( NI FROILAN MORALLOS) ISUSULONG ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong style laban sa mga dayuhan na papasok sa bansa. Ito ang pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente dahil sa paglobo ng mga Chinese national sa bansa. Ito ay upang matiyak na mga ‘legitimate and properly documented foreign nationals’ ang maaaring makatuntong sa bansa, ayon pa kay Morente. Makaraang mapansin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na dumarami ang mga chinese national sa bansa, mag mula pa nitong nakaraang taon , at ayon pa kay Esperon isa…
Read MoreMonth: August 2019
DAAN-DAAN STRANDED, MARAMING LUBOG SA BAHA
(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ) DAAN-DAANG mananakay ang nai-stranded sa daan dahil sa matinding trapik at ilang mga kalsada ay baha bunsod ng walang tigil na pagbugso-bugsong pagbuhas ng ulan sa Biyernes ng maghapon. Nagmistulang parking area ang ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila partikular sa area ng Commonwealth sa Quezon City. Gayundin sa area ng Maynila lalo na sa kahabaan ng Espana na sa tuwing umuulan ay matindi ang nararanasang baha. Ayon sa monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, halos bumper to bumper ang daloy…
Read MoreDONAIRE KAKASA VS “MONSTER” INOUE SA NOBYEMBRE
(NI ARIEL BORLONGAN) NAKATITIYAK si five-division world titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na mapatutunayan din niya na kaya ang ginawa ng hinahangaang kababayan na si Manny Pacquiao sa finals ng World Boxing Super Series (WBSS) laban kay IBF bantamweight champion Naoya “Monster” Inoue sa Nobyembre sa Tokyo, Japan. Lalong humanga si Donaire kay Pacquiao nang mapabagak sa 1st round si dating WBA welterweight champion Keith Thurman upang magwagi sa 12-round split decision sa unification bout nitong Huloy 20 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa United States. Sa…
Read MoreGO: MARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL ‘DI MANGYAYARI
(NI NOEL ABUEL) PINAWI ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pangamba ng ilang sektor na magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng sunud-sunod na nangyayaring patayan sa lalawigan ng Negros Oriental. Aniya, isang abogado si Pangulong Duterte at batid nitong ang Martial Law ay maaaring ideklara lamang kung may sapat na basehan. “Si Pangulong Duterte, abugado po ‘yan. Hindi naman po kailangan at wala namang basehan na dapat i-declare ang Martial Law. Hindi po gagawin ni Pangulong Duterte ‘yan, knowing him for the past twenty-one…
Read MoreBARANGAY OFFICIALS PLANONG IPASOK SA GSIS
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG magkaroon ng pensiyon pagkatapos magsilbi sa kanilang mga barangay, nais ng ilang kongresista na ipasok o mag-miyembro sa Government Service Insurance System (GSIS) ang mga barangay officials. Ito ang nabatid kay House Deputy Speaker Raneo Abu, ng Batangas, dahil tanging ang mga barangay officials ang hindi pa miyembro ng GSIS gayong itinuturing ang mga ito na empleyado ng estado. “Sila (barangay officials) na lang ang hindi member ng GSIS kaya gusto ko sana, gawin silang member para kapag nagretire na sila mayroon silang matatanggap na pensiyon,”…
Read More‘MAMA’ ANG TAWAG NI BELA PADILLA KAY JODI STA. MARIA
(NI REY PUMALOY) “MAMA” ang tawag ni Bela Padilla kay Jodi Sta. Maria – na hindi naman inangalan ng huli – dahil sa nabuong magandang samahan sa drama series na “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa” sa Kapamilya Network. Sabi ni Bela, walang pagsidlan ang kasiyahan niya at ang bilib niya kay Jodi dahil alagang-alaga silang lahat sa set ng kanilang taping. Tinitiyak ni Jodi na maayos ang lagay ng kanyang co-stars sa set at palaging busog ang mga ito sa dinadalang pagkain. Laging nagpapakita ng energy si Jodi sa kanila…
Read MoreKASO NG DENGUE SA DAVAO REGION TUMAAS
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY- Nag-abiso na ang Department of Health (DoH) sa Davao region na maging malinis sa paligid matapos maitala ang mataas na kaso ng dengue sa nakaraang buwan ng Hulyo. Sa datos ng DoH, naitala ang 15 dengue (mosquito-borne disease) cases na ikinamatay ng mga biktima simula noong Enero 1 hanggang sa katapusan ng buwan at may 3,000 kaso ang naimonitor nitong taon. Pinayuhan ni DoH Regional Director Annabelle Yumang ang publiko na gawin ang 4 o’clock habit o paglilinis sa paligid tuwing hapon upang puksain ang…
Read MoreROS HIHIRIT NG GAME 5
(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS SAN MIGUEL (SMB 2-1) NAKIKITA ni Beau Belga na advantage para sa Rain or Shine Elasto Painters ang pabayaang umiskor ng maraming puntos ang San Miguel Beermen import na si Chris McCullough sa pagtatangka nilang itabla sa 2-2 ang kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Gutom ang Elasto Painters na ulitin ang kanilang 112-104 na panalo kontra Beermen sa Game 3 na naganap noong Miyerkoles upang itulak ang best-of-five series…
Read MoreBRIONES: PREVENTIVE TAYO VS DENGUE
(NI MAC CABREROS) PARA kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones, mga paraan para maiwasan ang nakamamatay na sakit na dengue ang pinakamainam para rito. “Sa amin, preventive not curative. Kalinisan sa kapaligiran at malakas na immune system,” reaksyon Sec. Briones sa ulat na pinapabalik ang bakunang Dengvaxia bunsod nang patuloy na pagdami ng bilang ng nagkakasakit sa dengue saan umabot na sa 130,000, ayon sa Department of Health. Aniya, ituturo sa mga bata ang 4S para mapuksa ang lamok na nagdadala ng virus gayundin kung paano mapalakas ang immune system…
Read More