FRESH mula sa nakaraan nilang outreach concert sa Antique, sinundan ito ng isa pang pagtatanghal ng Philippine Philharmonic Orchestra na ginanap sa St. Martin ng Tours Poblacion sa Bocaue, Bulacan sa gitna ng malakas na pag-ulan noong Hulyo 5. Sina Maestros Yoshikazu Fukumura at Herminigildo Ranera ang nanguna sa Orchestra sa naturang okasyon. Ang pagtatanghal ng PPO ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsusumikap ni Cultural Center of the Philippines president Arsenio J. Lizaso sa pakikipagtulungan sa Office of Senator Joel Villanueva at lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan. 578
Read MoreMonth: August 2019
IBA’T IBANG SARAP NG IBA’T IBANG KLASE NG SUMANG PINOY
Sadyang rice lovers ang mga Pinoy. Lahat ng klase ng kanin ay naihahain natin sa hapag para pagsaluhan, ito man ay parte ng pang-araw-araw na pagkain, sa okasyon o kahit pa bilang mga meryenda o desserts. Mayroon din tayong tinatawag na arroz caldo o mga lugaw, o kaya naman ay champorado bilang meryenda. Ulam naman ang kilalang tawag natin na arroz valenciana at paella na karaniwang inihahanda tuwing espesyal na okasyon. Lahat iyan ay may pangunahing sangkap na kanin. Pero sino rin bang hindi makakatanggi sa sarap na dala ng…
Read MoreISINUSULONG NI REP. NOGRALES: PROBE SA LAWYERS’ KILLINGS
Nais paimibestigahan ni House Committee on Justice Vice Chair at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles sa Kamara ang serye ng pagpatay sa mga abogado, piskal at huwes sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa pamamagitan na rin ito ng kanyang inihaan House Resolution No. 185 na humi-hiling sa Kamara na imbestigahan ang pagpatay sa mga tinawag nitong “mga bantay sa Rule of Law.” Iginiit ng kongresista ang pangangailangan na mabigyan ng garantiya ang kaligtasan ng mga abogado sa buong bansa. “Ang pag-atake sa abogasya ay pag-atake sa Rule…
Read MoreSUSTANSYA
Habang ang trend sa buong mundo ay palaki nang palaki ang numero sa istatistika ng mga overweight (nasa isang bilyon na ang mga overweight sa ngayon sa buong daigdig), malaki at nakababahala pa rin ang numero ng mga taong nakararanas ng “chronic undernourishment” dahil sa kakulangan at kawalan ng makakain. Nasa 842 milyong mga taong chronically undernourished ay matatagpuan sa developing countries katulad ng bansang Pilipinas. Undernourishment at matinding kagutuman ang sanhi ng pagkamatay ng may 2.5 milyon na mga bata sa buong mundo taun-taon. Ang populasyon ng bansa sa…
Read MoreBBB CHAIR BINAWI ANG 5-MINUTO BIYAHE SA MAKATI-CUBAO
(NI BETH JULIAN) MATAPOS ipagmalaki na kaya ang limang minutong byahe mula Cubao, Quezon City patungong Makati City, bumawi si Build Build Build Inter-agency committee chair Anna Mae Lamentillo sa sinabi nitong kaya sa December ang noo’y ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na takbo ng sasakyan sa Edsa ng limang minuto lamang. Katwiran ni Lamentillo, ayaw niyang pangunahan ang anunsyo ng masterplan at programa ng DOTr at DPWH na kinabibilangan ng pagbubukas ng skyway stage 3 project, C5 south link, Caloocan interchange at iba pa. Una rito sa presentasyon ng…
Read MorePOLITIKA AT SHOWBIZ
Mula nang naging matagumpay ang pagpasok sa politika ng aktor na si Joseph “Erap” Estrada, marami nang taga-showbiz ang pumasok sa politika. Dahil dito, may mga politiko na tumatakbo sa mas mataas na posisyong nasyunal ang kumukuha ng mga talent manager at showbiz PR (public relations) para tumaas ang popularidad. Kapag may pumuputok naman na eskandalo laban sa mga politiko, sasabihin ng kanilang PR handlers na sa “proper forum” na lang nila sasagutin ang mga alegasyon. Gayundin, sa pag-handle ng mga crisis-PR gaya ng pinagdaraanan ngayon ng aktor na si…
Read MoreMULING NAGHAIN ANG MAKABAYAN NG TUNAY NA ANTI-ENDO BILL
Sa kabila ng pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Endo Bill kamakailan, hindi nagpapagapi ang mga manggagawa at ang kanilang mga kinatawan sa Makabayang Koalisyon ng Mamamayan na maghangad ng tunay na batas na magtitiyak ng kaseguruhan sa paggawa. Sa pangunguna ni Bayan Muna Party-list Representative Ferdie Gaite, inihain ang House Bill 3381 noong Lunes, ika-5 ng Agosto. Aniya, habang pinoprotektahan ni Pangulong Duterte ang kaseguruhan ng kapital, lumalaban ang Bayan Muna at ang Makabayan para sa kaseguruhan ng mga manggagawa sa paggawa. Laman ng panukalang batas ang pagbabawal sa…
Read MoreFORFEITURE CASE SA MARCOSES IBINASURA NG SANDIGAN
(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa kawalan ng matibay na ebidensya, ibinasura ng Sandiganbayan ang P102 bilyon forfeiture case laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos at sa 11 cronies nito. Sa 67-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, pinuna nito na inabot na ng 30 taon ang Presidential Commission on Good Government(PCGG) bago iniakyat ang kaso sa graft court subalit nabigong patunayan ang mga akusasyon laban sa mga Marcoses. “It saddens the Court that it took more than 30 years before this case is submitted for…
Read MoreBEERMEN LUSOT SA DOUBLE-OVERTIME WIN
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) NAILUSOT ng San Miguel Beermen ang 127-125 double overtime win kontra TNT KaTropa, Miyerkoles ng gabi sa Game Two ng PBA Commissioner’s Cup finals sa Smart-Araneta Coliseum. Sinamantala ng Beermen ang pagkakatalsik ni TNT import Terrence Jones at ang pagkawala ni Troy Rosario sa ikalawang overtime period bunga ng anim na foul, para itabla ang best-of-seven series sa 1-1. Swak ang dalawang free throws ni June Mar Fajardo sa huling 32.1 segundo sa second overtime tungo sa 124-122 count. Nadulas si Jayson Castro…
Read More