HONASAN LUSOT NA SA CA

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) TULAD ng inaasahan ay walang kahirap-hirap na pumasa sa Commission on Appointments (CA) ang interim appointment ni dating senador at ngayo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II. Nagkakaisa ang mga senador na ibigay kay Honasan ang posisyon nito nang walang anumang balakid. Kabilang sa mga nag-endorso kay Honasan sina Senate Majority Leader Migs Zubiri, Senador Cynthia Villar, Senador Joel Villanueva, Senador Bong Go at Senador Ramon Revilla Jr. “Secretary Honasan has, so far, 44 years of experience in public…

Read More

P2-B DAGDAG NA PONDO PAMBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng karagdagang P2 billion ang National Food Authority (NFA) na pambili sa palay ng mga magsasaka sa mas mahal na presyo kumpara sa mga pribadong traders. Ito ang tiniyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano sa ambush interview sa gitna ng deliberasyon sa 2020 national budget sa Kamara upang mas marami umanong magsasaka ang matulungan ng gobyerno. “Definitely not lower than P9 billion, but we’re looking for much more,” ani Cayetano kaya magkakaroon ng realignment sa pambansang pondo subalit hindi pa tinutukoy kung saan ahensya ito…

Read More

PINOY STREET FOOD

PINOY STREET FOOD.jpg

(Ni ANN ESTERNON) Likas na sa mga Pinoy ang mag-explore ng mga makakain na kapag nagustuhan ng ating panlasa ay lampas na sa exploration o food adventure ang mangyayari kundi bahagi na rin ito ng kultura sa pagkain. Ang ilan sa mga pagkaing gustung-gusto ng mga Pinoy at hindi matanggihan ay ang iba’t ibang uri ng street foods – na sa lengguwahe ng iba sa atin ay “tusok-tusok” o “turo-turo”. Ang mga street food nating mga Pinoy ay hindi lang basta pampapak lang. Karamihan din ay kinakain ito na may…

Read More

P8.2-B BUDGET NG OP APRUB NA SA SENADO

(NI NOEL ABUELA) AGAD tinapos ng Senate finance subcommittee ang pagtalakay sa hinihinging pondo ng Office of the President na aabot sa P8.2 bilyon para sa susunod na taon. Hindi na pinatagal pa ni Senador Christopher Lawrence Go ang pagdinig sa komite nito at kinailangan lang ng 10 minuto at agad na pinagtibay ang pondo ng OP. Kasama rin sa komite ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald dela Rosa na hindi na nagtanong pa kung saan gagamitin ang pondo ng OP.…

Read More

PAGPATAY SA 3 OPISYAL NG BUCOR INIUUGNAY SA GCTA LAW

bucor55

(NI LYSSA VILLAROMAN) MALALIMANG imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ginagawa ng pulisya upang malaman kung may kaugnayan ang pagpaslang sa mga ito sa good conduct time allowance (GCTA). Ito ay napag-alaman kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar at iniutos sa mga tauhan ang masusing imbestigasyon sa pagkakapatay kamakailan kay Ruperto Traya Jr., administrative officer ng document processing division sa BuCor makaraan itong pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem. Ayon kay Eleazar, nabanggit sa imbestigasyon sa…

Read More

ROTC NAGLALAYONG HUBUGIN ANG MGA KABATAAN AT MAKATULONG SA DISASTER OPS

FORWARD NOW

Kumpiyansa ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin ang soberanya ng bansa at pagbibigay ng kakayahan sa kabataang tumugon sa panahon ng sakuna gaya ng rescue at relief operations. Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagbuhay sa two-year mandatory basic ROTC na ibinasura noong 2001. Sa panukalang batas, isasailalim sa ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12 sa lahat ng paaralan sa buong bansa ngunit nilinaw ng pangulo na ang…

Read More

PALA-ABSENT NA KONGRESISTA NABABAWASAN

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) RECORD high ang naging attendance ng mga mambabatas sa House of Representatives simula July 22 hanggang Setyembre 10. Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales ang 247 attendance sa loob ng 18 session days ay maituturing na historic at testimonya ito ng magadang pamumuno sa Kamara sa ilalim ng leadership ni House Speaker Alan Peter Cayetano. “I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance…

Read More

ANTI-DISCRIMINATION BILL, HINDI SOGIE, ANG DAPAT ISABATAS NG KONGRESO

SIDEBAR

Tama ang posisyon ng Malacañang at ni Senate President Vicente Sotto III na ang mas kailangang batas ay tungkol sa anti-discrimination na ‘di ha­mak na mas malawak ang saklaw kaysa Sexual Orien­tation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill na isinusulong ng ilang mambabatas. Limitado lang kasi ang SOGIE Bill sa diskriminasyon laban sa mga LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer community) at kadalasan pa ay nagiging sanhi ito ng ‘di pagkakaunawaan at debate gaya ng nangyari sa Far­mers Plaza kung saan na­ging isyu ang paggamit ng CR (comfort…

Read More

EMERGENCY POWERS SA TRAFFIC, PAGKAKAKITAAN LANG?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Marahil kaya gustung-gusto ng ilang mapagsamantalang negosyante at opisyal ng gobyerno ang pagbaba ng emergency powers on traffic dahil malaki ang kikitain nila sa mga kontratang kaugnay nito. Mula pa 2016, ay tinutulak na ng ilang indibidwal ang emergency powers sa trapiko. Mayroon ba silang dahilan sa pagtutulak nito? Kung ating susuriin ang Traffic Crisis Bill sa 17th Congress na bahagi ng panukalang emergency powers, makikita na magkakaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa transport workers, malaking kapangyarihan para sa traffic chief, at ang posibleng pribatisasyon sa lahat ng mass…

Read More