NASA maayos nang kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong makaranas ng matinding sakit ng ulo, nitong Biyernes. Kinumpirma ito ni dating special assistant to the President Bong Go at sa katunayan umano ay balik na sa trabaho ang Pangulo gaya ng pagbabasa ng mga dokumento. Sabay din umano silang nag-midnight snack at halos tatlong oras na nagkwentuhan. Hindi nakadalo ang Pangulo sa ilang okasyon kasama na ang pamamahagi ng lupain sa Davao City. Sinalo naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang posisyon ng Pangulo na nanguna sa ceremonial…
Read MoreMonth: March 2019
KARLA ALL OUT ANG SUPPORT PARA KINA KATHRYN, ALDEN
Ipinahayag ni Karla Estrada ang kanyang todong suporta sa upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Si Karla ang nanay ni Daniel Padilla, boyfriend at ka-loveteam ni Kathryn. Sa kanyang IG account, nag-post si Karla ng photo nina Direk Cathy Garcia Molina at Star Cinema managing director Olivia Lamasan. “Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Isa na namang obra ito,” ang caption ng larawan. May lagpas 27,000 likes at daan-daang comments na ang nasabing post, at marami sa comments ang pumuri kay Karla sa kanyang malawak na pang-unawa. Sa isang open…
Read MoreNARCO LIST PART 2 ILALABAS DIN NG PANGULO
(NI LILY REYES) HINDI pa umano dapat magdiwang ang iba pang mga narco-politicians partikular na ang mga taga Metro Manila , CALABARZON at Visayas dahil sila umano ang isusunod na papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte Ayon sa Pangulo , maghintay lang sila dahil may ginagawa pa umanong revalidation sa mga impormasyon laban sa mga hindi pa napapangalanang narco politician, dahil kitang-kita naman umano kung gaano katalamak ang problema sa droga sa Metro Manila, CALABARZON at Visayas. Ang ginagawang revalidation sa mga narco politicians ay para tiyaking tama ang kanilang natatanggap…
Read MoreWATER RESERVOIR BAWAT LUNGSOD, LALAWIGAN MUNGKAHI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) NAKIKITANG solusyon ng Malacanang ang pagkakaroon ng sariling water reservoir sa mga syudad at lalawigan para sa problema sa kakapusan ng tubig. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo kasabay ng pahayag na dedepende ang laki ng gagawing reservoir kung gaano kalaki ang magiging demand ng tubig sa isang partikular na lungsod o sa isang lalawigan. Ayon kay Panelo, itinuturing na artipisyal lamang ang kakulangan ng tubig kaya mas magandang maimbestigahan ang issue upang matuklasan ang sanhi ng kakulangan ng supply at para matiyak na hindi na…
Read MorePNP UMAMIN: WALANG EBIDENSYA SA MGA NARCO-POLITICIANS
(NI NICK ECHEVARRIA) INAMIN ni Philippine National Police spokesperson S/Supt. Bernard Banac na wala pang matibay na basehan ang gobyerno para sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong nasa narcolist na isinapubliko ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni Banac ang pag-amin makaraang ireklamo ng administrative case ng Department of Interior and Local government (DILG) ang 46 na mga politiko bago pa man pangalanan ng Presidente. Sa kasalukuyan ay nangangalap pa rin ng matitibay na ebidensya ang PNP na magdidiin sa pagkakadawit ng mga tinaguriang narco politicians sa ilegal na operasyon…
Read MoreWARAS RIVER BUHAYIN
MISYON Aksyon, isa po akong residente ng bayan ng Nabua na umaasang mabigyan ng konkretong aksyon ang aking kahilingan na maibalik ang dating magandang ilog ng Waras River at Bicol River na dating kaaya-ayang panoorin ang daluyan ng agos sa malawak at malinis na tubig. Ngunit makalipas ang tatlong dekada mula nang ako ay mangibang-bansa nanlumo ako nang makita ang ilog ngayon na marumi at tambak ng mga basura. Makikita mo ngayon na kulay itim at kaki na may masangsang na amoy habang lumulutang ang mga dumi at plastic ang…
Read MoreHINDI ADVANCE MAG-ISIP ANG MANILA WATER AT MAYNILAD
KAPAG pamilyar ka sa bayan ng Singapore ay tiyak na batid mong malaki rin ang suliranin nito pagda-ting sa malinis at maiinom na tubig. Tubig-alat kasi ang nakukuha mula sa ilalim ng lupa nito at wala naman itong mga malalaking mga lawa na maaaring pagkunan ng tubig-tabang. Noong napadpad tayo sa bansang ito halos dalawang dekada na ang nakakalipas, napag-alaman natin na malaking bahagi ng pangangailangan nito sa tubig ay sinusuplayan pa ng kalapit nitong Malaysia. Ang tanong eh bakit mula noon hanggang ngayon ay hindi natin nababalitaan na nagkakaroon…
Read MoreXIAN LIM TODO-TODO MAGTRABAHO SA MGA PROJECTS
(NI RK VILLACORTA) HINDI ko alam kung ano ang nag-i-inspire kay Xian Lim para magtrabaho nang todo. Hindi naman siguro nagmamadali ang aktor na magplano na ng kanilang kasal ng girlfriend na si Kim Chiu habang ang ilan sa mga kaliga nila ay “kasalan” na ang pinag-uusapan. Kahit walang TV Network na naka-back-up sa kanya o walang regular drama serye, umaalagwa pa rin ang career ng binata. Halos sunud-sunod ang film projects niya since he moved out of Star Magic Management at pumirma sa Viva Artists Agency. Sagad-sagaran na ang sked ni Xi…
Read MoreMABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO NGAYONG WEEKEND
(NI ROSE PULGAR) INABISUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na makararanas ng masikip na daloy na trapiko ngayong weekend dahil isasara ang ilang kalye bunsod ng muling road re-blocking na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kagabi ng alas-11:00 (Biyernes, Marso 15), isinara ang Southbound lane na maaapektuhan ang bandang intersection sa C-5 Road at Julia Vargas Ave., maging ang intersection C-5 Road at Lanuza Avenue, sa harap ng SM Aura, parte ng EDSA New York Monte de Piedad; ikatlong lane mula sa sidewalk at ang…
Read More