DEFENSOR SA PHILHEALTH: KAILAN NAGKA-PNEUMONIA OUTBREAK?

(NI BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang mambababatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkaroon ng pneumonia outbreak sa bansa sa nakalipas na tatlong taon na ginastusan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng P52.5 Billion. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, aalamin kung nagkaroon talaga ng pneumonia outbreak o bahagi lang ito ng katiwalian sa Philhealth. “Mantakin mo nagkaroon ng pneumonia outbreak na hindi natin alam,” ani Defensor matapos maitala umano ng Philhealth na umaabot sa 3.5 million pasyente (sa nakaraang tatlong taon)  sa pneumonia ang kanilang…

Read More

POLICE VISIBILITY SA MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, MASUSING PAG-ARALAN

FORWARD NOW

Magandang edukasyon at proteksyon laban sa krimen ang kailangan ng mga estudyante mula sa ating pamahalaan; huwag silang ituring na kalaban ng estado. Ang planong paglalagay o pagdaragdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ay hindi makatutulong at manapa’y makagagambala sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang mandato ng PNP ay labanan ang kriminalidad at tugisin ang mga gumagawa ng krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo kaya hangga’t hindi lumalaban ang mga estu­dyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi ito maituturing…

Read More

CARDEMA NAGPASAKLOLO VS GUANZON; PALASYO: DEADMA

cardema55

(NI BETH JULIAN) WALANG pakialam ang Malacanang. Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu. “Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo. Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter…

Read More

PROBLEMA SA TRAPIKO, HINDI DAPAT ISISI SA MMDA

SA GANANG AKIN

Dismayado ang maraming motorista at biyahero noong nakaraang linggo dahil sa isang malalang “carmageddon” na nangyari pa-Norte sa EDSA. Inabot ng humigit-kumulang apat na oras ang biyahe mula Quezon City papuntang Lungsod ng Makati dahil sa masikip na trapiko. Nakadagdag pa ang matinding pag-ulan na dala ng isang low pressure area at ang pagkalito ng mga biyahero ukol sa TRO na inilabas ng Korte Suprema patungkol sa implementas­yon ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA. Malinaw na nawawalan na ng pag-asa ang mga motorista sa Metro Manila at marahil…

Read More

PORT COLLECTOR JOHN SIMON, PINAMAMADALI SA KOREAN GOV’T ANG PAG-REEXPORT SA 500 METRIC TONS NG BASURA

HAGUPIT NI BATUIGAS

Muling pinaalalahanan ni Mindanao International Container Terminal Oriental, Mindoro Port Collector John Simon ang Korean government na madaliin ang pag-reexport ng hazardous na basura na ilegal na ipinasok ng mga Koreano sa bansa kung saan lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga Filipino lalo na ang mga mamamayan ng Misamis, Oriental. Ayon kay Collector John Simon, ang Korean Ministry ay napakabagal ng kanilang pagkilos para maibalik na sa kanilang bansa ang natitirang 500 metric tons kung saan noon pang last June nagtungo sa ating bansa ang mga opisyal ng Korea at…

Read More

PALASYO DUMISTANSIYA SA HIRIT NA MANDATORY AUTOPSY

kian44

(NI BETH JULIAN) NASA pagpapasya ng mga mambabatas kung papaboran ang hirit ni Senator Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Ito ang tugon ng Malacanang  kasabay ng pahayag ni Presidential Spokesperson  Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na gawin o maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa. “Hindi makikiaalam ang ehekutibo sa gawain ng sangay ng lehislatura,” pahayag n Panelo. Ang panukala ay inihain ni Pangilinan kasabay ng…

Read More

NEXT SPEAKER GINAWANG PDP-LABAN LEADER SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG preparasyon marahil sa pagpapalit ng liderato ng Kamara, itinalaga na ng administration party na PDP-Laban si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang lider ng kanilang partido sa Kamara. Si Velasco ang kapalit ni House Speaker Allan Peter Ceyatano ng miyembro ng National Party (NP) sa Oktubre 2020 matapos magkasundo ang dalawa sa term-sharing sa liderato ng Kamara sa natitirang tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan. “I am humbled and honored by the decision of the leadership of PDP-Laban to appoint yours truly as party…

Read More

HERNANDEZ: IMPRESIBONG ROOKIE

paolo44

LIMANG sunod na talo ang nakamtan ng Mapua University sa ongoing Season 95 ng NCAA men’s basketball tournament. At nais nilang putulin iyon doon. Kaya naman isang mapangahas na rookie ang nagtangkang iangat sa putikan ang Cardinals, at siya ay nagtagumpay. Siya ay si Paolo Hernandez. Naging instrumento si Hernandez sa back-to-back wins ng Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University. “Siyempre, sabi nga ni coach, saan pa ba kami pupunta? 0-5 na kami eh,” lahad ni Hernandez patungkol nga sa kanilang pangit na simula sa season.…

Read More

AFTER JAMES KAKALAS NA RIN BA SI NADINE SA VIVA?

(NI ASTER AMOYO) HUMUPA na ang isyung Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto at maging ang John Lloyd Cruz-Ellen Adarna hiwalayan ay pasulput-sulpot na lang. Ang tila mainit ngayon ay ang pagkalas ni James Reid sa kanyang home studio of five years, ang Viva Artists Agency (VAA). Sinubukan naming kunin ang panig ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario pero hindi muna ito nagbigay ng komento. Pero maglalabas daw sila ng official statement one of these days. Naging big winner man ng “Pinoy Big Brother: Teen Clash” in 2010…

Read More