(NI BERNARD TAGUINOD) KATITING ang mabibiling palay ng P9 billion ng National Food Authority (NFA) kaya marami pa ring maluluging magsasaka ngayong panahon ng anihan dahil sa Rice Tariffication Law. Ito ang nabatid ng Saksi Ngayon kay dating Anakpawis party-list Rep Ariel Casilao kahit pa dagdagan umano ito ng P2 Billion ang pondo ng nasabing ahensya upang mas maraming mabiling palay. Ayon kay Casilao, 4% sa kabuuang ani sa buong bansa lang ang mabibili ng NFA sa nasabing halaga sa presyong P17 kada kilo kaya 96% dito ay maibebenta na lang…
Read MoreMonth: September 2019
SPECIAL HOSPITAL SA SENIORS IPATATAYO
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong ospital para sa mga bata o ang National Children’s Hospital, kailangang magkaroon din ng pagamutan para lang sa mga matatanda upang mabigyan ang mga ito ng ibayong atensyon. Ito ang nakasaad sa House Bill 3939 na inakda ni House minority leader Benny Abante dahil wala umanong special hospital sa mga matatandang tulad ng pagamutan para mga bata. “Filipinos are most vulnerable to health issues when they are very young and when they are very old, but while the the country has the National Children’s Hospital…
Read MoreJUDAI’S MINDANAO, KASALI SA BUSAN INT’L FILMFEST
RECENTLY ay pinost ni Judy Ann ‘Judai’ Santos-Agoncillo ang poster ng movie niyang Mindanao at nakasulat dito ang 24th BUSAN International Film Festival. Sabi ni Judai sa post: “So excited for this! Maraming first para sa akin sa pelikulang ito…first movie with Direk Brillante Mendoza, first movie to join different film festivals around the world…and first time kabahan ng ganito! But more than anything… i am beyond grateful to be able to experience working with direk brillante and his whole team. #Mindanao.” Nag-comment dito ang asawa niyang si Ryan ng, “May nanalo na.”…
Read More3 BUCOR OFFICIALS KULONG SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) TILA naubusan na ng pasensya ang mga senador sa ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na patuloy sa pagtanggi sa mga sinasabing katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sa motion ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sinegundahan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at hindi tinutulan ng iba pang miyembro, isinailalim sa contempt order sina Bucor Legal Chief, Atty. Frederick Santos; Documents Division chief Ramoncito Roque at Medical Officer Ursicio Cenas. Ito ay makaraang sabihin ni Lacson na…
Read MoreNAPOLES MUNTIK MAPALAYA; BUCOR ISASALANG SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) “ANG lala.” Ganito inilarawan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakasama sa pangalan ni Janet Napoles sa dapat makinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi katanggap-tanggap na makinabang si Napoles na nasentensyahang guilty sa kasong plunder, sa nasabing batas. Nabuko na kasama ang pangalan ni Napoles sa dapat makinabang sa nasabing batas sa gitna ng umiinit na imbestigasyon sa anomalya sa Bureau of Correction (Buco) na nagpalaya ng mga heinous crime convicts tulad ng drug lord,…
Read MoreBABAE, DROGA, ALAK SA BILIBID IBINUNYAG NG DATING OPISYAL
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INISA-ISA ng mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ang mga money making activities sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Ginawa ito nina dating BuCor Officer in Charge Atty. Rafael Ragos at Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr. sa ikalimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga iregularidad sa NBP bukod sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale. Sa pagtatanong ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, sinabi ni Ragos na kabilang sa pinagkakakitaan sa NBP ang pagpapasok ng mga babae na ang tawag nila ay…
Read MoreBAGYONG ‘MARILYN’ ‘DI TATAMA SA LUPA
(NI ABBY MENDOZA) NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn, hindi ito inaasahang tatama sa lupa subalit magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi mg Luzon at maging sa Visayas. Sa 11:00 weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo, huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph. Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas…
Read MorePROBLEMA SA TRAFFIC AYUSIN NG GOBYERNO, WAG AKO SISIHIN! — POE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senador Grace Poe na hindi dapat siya ang sisihin kung hindi pa rin naaaprubahan ang hinihiling na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko. “I am not the one in the driver’s seat, when it comes to traffic. It’s an administration issue, not a legislative one,” saad ni Poe. Iginiit ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na bigo ang mga opisyal ng gobyerno na dipensahan ang hinihinging dagdag kapangyarihan para sa Punong Ehekutibo. Binigyang-diin pa nito na…
Read MoreDENGUE PUMALO NA SA 249,332; NASAWI NASA 1,021
(NI HARVEY PEREZ) PUMALO na sa may 249,332 ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) at nasa 1,021 na ang bilang ng mga nasawi mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019. Nabatid kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito ay may 50% mataas kumpara sa naitalang 119,224 kaso ng dengue at 622 ang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018. Sinabi ni Domingo na karamihan ng kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at…
Read More