Iba rin umano itong si Jervino Maglunob, dating Chief-of-Staff ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement Group, dahil habang nag-e-enjoy umano sa masarap na buhay sa nabiling farm sa lalawigan ng Laguna ay halos hindi naman magkandaugaga sa paghahanapbuhay ang negosyante na inutangan umano nito ng tumataginting na P13 milyon. Pagkatapos umanong lapitan ni Maglunob ang negosyanteng si Bernie Miaque upang maglabas ito ng P13 milyon para pondohan ang kanyang negosyo ay tila nagkaamnesiya na umano ito. Ang masaklap ay hiniram lang din ni Miaque sa mga kamag-anak ang malaking parte…
Read MoreMonth: March 2019
BABALIK PA BA SI MAINE SA ‘EAT BULAGA’?
MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit wala na sa “Eat Bulaga” si Maine Mendoza. Kumalat ang mga haka-hakang tinanggal na ang tinaguriang “Yaya Dub” na sumikat katambal si Alden Richards bilang AlDub, dahil sa mga recent revelations nito na sila na nga ng aktor na si Arjo Atayde. Pero sa isang Instagram comment ni TAPE Inc. executive Malou Choa-Fagar, sinagot na niya ang katanungan: Hindi sinipa si Maine sa “Eat Bulaga”: “We did not take her out. It’s her sked that does not permit her to attend the show.”…
Read More5-ARAW DEADLINE PARA AYUSIN ANG 2019 NA’TL BUDGET
(NI ABBY MENDOZA) INATASAN ng House Leadership si House Secretary Roberto Maling na pisikal na bawiin ang budget books o kopya ng 2019 General Appropriations Bill na una na nitong isinumite sa Senado upang baguhin ito sa layuning maresolba na ang gusot sa budget. Kasabay nito, iniutos ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuo ng 3-man House Team na syang makikipagpulong sa Senate counterparts para ayusin na ang hindi napagkakasunduang isyu sa 2019 budget sa loob lamang ng limang araw. Ang three man team ay binubuo nina Albay Rep…
Read MoreP12.2-B KALIWA DAM MATATAPOS SA 2022 — VELASCO
(NI CHRISTIAN DALE) HINDI aabot sa mahigit $800 million ang halaga ng Kaliwa Dam Project sa Infanta, Quezon. Sa press briefing sa Malacanang, itinatwa ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na nasa $248 million o P12.2 billion lamang ang halaga ng naturang proyekto. Walang ideya si Velasco kung saan nanggaling ang ulat na aabot sa $800 million ang gagastusin para sa Kaliwa Dam. Aniya, natapos na ang bidding ng proyekto. Samantala, kumpiyansa si Velasco na matatapos ang Kaliwa Dam Project bago pa man matapos ang termino…
Read MoreLIDER NG SIPADAN HOSTAGE-TAKING PATAY SA ENCOUNTER
(NI BONG PAULO) MULING umiskor ang mga sundalo matapos mapatay sa engkwentro ang isang lider ng bandidong Abu Sayyaf Group na responsable sa pangingidnap, sa nangyaring bakbakan sa Barangay Upper Binuang sa bayan ng Talipao, Sulu, Martes ng hapon. Sa impormasyong nakarating kay Joint Task Force Sulu acting spokesperson Lt. Col. Ralf de Mesa, na-recover ang katawan ni Angah Ajid, kasama ang isa pa, matapos ang 10-minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at bandidong grupo, pasado alas-4:00 ng hapon. Ang notoryus na suspek ay sangkot sa pagdukot…
Read MoreHILING NA TRO NI TRILLANES SA REBELLION CASE IBINASURA NG CA
(NI TERESA TAVARES) IBINASURA lang ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Senator Antonio Trillanes IV na magpalabas ng temporary restraining order ang CA para mapigilan ang pagdaraos ng pagdinig kaugnay sa kanyang kasong rebelyon, sanhi ng Manila Peninsula siege noong 2007. Dahil dito, wala nang balakid sa pagpapatuloy ng pagdinig ni Makati Regional Trial Court, branch 150 Judge Elmo Alameda sa kaso na nakatakda sa May 27. Una nang iginiit ng senador na may abuse of discretion o umabuso sa kapangyarihan si Judge Alameda nung pinayagan nito na…
Read MoreAYUDA TINIYAK; PALPAK NA OPISYAL NG MLA WATER, MWSS MAGBIBITIW
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) TINIYAK ng Manila Water na makatatanggap ng relief o ayuda sa kanilang billing sa tubig ang kanilang mga customers na naapektuhan ng water interruption. Sa naganap na pagdinig Miyerkoles ng House committee on public accounts sa isyu ng water shortage, sinabi ni Manila Water President Ferdinand Dela Cruz na may team na silang nagsasagawa ng pag-aaral kung paano mabibigyan ng relief ang naapektuhang residente gayundin kung paano ito maipatutupad. Sa ngayon ay 95% na sa kanilang customers ang naibalik ang supply, 11 barangay…
Read More‘MAPUROL’ NA MWSS BOARD DAHILAN NG WATER SHORTAGE
(NI NOEL ABUEL) ANG kapalpakan ng mga opisyales ng MWSS Regulatory Office (RO) at mga board of trustess nito ang itunuturong responsable sa nangyaring water crisis sa Metro Manila at karatig lalawigan. Giit ni Senador Joel Villanueva, sa nakalipas na pagdinig sa Senado ay dalawang bagay ang nabunyag kabilang ang kawalan ng sapat na pag-aaral sa operasyon ng suppy ng tubig. “Ang trabaho po ng regulator ay magprotekta at magpulis para sa kapakanan ng taumbayan. Klaro po na sa estado ngayon, kulang sa tapang, kapos sa aksyon, at mapurol ang pangil…
Read More300-M KILO NG IMPORTED NA BABOY IKALULUGI NG LOCAL HOG FARMERS
(NI DAVE MEDINA) MAYROONG over supply ng baboy sa bansa na makapagpapalugi sa mga negosyante. Ayon sa National Federation of Hog Farmers (NFHF), makasasama sa industriya ang pagkalugi ng mga negosyante ng baboy dahil magkakaroon naman ng maliit na supply na magreresulta sa mas mataas na presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan. Sinabi ni Chester Warren, chair ng NFHF, nagkaroon ng sobra-sobrang importasyon ng baboy sa bansa makaraang magpaangkat ang gobyerno noong 2018 upang punuan ang kakulangan ng 100 milyong kilo ng baboy sa merkado. Ang total demand noong 2018 umano…
Read More