(NI DAHLIA S. ANIN) AABOT umano sa 50,000 ang driver’s license na nakumpiska ng awtoridad, dahil sa traffic violations, ang hindi na kinuha at nakatengga pa rin sa isang tanggapan sa Maynila simula pa noong 2014. Hindi umano konektado sa electronic system ng Land Transportation Office (LTO) ang rekord ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang dahilan kaya nakakukuha pa rin ng lisensya ang ibang driver na nagsasabing nawawala ang kanilang lisensya imbes na magbayad ng multa at tubusin ang kanilang lisensya, ayon kay MTPB Director Dennis Viaje.…
Read MoreMonth: September 2019
EMERGENCY POWERS NI DU30 ‘DI NA IGIGIIT NG DOTr
(NI KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi na nila ipipilit pa sa Kongreso na maaprubahan ang panukalang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang lumalalang problema sa daloy ng trapiko sa metropolis. Ipinaliwanag ni Tugade na paikli na nang paikli ang panahon kaya’t kung ayaw na ibigay ng Kongreso ang kanilang kahilingan ay hindi na nila ito igigiit. “Kung ayaw nila ibigay, huwag na, kasi paiksi nang paiksi ang oras,” ayon kay Tugade, sa panayam sa telebisyon. Sinabi ng kalihim na…
Read MoreQUEZON NIYANIG NG 5.5 LINDOL
(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon. Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente. Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers. Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City. Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon. Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City. Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC. 382
Read MoreP94.6-B TIPID NG CONSUMER SA 3 POWER SUPPLY AGREEMENT — MERALCO
(NI MAC CABREROS) BILYUN-bilyong piso ang matitipid ng mga customer sa tatlong power supply agreement (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon kay Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, nasa P0.28 kada kilowatthour o P9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon o kabuuang P94.6 bilyon ang magaganansya ng publiko sa panibagong PSA na pinirmahan nila sa tatlong power generator o producer. Tinukoy ni Atty. Espinosa ang PSA na pinasok nila sa PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation, at South Premiere Power Corporation na may kabuuang produksyong 1,200 megawatts. “The…
Read MoreDA SA HOG RAISERS: ‘WAG IPAANOD SA ILOG ANG PATAY NA BABOY
(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga nag-aalaga ng baboy na huwag ipaanod sa ilog ang mga namatay nilang alagang baboy upang hindi na kumalat pa ang African Swine Flu. Ayon kay Dar, ang pagtatapon ng mga baboy ay maaari lamang magpalala ng sitwasyon at posibleng mapalawak sa iba pang mga lugar ang apektado ng ASF. “Huwag nyong itapon bagkus agad na i-report sa DA sakaling ang alagang baboy ay pinaghihinalaang apektado ng ASF para sa proper disposal,” dagdag pa ng Kalihim. Sa ngayon umano ay sa…
Read MorePONDO BUMUHOS; P67.3-B NG DOH IBIBIGAY SA PHILHEALTH
(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), binubuhusan pa rin ito ng pondo sa ilalim ng 2020 national budget habang kinaltasan naman ang budget ng mga public hospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH). Ito ang inirereklamo ng mga militanteng mambabatas matapos matuklasan sa plenary debate sa pondo ng Department of Health (DOH) na malaking bahagi sa kanilang P155 Billion sa 2020 ay mapupunta lang sa Philhealth. Sa press conference ng Makabayan bloc sa Kamara nitong Biyernes, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand…
Read MoreIMPORTED RICE, P27 PER KILO NASA MERKADO–DA
(NI ABBY MENDOZA) INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na bababa pa ang presyo ng commercial rice sa merkado kasunod ng pagbaha ng NFA imported rice. Ngayong Biyernes ay pinangunahan ni Agriculture Secretary Willam Dar ang pagbaba ng mga NFA imported rice sa Commonwealth market. Aniya, may 3.6 million sako ng bigas ang ikakalat sa buong bansa na ibebenta sa mga retailers sa P25 kada kilo habang mabibili naman ng mga consumers sa halagang P27. Sa kasalukuyan, ang pinakamababang presyo ng commercial rice sa merkado ay nasa P32 habang ang…
Read MoreSURRENDER O SHOOT TO KILL?
(NI CYRILL QUILO) MULING umapela at nanawagan si Senador Bong Go na sumuko na mga presong nagawaran ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law bago matapos ang 15-araw na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpahayag si Go na magiging mas delikado ang kanilang buhay kung sila ay nasa labas ng bilangguan. “Kung sakaling matapos ang itinakda ng Pangulo ang 15-araw ay maituturing na ang mga ito na pugante, maaring maaresto sila o mapagkamalan o baka ma “Shoot -to-kill “ pa sila,” ayon kay Go. “Nananawagan po ako sa inyo…
Read MoreGOVERNORS’ CUP IMPORTS, KINUMPLETO NI WATTS
(NI JOSEPH BONIFACIO ) WALONG mga dating mukha at apat na baguhang reinforcements ang masisilayan sa pagbubukas ng 2019 PBA Governors’ Cup sa Setyembre 20. Ito’y matapos makumpleto ang listahan ng mga import ng 12 koponan na magbabakbakan sa season-ending conference. Pinangalanan ng Alaska si Justin Watts bilang kapalit ng naunang import na si Branden Dawson na hindi pumasa sa 6’5 height requirement. Dumating sa bansa ang 29-anyos na international basketball veteran subalit hindi muna naglaro sa 79-92 kabiguan ng Alaska sa tune-up game kontra Korean team na KCC Egis…
Read More