(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) NAKATAKAS na naman ang University of the Philippines Fighting Maroons sa isa pang dikitang laro. Habang nagpatuloy naman ang kabiguan sa panig ng National University. Kahapon, umiskor ang UP ng 80-79 win laban sa NU sa pagpapatuloy ng aksyon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nabitiwan ng Fighting Maroons ang 14-point second quarter advantage at ang 78-71 lead sa huling 2:13, at nangailangan ng swerte sa dulo para hablutin ang panalo. Sinikap ni Dave Ildefonso…
Read MoreMonth: September 2019
GOWN NI KIM CHIU, PINAGLARUAN SA MGA VIRAL MEMES
SADYANG malikot ang isip ng mga Pinoy. Ang mala-mermaid na gown ni Kim Chiu na sinuot niya sa 2019 ABS-CBN Ball nitong weekend ay pinaglaruan sa mga nakatatawang memes sa social media. Nag-viral agad ang compilation ng mga funny memes. Naging payong, shawarma, table napkins, paper airplane, rocket, atbp. ang naturang gown na dinisenyo ni Benj Leguiab na naging controversial din noong June ng kasalukuyang taon dahil sa gown niya para sa national costume ng isang beauty contestant. 537
Read MoreMAY MALAKING TAAS SINGIL SA LANGIS!
Dahil sa mga ligalig sa Middle East ay pinapangambahan ang panibagong malaking pagtaas sa presyo ng langis. Dagdag pahirap ito lalo na sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan! Para kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares at kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, lalong kailangan na makita ng taumbayan kung paano pinepresyuhan ng mga oil company ang produktong petrolyo. Unbundling of oil prices ang tawag rito, kung saan makikita nang malinaw kung anu-ano ang pinagkakagastusan upang bigyang-katwiran ang presyo ng produktong petrolyo. Inatake ng Iranian-backed na grupong Houthis ang…
Read MoreSUPPLY SAPAT PERO PRESYO NG LANGIS SISIRIT
(NI ROSE PULGAR) TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng petrolyo ng Pilipinas ngunit aasahan ang posibilidad na pagsirit sa presyo nito dahil sa epekto ng pagsalakay sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia. Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may ‘oil inventory’ pa na aabot sa isang buwan ang Pilipinas, mas mataas sa 15 araw na requirement ng DOE. “Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani ni…
Read MoreMISSION IMPOSSIBLE NA ANG EDSA
Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino lumala nang husto ang lagay ng trapiko sa EDSA dahil na rin sa pagdami ng mga mga pribadong sasakyan kasabay ng malimit na pagkasira ng MRT na siyang dapat pinaka-episyenteng mass transport sa pangunahing highway sa Metro Manila. Nakailang eksperimento na rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa traffic engineering kung papaano mababawasan ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA na may kapasidad lang na 170,000 na behikulo araw-araw. Minsan na ring sumaklolo ang MMDA sa Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine…
Read MorePACC NAGBABALA
Karaniwang malaking pahirap sa taumbayan ang proseso ng pagrerehistro ng isang negosyo. Sa maliliit na negosyo nangyayari pa ngang nalugi na muna ang pamumuhunan bago pa man marehistro, kaya narerehistro ang mga ito pero wala na ang kapital. Kinakikitaan ang kakulangan ng suporta ng i-lang local government unit sa mga maliliit na nais makapagsimula sana ng negosyo habang ang malalaking negosyante naman ay nauuwi sa suhulan. “We call on local chief executives or local government units (LGUs) to adjust and streamline their processes in accordance with the Ease of Doing…
Read MoreSOLON: PULIS SA DRUG RECYCLING PANGALANAN!
(NI ABBY MENDOZA) HINAMON ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino na kung may katotohanan ang alegasyon na patuloy ang pagrerecyle ng nakukunpiskang illegal drugs ng mga pulis ay kilalanin at arestuhin ang mga ito. Ayon kay Biazon ang tanong ay kung gaano kalawak ang pagre-recyle, hanggang saan at gaano kataas ang mga ranggo ng mga pulis na sangkot dito. Kung may nalalaman umano si Aquino sa sinasabing pagrerecyle ay dapat pangunahan nito ang operasyon at hindi matigil lamang sa naging rebelasyon ang…
Read MoreSARANGGANI NIYANIG NG 5.4 QUAKE
(NI ABBY MENDOZA) TUMAMA ang isang magnitude 5.4 quake kanina sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks dala ng naganap na lindol. Sa datos ng Phivolcs alas 3:00 ng hapon naramdaman ang pagyanig na ang sentro ay sa bayan ng Saranggani. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24km. Naramdaman din ang Intensity 1 sa Alabel, Saranggani at sa General Santos City. Walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol. 677
Read MoreGCTA MESS IPINALILINIS NG DOJ KAY BANTAG
(NI HARVEY PEREZ) INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang bagong Bureau of Corrections (BuCor) chief na iprayoridad ang paglilinis sa katiwaliang nilikha ng implementasyon ng good conduct time allowances (GCTA). Ang kautusan ay ginawa ni Guevarra matapos mag-courtesy visit si bagong talagang BuCor Director General Gerald Bantag sa kanyang tanggapan, Miyerkoles ng umaga. “I told him to focus on three major objectives, in the order of urgency: clean up the GCTA mess; full computerization; and stop illegal drug trade inside,” ayon kay Guevarra. Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete…
Read More