(NI JESSE KABEL) NAGBABALA ang Commission on Human Rights na huwag magpadalus-dalos ang mga ahensiya ng gobyerno na nagpa planong ilantad ang pagkakakilanlan ng mga umano’y nasa narco politicians list. Sang-ayon naman ang CHR na layunin ng mga ahensiya sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na matiyak na tanging ang mga karapat dapat lamang na kandidato at mga sumusunod sa batas ang dapat na maihalal. Subalit sinabi ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia na kung may sapat silang ebidensiya na nagsasangkot sa droga…
Read MoreMonth: March 2019
INSURANCE SA 27-M STUDENTS PLANO NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) PLANO ng Department of Education (DepEd) na pagkalooban ng year-round insurance ang may 27 milyong mag-aaral sa bansa. Mismong si Education Secretary Leonor Briones ang nag-anunsiyo nito nang personal na magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng limang estudyante, na kinabibilangan ng grade school students, ng Basay National High School, na nasawi sa isang aksidente sa Zamboanguita, Negros Oriental noong Marso 1. Ayon kay Briones, dahil sa naturang aksidente ay bumuo sila sa departamento ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataan, lalo na kung…
Read MorePOSIBLENG PAGBASURA SA DENGVAXIA CASE IKINABAHALA
(NI NOEL ABUEL) NANGANGAMBA si Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na posibleng maibasura lamang ang mga kasong homicide na inihain kaugnay sa dengvaxia controversy. Ipinaliwanag ni Gordon na “dahil hindi pa napatutunayan na may namatay dahil sa dengvaxia vaccine, hindi tatayo sa korte ang kasong homicide.” “Wala pa. Pag lumabas na ang scientific evidence pwede na, kaya ngayon homicide, hindi mo naman ma-prove na namatay dahil sa dengue eh di dismiss ang kaso tapos wala na mababaon na sa limot,” sabi ni Gordon. Idinagdag pa nito na mas…
Read MoreEUROPEAN COUNTRIES DUDA RIN SA CHINESE TELCO
(NI JESSE KABEL) HINDI lamang United States of America ang nagpahayag na posibleng banta sa national security ang pagpasok o paggamit ng Chinese telecommunication Equipment particular sa 5G System. Nabatid na ilang European countries na ang nagpahayag ng kanilang pagdududa kaya ipinag-utos na limitahan o huwag ng gamitin pa ang mga made in China telecom equipment. Kamakailan sinasabing inimpormahan ng Department of Foreign Affair ang Department of Information and Communication (DICT) National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang Czech republic at France ay nag utos na limitahan…
Read MoreMAINE UMAMIN NA SA RELASYON NILA NI ARJO
(NI LOURDES FABIAN) ISINAPUBLIKO na ni Maine ang tunay na estado ng kanyang “love life” at kung paano siya pinapasaya ni Arjo, sa blog entry ng dalaga nitong Sabado ng gabi, March 2 — bisperas ng kanyang 24th birthday. FINALLY sa bibig na mismo ng “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Maine Mendoza nanggaling ang pag-amin sa espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Pag-amin ni Maine: “We have been going out for quite some time now, sure you know that since we are always on the ‘what’s the latest chika?’…
Read MoreP122.4 M SHABU NAKUMPISKA SA CEBU
(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT sa kabuuang P 122,400,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad ng Philippine National Police (PNP) sa Cebu, Linggo ng madaling araw. Nalambat ang milyun-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cebu City PS7, Cebu CPO ganap na ala-1:30 ng madaling-araw sa Fatima Homes Bgy. Inayawan, ng nabanggit na siyudad. Arestado naman ang suspek na si Elymar Tampos Ancajas na nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165. Narekober mula sa nadakip na suspek…
Read MoreMADUGONG DRUG WAR PINANGANGAMBAHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) “ARBITRARY statistics results to arbitrary killings”. Ganito ang pinangangambahan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot sa pito hanggang walong milyon ang drug addict ngayon sa bansa. Ayon sa mambabatas, nakakatakot ang pagpapalobo ni Duterte sa bilang ng mga adik sa Pilipinas dahil mangangahulungan umano ito ng mas maraming pagpatay ang mangyayari. “Proper statistics is important to ensure that action taken is properly measured and solutions, exact. Without these numbers to gauge the drug war, the number of drug users…
Read More‘NO COLLECTION POLICY’ SA GRAD RITES IPATUTUPAD
(NI KEVIN COLLANTES) PINAALALAHANAN ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng mga pampublikong paaralan sa bansa na istriktong ipatupad ang kanilang ‘no collection policy’ sa graduation at moving up ceremony ng mga mag-aaral nilang magsisipagtapos ngayong School Year 2018-2019. Ito, ayon sa DepEd, ay alinsunod na rin sa ipinatutupad na ‘austerity program’ ng pamahalaan. Batay sa DepEd Order No. 002, series of 2019, na may petsang Pebrero 18, 2019, at na may titulong ‘School Year 2018-2019 K to 12 Basic Education Program End of School Year (EOSY) Rites’, ang…
Read MoreSYRIAN NATIONAL NA MAY PEKENG KIRIBATI PASSPORT ARESTADO
(NI FROILAN MORELLOS) KALABOSO ang inabot ng isang Syrian national makaraang maaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng pekeng Kiribati passport, ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng Bureau of Immigration . Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Al Naasan Ibrahim, 19, at dumating ito sa bansa nitong nakalipas na Feb. 22 , sakay ng Malaysian Airlines galing sa Kuala Lumpur . Ayon sa report ng isa sa immigration officer …
Read More