(NI BERNARD TAGUINOD) BUBUSISIIN ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginagastos ng Department of Health (DoH) sa kanilang kampanya laban sa dengue kung saan patuloy na dumarami ang nabibiktima. Ito ang siniguro ni House assistant minority leader Janette Garin kung saan kinumpirma nito na namumudmod ng dengue kits kahit nagbabala ito na posibleng pagmulan ito ng korupsyon. “Matagal na (namimigay ng dengue kit ang DoH) since pumutok yung dengvaxia scare. Good to investigate anu-ano ba pinaggastusan ng DoH,” ani Garin dahil sa kabila nito ay dumarami umano ang…
Read MoreMonth: August 2019
SISIG NG ‘PINAS PANG-WORLD CLASS
Kung pagkain lang naman ang pag-uusapan hindi mauubusan ang mga Filipino riyan. Tayo pa ba?! Sa usaping pagkaing makasaysayan pwede nating tutukan ang sarap ng istoryang sisig. Ang sisig ay nagmula sa norte – sa Angeles City, Pampanga. Sa loob ng maraming taon nag-evolve na ang timpla at lasa nito pero ang bottomline pa rin ay ito ay napakasarap. Hanggang sa naging bahagi na ito ng isang okasyon kada taon, ang Sisig Festival na unang ini-lunsad noong Mayo 17, 2003 sa Angeles City sa Pampanga. Ang kapistahan ay tinawag na…
Read MoreSALARY INCREASE SA MGA GURO UMUUSAD NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UMUUSAD na ang mga panukalang batas na magtataas , hindi lamang sa sahod kundi mga allowances ng mga public school teachers sa bansa. Ito ang nabatid matapos itatag na ng House committee on basic education na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang Technical Working Group (TWG) na mag-aaral para sa pagtataas ng sahod at allowance ng mga public school teacher. Umaabot sa 36 panukalang batas ang ihahain sa Kamara para sa salary at allowances increase ng mga guro sa bansa na kinabibilangan ng House Bill No.6 o…
Read MoreTAPATAN NG PETRON, F2 SA FINALS; HAHARANGIN NG CIGNAL
(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) LARO NGAYON: (FILOIL FLYING V CENTRE) 7:00 P.M. – PETRON VS CIGNAL AGAWAN sa huling finals spot ang kampeon na Petron at palabang challenger na Cignal ngayon sa do-or-die semis duel ng 2019 PSL All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Sisiklab ang aksyon sa alas-7:00 ng gabi na ang makakalusot ay aabante sa best-of-three championship kontra sa nag-aabang na F2 Logistics. Nauna na nang nakasikwat ng Finals ticket ang Cargo Movers nang ipagpag nito ang Foton kamakalawa sa Muntinlupa Sports…
Read MoreKINUKONDENA NG BAYAN MUNA ANG PAG-ARESTO SA MGA MANGGAGAWA NG PEPMACO
Noong Martes, August 20, ay inaresto ng kapulisan ang mga manggagawa na nagpipiket sa harap ng Canlubang plant ng Peerless Manufacturing Corporation (Pepmaco), ang kompanyang gumagawa ng sikat na sabon na Champion. Nasa dalawampung manggagawa ang naiulat na dinakip ng kapulisan nang walang dahilan. Bukod sa pag-aresto ng mga manggagawa, sinira rin ang mga tent ng mga nagpipiket. Mariing kinukondena ng Bayan Muna ang panibagong karahasang ginawa sa mga nagwewelgang manggagawa ng Pepmaco. Sa halip na tugunan ang kontraktwalisasyon at hindi ligtas na sistema ng paggawa, ay paglalapastangan pa sa…
Read MoreTINATABANGAN NA RAW ANG KAPUSO ACTOR KAY BIANCA UMALI
(NI PETER LEDESMA) DAHIL wala pang bagong teleserye ay ang pagkanta muna ang inaatupag ngayon ni Ruru Madrid at sana ay mapansin siya rito. We heard na hanggang ngayon ay ongoing pa rin daw ang parusang ipinataw kay Ruru ng GMA na huwag muna siyang bigyan ng solong programa at nagalit sa kanya ang kanyang mother network nang ligawan nito si Bianca Umali na nakasira sa love team ng actress at ni Miguel Tanfelix na BiGuel. Yes, humina talaga ang tambalan ng dalawang ito sa “Sahaya” (na madalas pakainin ng alikabok…
Read MoreP700-B NG NATIONAL BUDGET ANG NAPUPUNTA SA KORAPSYON
Nanatili ang Pilipinas na isa sa pinaka-corrupt na bansa sa buong Asia-Pacific Region at ayon mismo kay Deputy Ombudsman Cyril Ramos, pang-anim ang Pilipinas sa dami ng pera ng gobyerno na hindi napapakinabangan dahil sa matinding korapsyon. Umaabot sa P700 bilyon ang napupunta sa korapsyon at ang naturang halaga ay katumbas ng humigit-kumulang na 20 porsyento ng national budget ayon pa rin kay Ramos sa isang talumpati sa summit on crime prevention na pinangunahan kamakailan ng National Police Commission. Kung hindi kinurakot ang 700 bilyong piso, nakapagpatayo sana ng 1.4…
Read MoreBILYUN-BILYON TUNAW SA YELLOW
Hinihimok natin ang liderato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan din ng atensyon ang napabalitang bilyun-bilyong pisong nawala sa kaban ng bayan noong nakaraang administrasyon. Sa totoo lang, hindi naman naarok ng mga kababayan natin ang mga pigurang P130 bilyon o P19 bilyon man. Sa mga nagsisikap mabuhay sa halagang P44 kada isang araw, na halaga ng isang kilong bigas, wala pang ulam ‘yan at gaas o uling man para pangluto, kapag binabanggit natin ang ganyang kalaking halaga ng salapi e medyo lampas sa radar nila. Ang nawawalang P130…
Read MorePULIS, MILITAR SA UNIBERSIDAD, TINUTULAN
(NI NOEL ABUEL) MARIIN ang pagtutol ni Senador Imee Marcos sa panukalang magtalaga ng mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad bilang hakbang para mapigilan ang patuloy at lumalakas na recruitment ng mga makakaliwang grupo sa hanay ng mga kabataang estudyante. Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing higit lamang lalakas ang recruitment ng mga grupong makakaliwa kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nitong bantayan ng mga pulis at militar ang mga aktibidad ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan. “Ano ‘yan garison?! Tiyak na ang daming…
Read More