POWER RATE TATAAS DAHIL SA RENEWABLE ENERGY

meralco121

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAHIT hindi pa naitatayo at napakikinabangan ng mga consumers ang mga planta ng kuryente mula sa solar, wind, hydro at iba pa ay sisingilin na ng dagdag na bayad ang mga ito lalo na sa mga customers ng Manila Electric Company (Meralco).

Ito ang dahilan kaya nagpatawag ng imbestigasyon si Surigao del Norte Rep. Robert Ace  Barbers upang harangin ito dahil luging-lugi umano nito ang mga consumers ng Meralco.

Ayon sa mambabatas, simula ngayong buwan (Agosto) ay madagdagan P0.406 kada kilowatt hour ang mga consumers ng Meralco, ayon mismo aniya sa Energy Regulation Commission (ERC).

Nabatid na noong Enero 1, 2019 ay naglabas ng desisyon ang ERC na maaari nang mangolekt ang National Transmission Corporation (TransCo)  ng mga insentibo ng mga energy developers o mga plantang itatayo ng mga ito tulad ng wind, run-of-river hydro, solar at  biomass facilities.

Kasunod ito ng implementasyon ng Renewable Energy Act of 2008 of Republic At (RA) 9513 kung saan magkakaroon ng insentibo ang mga energy developers para sa mga itatayong mga planta o ang  feed-in tariff allowance (FIT-All ) o renewable energy charges).

“Wind power developers are entitled to FIT rate of P8.53 (P0.19) per kWh; solar for P9.68 (P0.22) per kWh; hydro at P5.90 (P0.13) per kwh; and biomass at P6.63 (P0.15) per kWh,” ani Barbers.

“It appears that consumers rights had been violated here, for they would be paying for power that has yet to be generated and consumed. Para silang nagbebenta ng panaginip, na pinababayaran na agad sa mga consumers,” ayon pa sa mambabatas.

Kabilang din sa iimbestigahan umano ay ang patuloy na pagkolekta ng Meralco ng system loss charges na hindi aniya makatarungan dahil walang kasalanan ang mga consumers kung nananakawan ang nasabing kumpanya.

Sinabi ng kongresista na dalawang system loss ang kinokolekta ng Meralco na kinabibilangan technical loss o ang pagkasira o kanilang kagamitan at non-technical loss o kuryenteng nawawala dahil ninanakaw ng iilan.

Hindi umano ito makatarungan para sa mga consumers at dahil din dito, tila nagpapabaya ang Meralco at nagbubulagbulagan sa mga ilegal na koneksyon dahil nasisingil naman nila ito sa mga konsiyumers.

“It is a grave injustice to consumers who have no participation in now knowledge of the extent and existence of such illegal connections,” ayon pa kay Barbers.

 

160

Related posts

Leave a Comment