Minsan mapapaisip talaga tayo kung gaano kalalim na pagsasaliksik at pag-unawa sa pangangailangan ng mga sektor at constituents ang isinasaalang-alang ng ating mga mambabatas. Hindi naman pwede na kung anong maisipan at kung anong mabunot na isyu mula sa langit ay basta-basta na lamang gagawan ng panukala. Ngunit nakapagtataka na kung susuriin ang mga panukalang isinusulong sa Kongreso, maaaring nakakatuwa o nakakatawa. Sabi pa nga sa isang komento, parang walang malalang problema ang Pilipinas at kung anu-ano pa ang inuuna. Kamakailan ay dalawang panukala sa sektor ng edukasyon ang umani…
Read MoreMonth: September 2019
WALA SA LUGAR ANG TAPANG?
Misyon Aksyon, masyadong matapang ang isang pulis na si PCpl Belfred Delarosa ng PCP 3 Pabahay 2000. Nitong August 29, 2019 bandang alas-kuwatro ng hapon nang lumabas ako para i-claim ang padala sa akin. Nakasakay po ako ng aking motor mula sa kanto na may 50 metrong layo sa aming bahay ay may checkpoint. Nakita ako ni PCpl Delarosa, nilapitan ako at tinanggal ang helmet. Tinanong ko kung ano ang vilolation ko. Sa halip na sagutin ako nang maayos ay agad akong pinagmumura. Sir, sa dami ng aking naging karanasan…
Read MoreMRT-3 TIGIL-BIYAHE; SUPPLY NG KURYENTE KINAPOS
(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY LUCAS LUKE) NAGSUSPINDE ng biyahe ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Biyernes ng umaga dahil sa kawalan ng sapat na suplay ng kuryente bunsod na rin ng naputol na kable, sanhi upang mapilitan ang commuters na humanap na lamang ng alternatibong masasakyan upang makarating sa kani-kanilang destinasyon. Sa inisyung paabiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-6:17 ng umaga nang maputol ang Overhead Catenary System ng MRT-3 sa northbound ng Guadalupe Station, sa area ng Makati City. Pagsapit ng 6:42 ng umaga ay tuluyan nang…
Read MoreCALATAGAN, BATANGAS NILINDOL
(NI JEDI PIA REYES) NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Calatagan, Batangas, Biyernes ng gabi. Ayon sa Philippine Instititute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong alas-6:32 ng gabi sa layong 18 kilometro ng Calatagan. May lalim na 87 kilometro ang lindol na tectonic ang origin o pinagmulan. Naramdaman ang Intensity III sa Tagaytay City, Intensity II sa Mandaluyong City at Muntinlupa City; at Intensity I- Talisay, Batangas; at Quezon City. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro;…
Read MoreE-CIGARETTES ‘DI LIGTAS GAMITIN
(NI NOEL ABUEL) NAGKAKAISA ang mga eksperto na hindi maituturing na ligtas gamitin ang mga electronic cigarettes (e-cigs) sa kabila ng marami ang naniniwala na mas mabuti ito kung ikukumpara sa sigarilyo. Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, nagkakaisa ang mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), sa World Health Organization (WHO), at sa Philippine College of Physicians (PCP) sa pagsasabing walang patunay na mas ligtas gamitin ang mga heated tobacco products (HTPs) at vape products kung ikukumpara sa mga conventional cigarettes. “There is no…
Read MoreSPECIAL TREATMENT SA 10 HIGH PROFILE CONVICTS IKINABAHALA
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang senador sa posibleng paglaya ng 10 high profile inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglilipat sa mga ito sa Marine barracks sa Taguig City. Ito ang pahayag ni Senador Francis Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, kasunod ng ginawang pag-amin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inilipat sa Marine barracks ang nasabing mga high profile inmate dahil sa security reasons. Giit ni Pangilinan, patunay lamang aniya na walang kapabilidad ang prison system sa bansa para bantayan ang inmates sa bansa…
Read MoreP50K HANGGANG P1.5M ‘TARA’ SA GUSTONG LUMAYA SA BILIBID
(NI NOEL ABUELPHOTO BY DANILO BACOLOD) TUMATAGINTING na P1.5 milyon ang pinaghahatian ng organisadong mafia sa Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng maagang pagpapalaya sa mga convicted heinous criminals sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA). Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson base sa naging pahayag ng ilang testigong humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng GCTA Law o sa Republic Act 10592. Sa pagtataya, sinasabing nasa 2,000 heinous crime convicts ang napalaya simula noon pang 2014 dahil sa GCTA law na muntikan na ring…
Read MoreMANILA BAY REHAB GUGUGOL NG P4.1 B PONDO SA 2020
(NI ABBY MENDOZA) TULUY-TULOY ang rehabilitasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay kung saan sa susunud na taon ay gugugol ito ng P4.1B para sa clean up at rehabilitation. Sa budget briefing ng DENR, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na malaki na ang naging pagbabago ng Manila Bay mula nang simulan ang paglilinis noong Enero kung saan nabawasan na ang mga basurang palutang-lutang sa dagat at bumaba rin ang fecal coliform level dito. Patuloy din ang monitoring ng DILG, MMDA, LLDA at DPWH para tiyakin…
Read MoreCPP FOUNDER JOMA, MISIS, 36 PA IPINAAARESTO NG KORTE
(NI HARVEY PEREZ) IPINAAARESTO ng Manila Regional Trial Court Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Branch 32, si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison, ang kanyang misis at 36 iba pa, kaugnay sa kasong multiple murder na isinampa laban sa kanila mahigit isang dekada na ang nakakalipas. May petsang Agosto 28, 2019 , ang inisyung warrant of arrest laban kina Sison noong Agosto 28 sa kasong isinampa na may kaugnayan sa natuklasan na isang mass grave sa Inopacan, Leyte na pinaglagyan umano ng mga pinaslang na mga miyembro ng …
Read More