PUP-PANDI PORMAL NANG BINUKSAN

PORMAL na pinasinayaan ng Pandi local officials sa pamumuno ni Mayor Enrico Roque, ang pagbubukas ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Setyembre 7, 2026 sa nasabing bayan, na noon ay isang pangarap lamang ngunit ngayon ay naging katotohanan para sa mga mag-aaral dito.

“Isang pangarap lang po ito noon. Pangarap na balang araw, magkaroon ang Pandi ng sariling pampublikong unibersidad kung saan mas maraming kabataang Pandieño ang mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, makapagtapos, at maabot ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Roque.

Sinabi ni Roque, makasaysayan ang araw ng inagurasyon ng PUP-Pandi para sa bayan ng Pandi dahil ito ay opisyal nang kauna-unahang unibersidad sa nasabing munisipalidad at kauna-unahang PUP Open University System sa buong Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Rudolf Anthony Lacerna, Executive Director ng PUP, mayroon itong inisyal na 127 mag-aaral para sa paunang apat na classrooms kung saan ang orihinal na disenyo ay 15 classrooms na maglululan ng tinatayang nasa 475 estudyante.

Sa kasalukuyan, ang maaaring kuhanin na mga kurso sa PUP-Pandi ay BS Tourism Management, BS Business Admin major in Marketing Management at maaari pang madagdagan oras na makumpleto na ang mga classroom.

(ELOISA SILVERIO)

85

Related posts

Leave a Comment