PAGLABAS NG NARCO LIST NG DILG KINONTRA SA SENADO

senate22

(NI NOEL ABUEL) KINONTRA ng ilang senador ang plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang listahan ng mga opisyal na sangkot sa operasyon ng droga. Ayon kina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Richard Gordon, mas makabubuting sampahan muna ng kaso ang mga isinasangkot sa droga bago ilabas ang kanilang mga pangalan upang hindi mahaluan ng pamumulitika. Sinabi ni Lacson na hangga’t walang ebidensya at hindi pa rin validated ang talaan ay maaari lamang itong gamitin para sa intelligence purposes upang maging batayan sa…

Read More

KAMARA, BAKIT TAHIMIK SA DELAYED NA BUDGET?

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGING katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa nakabimbin na 2019 national budget na hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naratipikahan na ito noong Pebrero. Maging ang alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hinihintay pa ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga proyekto ng mga kongresista para maisingit sa P3.757 trilyon national budget ngayong taon ay hindi pinapansin ng liderato ng Kamara. Noong Biyernes, Marso 1, ay hiningan ng mga mamamahayag ng pahayag si House committee on appropriation chair Rolando Andaya…

Read More

P325-B NAIPADALA NG PINOY SEAMEN SA PINAS NOONG 2018

seaman22

(NI BERNARD TAGUINOD) PATOK ang taong 2018 para sa mga Pinoy seamen matapos makapagpadala ang mga ito ng $6.14 Billion o katumbas ng mahigit P325 Billion sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas. Mas mataas ito ng 4.6% o katumbas ng $279 milyon na naipadala ng mga seaman noong 2017 dahil umaabot lamang ito sa $5.78 bilyon o P311 bilyon sa palitang P53 kada isang US dollar. Ayon kay ACT OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, ang nasabing halaga ay mga idinaan lamang sa mga bangko at hindi pa kasama dito…

Read More

PINAY NA NASA DEATH ROW SA SAUDI SASAGIPIN

saudi22

GAGAWIN lahat ng Department of Foreign Affairs ang paraan para iligtas ang isang Pinay sa Kingdom of Saudi Arabia na nasa death row sa pagpatay umano sa kanyang babaeng amo sa Makkah, tatlong taon na ang nakararaan. Nabatid ng DFA na kinatigan ng Saudi Court of Appeals ang desisyon sa kamatayan ng Pinay worker sa death sentence na ipinataw sa kanya noong 2017. Gayunman, sinabi ng mga opisyal sa Philippine Consulate General na patuloy nilang susuportahan ang Pinay na patuloy na iginigiit na self-defense lamang ang nangyari kung kaya’t napatay…

Read More

TAKOT NG MAGSASAKA SA RICE IMPORTATION PINAWI

bigas22

PINAWI ni Agriculture Secretary Manny Pinol ang mga magsasaka sa plano ng gobyerno na buksan ang rice importation dahil hindi umano ito nangangahulugan ng kawalan nila ng pagkakakitaan. “Pero iyong takot ng ating magsasaka na babahain tayo ng imported na bigas, actually pinapaliwanag kong maski gaano pa karami ang… maski gaano pa kasidhi ang kagustuhan ng mga importers na maparami ang pagpapasok ng imported na bigas, limitado din ang world supply ng bigas at kapag tumaas iyong ating importation siyempre tataas iyong presyo sa World Market. trade and commodity iyan,”…

Read More

HANDBOOK FOR OFWs ACT NILAGDAAN NA NI DU30

ofws

(NI BETH JULIAN) MALALAMAN  na ng mga Overseas Fililpino Workers (OFWs) ang lahat ng kanilang karapatan at benepisyo. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodirigo Duterte at maging ganap nang batas ang Handbook for OFWs Act. Nilalaman ng mga handbook ang mga karapatan at benepisyo ng mga OFWs. Dito ipinapaliwanag sa mga OFWs ang kanilang mga benepisyo at hirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Noong Pebrero 22 pa nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11227 o “Handbook for OFWs Act of 2018” at noong Sabado lamang ng hapon ito…

Read More

ANG DAMING PARTY-LIST PARA SA MGA GURO, PERO WALANG SILBI

SALIKSIK

APAT ang party-list groups ang kinatawan ng mga guro o edukasyon sa Mababang Kapulungan ng ika-17 Kongreso. Nariyan ang ACT – Teachers party-list, Manila Teachers party-list, A Teacher party-list at Ang Edukasyon party-list. Ang apat na ito ay muling tumatakbo para sa eleksyon sa Mayo 13. Bilang propesor, dapat akong matuwa, sapagkat maraming kapwa ko guro ang aming kinatawan sa lehislaturang sangay ng pamahalaan. Napakalakas na boses ang apat, subalit ang lakas na ito ay mistulang latang walang laman na hinahampas sa kalsada, sapagkat hindi magkakasundo ang apat na party-list. Kaya, napakasakit…

Read More

PARA SA MGA GALIT KAY DUTERTE

FOR THE FLAG

Ang ating pitak ngayon ay pagsi-share ko ng isang mensahe na pinraybeyt message sa akin ng isang kaibigan. Medyo naaliw ako kaya aking ishi-share ngayon sa inyo sa pag-aakalang maaaliw din kayo. Heto: “Sa mga galit kay Duterte, gawin n’yo ang mga sumusunod: Kung may driver’s license kayo, at magre-renew kayo, huwag kayong papayag na 5 years ang expiration ng lisensya n’yo. Sabihin n’yo sa LTO na 3 yrs. lang ang gusto n’yo dahil galit kayo kay Duterte! Kung passport holder kayo, sabihin n’yo sa Department of Foreign Affairs na 5yrs lang…

Read More

BAKLASAN NG ILLEGAL POSTERS

POINT OF VIEW

Sinimulan na ng “Task Force Baklas’ nitong Huwebes  ang pagtanggal ng mga illegal campaign materials sa Metro Manila matapos ang itinakdang deadline ng Commission on Elections sa mga kandidato na tumatakbo sa national posts na baklasin ang kanilang mga ikinabit na mga ilegal na campaign materials para sa gaganaping midterm elections sa May 13, 2019. Ani Comelec spokesperson James Jimenez, isinakatuparan ang Oplan Baklas pagkatapos ng kanilang isinagawang documentation and preservation sa mga illegal campaign materials na kanilang gagamitin sa pagsasampa ng reklamo sa mga lumalabag na kandidato. Ang sinumang…

Read More