang hangganan ng bansa.
190 