MINORITY LEADER POST KAY BINAY SA KAMARA NAPURNADA

jojobinay12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa man nagsisimula ang 18th Congress, nawalan agad ng lider ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos malasin sa katatapos na halalan si dating vice president Jejomar Binay.

Bago nagsimula ang kampanya sa katatapos ng midterm election, kabilang si Binay sa matunog at inaasahang tatakbo sa speakership sa Kamara subalit hindi para maging top-leader ng Kapulungan kundi para maging House Minority Leader.

Gayunpaman, malabo na itong mangyari matapos masilat ni dating Makati City Vice Mayor Romulo “Kid” Pena Jr., ang dating pangalawang pangulo sa unang distrito ng nasabing lungsod.

“SI VP Binay ang puwedeng maging Minority leader sa 18th Congress kaso natalo,” ayon sa isang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng opinyong ito.

Si Binay ay mayroong lamang 65,229 na botong nakuha sa 99.8% na election returns kaya natalo ito kay Pena na mayroong 71,035 votes.

Unang natalo si Binay sa eleksyon noong 2016 presidential election na pinanalunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago maging minority leader, kailangang lumaban muna ang isang mambabatas sa speakership at ang may pinakamaliit ng boto ang makakakuha sa nasabing posisyon.

 

208

Related posts

Leave a Comment