(NI BETH JULIAN) SINANG-AYUNAN ng Malacanang ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawang paulit ulit na pagdaan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi ng Chinese Navy nang walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, aminado ang Malacanang na nakapipikon ang paulit-ulit na ginagawa ng China dahil hindi naman ganoon ang gawain ng dalawang magkaibigan sa inaasal ngayon ng China. Katwiran ni Panelo, ang patuloy na ginagawa ng China ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the…
Read MoreMonth: August 2019
SPECIAL AUDIT SA PHILHEALTH IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) IPINAKIKILOS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) sa gitna na rin ng nabunyag na korapsyon at katiwalian sa ahensya. Sinabi ni Drilon na nababahala ito sa mga problemang kinakaharap ng state health insurer, gayong nagsa-subsidize ng Philhealth ang malaking bahagi ng hospital bills at iba pang pangangailangang medical ng mga pasyente. Sinasabing aabot na sa P26 billion ang net operating loss ng PhilHealth sa nakalipas na limang taon, bukod pa rito…
Read MorePOWER RATE TATAAS DAHIL SA RENEWABLE ENERGY
(NI BERNARD TAGUINOD) KAHIT hindi pa naitatayo at napakikinabangan ng mga consumers ang mga planta ng kuryente mula sa solar, wind, hydro at iba pa ay sisingilin na ng dagdag na bayad ang mga ito lalo na sa mga customers ng Manila Electric Company (Meralco). Ito ang dahilan kaya nagpatawag ng imbestigasyon si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers upang harangin ito dahil luging-lugi umano nito ang mga consumers ng Meralco. Ayon sa mambabatas, simula ngayong buwan (Agosto) ay madagdagan P0.406 kada kilowatt hour ang mga consumers ng Meralco, ayon…
Read MoreDAGDAG PENSIYON SA PINOY WAR VETS ISINUSULONG
(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita para sa lahat ng Filipino war veterans at sa pamilya ng mga ito. Ito ay matapos na ihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang panukalang Senate Bill no. 456 na naglalayong dagdagan muli ang tinatanggap na buwanang pensyon ng mga beterano sa buong bansa na P3,000. Nabatid na noong nakalipas na buwan lamang nang pagkalooban ng P15,000 dagdag na pensyon kada buwan ng lahat ng Filipino war veterans at ngayon naman ay kasama na ang kanilang mga dependents. “This bill aims to further this policy by…
Read More‘INFORMAL SETTLERS MUNA BAGO DAYUHAN’
(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ng isang senador ang patuloy na pag-okupa ng mga dayuhan sa mga condominums habang nagsisiksikan naman o naninirahan sa mga maliit na bahay ang mga informal settlers. “Why do foreigners have first dibs on condos while destitute Filipinos are jam-packed in shanties in the country’s urban centers?,” tanong ni Senador Francis Pangilinan. Nakikita ni Pangilinan na sagot sa problema ng kawalan ng tahanan ng mga Filipino na buhayin ang legasiya ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na on-site, in-city…
Read MorePAGBUBUNGKAL NG KALSADA PINAHIHIGPITAN
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mapaluwag ang mga kalsada, kailangang isunod na ng Malacanang ang paghihigpit laban sa mga kaliwa’t kanang pagbubungkal ng mga kalsada na isa sa mga dahilan ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ito ang iminungkahi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa gitna ng kampanya ng mga local government units (LGUs) sa utos ng Malacanang na ibalik sa mga kalsada sa taumbayan. Ayon sa mambabatas, kaliwa’t kanan ang pagbubungkal ng mga kontraktor at mga pribadong kumpanya sa tubig, gas, elektrisidad at maging ang mga telecommunication companies.…
Read MoreHUMAN RIGHTS LAW HADLANG SA PAG-UNLAD – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) LAHAT ng pagsisikap ng Duterte administration na paunlarin ang bansa sa pamamagitan ng mga imprastraktura at programa ay mababalewala kapag itinuloy umano ang mga polisiya nito ukol sa karapatang pantao. Ito ang babala ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng mga panukalang ibalik ang parusang kamatayan, ibaba ang edad na parurusahan ng batas, pagbuhay sa anti-subversion law at paglalakas sa Human Security Act. “If the human, civil, and political rights of the people, the much intended beneficiaries of development, are derogated and denied, development would be a…
Read MorePH SWIMMERS AGAWAN SA SEA GAMES SLOTS
(NI JEAN MALANUM) ABALANG-ABALA ang Philippine Swimming, Inc. (PSI) para sa National Open na idaraos mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3. Ang National Open ay magiging batayan sa pagpili ng mga atleta na isasabak sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gagawin dito sa bansa sa Nobyembre. Siguradong matindi ang magiging labanan sa pagitan ng ating home-grown talents at Fil-foreigners dahil nakataya ang karangalan na mapasama sa Team Philippines. Magtatangka muli ang national swimmers na makasungkit ng ginto na naging mailap simula pa noong 2013 Myanmar SEAG kung saan 4…
Read MoreLPA, HABAGAT MAGPAPAULAN SA BANSA
MAGKAKAROON ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa northern at central part ng Luzon, ayon sa Pagasa. Ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan. Ang iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. Minomonitor din ng Pagasa ang low pressure area sa 2,195 kilometers east ng Visayas area. Habang nasa labas pa ng bansa ang low pressure area, makararanas na ng mga pag-ulan sa ilang…
Read More