(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINAALALA ni Senador Sonny Angara na mayroong P1 bilyong Quick Response Funds (QRF) ang Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang calamity fund na maaaring gamitin laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF). Sinabi ng chair ng Senate finance committee na dapat nang gamitin ng DA ang emergency fund upang labanan ang banta sa food source. Binigyang-diin ng senador na nasa P280 bilyon ang naidaragdag ng industriya ng magbababoy sa ekonomiya. “This ASF is by all accounts a calamity. It may not have the dramatic footage…
Read MoreMonth: September 2019
‘RECORD BREAKING ACHIEVEMENTS’ NG BOC-NAIA IBINIDA SA 59TH FOUNDING ANNIVERSARY
Ang ‘Record breaking achievements’ ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula 2018-2019 ang ibinida sa pagdiriwang ng kanilang 59TH founding anniversary noong Setyembre 16, 2019. Ang selebrasyon ay may temang ‘FLYING HIGH @59: AMAZING BOC-NAIA’S ACHIEVEMENTS ON THEIR FOUNDING ANNIVERSARY’. Pinangunahan ni District Collector Carmelita M. Talusan, mga opsiyal at kawani ng BOC-NAIA ang selebrasyon kung saan nakasentro hindi lamang sa kanilang gawain kundi higit nitong ipinagmalaki ang matagumpay nilang pag-abot ng revenue target ma-ging ang pagprotekta sa mga hangganan ng bansa. Ang revenue collection ng Port of NAIA mula…
Read More‘NO CONTACT POLICY’ IKAKASA NA NG MICP
(Ni Jo Calim) Ikakasa na rin ng Manila International Container Port (MICP) ang ‘No Contact Policy’ upang higit na mapabilis ang paggulong ng proseso sa ahensiya. Sa public briefing kamakailan, naging sentro ng MICP ang kaugnay sa ‘No Contact Policy’ na pinangunahan ng Management Information System and Technology Group (MISTG). Pangunahing layunin nitong maiwasan ang ‘face-to-face’ transactions sa Aduana. Dahil dito, ang online Customs Care Portal System na ang gagamiting channel para sa pagsumite at pag-follow-up ng mga transaction. Sa briefing, nagbigay ng presentasyon ang MISTG kung paano gamitin ang Customer Care…
Read MoreBAGYONG ‘NIMFA’ BINABANTAYAN; 1 PANG LPA, HABAGAT HUMAHATAW
(NI JEDI PIA REYES) GANAP nang bagyo at patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’. Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito. Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro…
Read MoreUGNAYANG BOC-ASEAN PINALALIM PA
Pinalalim pa ang namamagitang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at ASEAN Member States kaalinsunod ito sa idinaos na tatlong araw na 23rd ASEAN Single Window Steering Committee (ASWSC) meeting noong Setyembre 10 hanggang 12 sa Clark, Pampanga. Si Port of Clark ni District Collector Atty. Ruby Claudia Alameda ang nagbigay ng welcome message sa naturang pagtitipon na dinaluhan ng ASEAN Member-States habang nagsilbing presiding officer si Department of Finance Undersecretary Gil Beltran, tumatayong Chairman ng ASWSC. Ang ASEAN Single Window ay isang digital platform na kung saan layon nitong gawing…
Read MoreP700-K RAKET SA ANNULMENT IBINUNYAG SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) HALOS ipinagdiinan ni Senador Risa Hontiveros na napapanahon na ang pag-apruba sa panukalang Dissolution of Marriage o Divorce Bill. Ito ay makaraan anyang lumitaw sa kanilang una’t huling hearing sa panukala na may mga taong ginawang raket ang proseso ng annulment. Sinabi ni Hontiveros na batay sa mga impormasyon, umaabot pa sa P700,000 ang gastos para sa proseso ng annulment lalo na kung ang grounds ay psychological incapacity. “May lumabas na annulment scam, pinagkakitaan ang heartbreak ng ating mga kababayan,” saad ni Hontiveros. Tiniyak ng senador na…
Read MoreKIDNAPPING NG MGA CHINESE
Sa paglaki ng bilang ng Chinese nationals na nagpupunta sa Pilipinas para maglaro sa mga casino, dumarami rin ang bilang ng mga Chinese na nababaon sa utang sa mga tinatawag na loan sharks sa mga casino. At kapag hindi makabayad ang mga naturang Chinese, sila ay dinudukot at dinedetine ng kanilang mga kababayan mula sa Peoples Republic of China (PRC) para ipatubos sa kanilang mga pamilya at kamag-anak kapalit ng kanilang kalayaan. Base sa datos ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, mula 2017 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na…
Read MoreKAMARA PABOR SA WARRANTLESS ARREST SA GCTA FUGITIVES
(NI BERNARD TAGUINOD) TINUKURAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang warrantless arrest sa mga presong nasentensyahan sa karumal-dumal na krimen at pinakawalan dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi pa sumusuko. Sa ambush interview kay House committee on justice chairman Vicente Veloso, hindi na kailangan ang arrest warrant sa mga presong hindi pa bumabalik o sumusuko. “If you do not go back to Bucor (Bureau of Correction), then you’re evading your sentence. That’s continuing crime,” ani Veloso na dating Mahistrado ng Court of Appeals (CA). Ginawa ng mambabatas ang…
Read MoreMGA BUMILI NG GCTA SA BILIBID WALA NANG PAG-ASANG MAKALAYA
Sa oras na mapatunayan sa isasagawang imbestigasyon ng DOJ-NBI na kaya lamang napadali ang paglaya ng isang preso o person deprived of liberty (PDL) ay dahil sa pagbili o binayarang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay malabo na itong magbenepisyo pa sa Republic Act 10592 o GCTA law. Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na mabibigyan ng credits sa ilalim ng binalangkas na IRR ng R.A. 10592 o GCTA law ang PDLs na sangkot sa mga paulit ulit na mga paglabag sa loob ng NBP kabilang ang nakagawa…
Read More