(NI FRANCIS SORIANO)
HINDI pa man natatapos ang bilangan ng 2019 midterm election ay tinangap na ng oposisyon party na 8 Diretso at ilang mga kandidato sa pagkasenador ang kanilang pagkatalo.
Na kinabibilangan na ilang miyembro ng 8 Diretso na sina Atty. Romulo Macalintal nasa ika-26 na puwesto na may 3,862,155 votes, Samira Gutoc na nasa ika-25 na puwesto na may 4,096,597 votes, habang si Jiggy Manicad ay nasa ika- 20 pwesto na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, na concede sa kanilang senatorial race.
Ayon kay Macalintal, lubos siyang nagpapasalamat sa pagkakataon at karanasan para i-alok ang kanyang serbisyo bilang isang senatorial aspirant.
“ The results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race,” ayon kay Makalintal.
Sa isang video naman ni Gutoc, sinabi nito na tanggap niya ang desisyon ng taumbayan at nagpasalamat na rin sa mga sumuporta at bumoto sa kanya.
Habang si Manicad na isang batikang mamahayag ay nag-uumapaw din ang pasasalamat sa pagtiwala sa kanyang kakayahan.
Nangako naman din itong patuloy na tutulong sa publiko lalo na sa mga mahihirap.
Samantala, tanggap na rin ng karamihan tumatakbong senador ang kanilang pagkatalo.
