INANG-BAYAN

FOR THE FLAG

Sisikat din ang araw bayan ko, malilipol din ang mga demonyong sumuso sa kinabukasan ng mga kabataan, mga kampon ng demonyong hinubadan at kinalbo ang mga bundok at kagubatan, lalabas din ang wika ng paglaya na pupunit sa korapsyong bumabalot sa kaluluwa ng bansa. Bubukas din ang hawla ng pagkakakulong sa sumpa ng trapiko, lalandas din ang mga eroplanong magbabalik sa mga mahal sa buhay mula sa pagpapaalipin sa ibayong dagat. Bubukadkad na muli ang bango ng kaluluwa ng tunay na pagka-Filipino, matutuwang lalanghapin ng langit ang bango ng kanyang…

Read More

‘PADRINO SYSTEM’, USO PA RIN SA PNP — ALBAYALDE

albayalde

(NI JG TUMBADO) AMINADO si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na hindi pa rin tuluyang nawawala ang padrino system sa pambansang pulisya. Gayunman, sinabi ni Albayalde na “minimal” o nabawasan naman ang ganitong sistema kumpara sa mga nakalipas na administrasyon. Pero pagtitiyak ni Albayalde, mangilan-ngilan na lang ang pasaway sa kanilang hanay at wala rin umanong political patronage sa promotion ng ranggo at posisyon. Nauna nang iniharap sa publiko ang pulis na nahuling nagbebenta umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa City na si Patrolman Leo Valdez.…

Read More

‘MAPAGKUMBABANG TATALIMA’

INIHAYAG ngayong Miyerkoles ng gabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na mapagkumbaba siyang tatalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ang kanyang posisyon. “My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” sabi ni Faeldon sa inilabas na statement. “I most humbly bow to my commander-in-chief’s order without any hard feelings,” dagdag pa nito. Nauna rito, sa isang press briefing, sinabi ni Duterte na kailangan nang magresign ni Faeldon dahil nilabag nito ang pangako sa Pangulo…

Read More

EJ OBIENA, SWAK SA OLYMPICS

(NI JOSEPH BONIFACIO) ITINANGHAL si pole vaulter EJ Obiena bilang kauna-unahang Pinoy athlete na nakakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympic Games, matapos ang kanyang golden performance sa Salto Con L’Asta  2019 sa Chiari, Italy noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas). Sinira ni Obiena ang sariling Philippine record nang magawang malundag ang 5.81 metro para lampasan ang Olympic entry standard na 5.80 metro. Nagpasalamat naman si Obiena sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya para matupad ang pangarap na makapasok sa Olympics. Sinubukan ng 23-anyos na si Obiena ang…

Read More

GCTA FOR SALE SA BILIBID, KUMPIRMADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINEBERIPIKA na ng Senado ang hawak nilang impormasyon hinggil sa sinasabing katiwalian kaugnay sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa milyong bayaran kapalit ng kalayaan ng isang convict. “We have intelligence reports already that I already shared with Senator Lacson, so in the hearings tomorrow (Huwebes), we will see if we have to uncover them or not,” saad ni Sotto. “According to intel reports that we gathered from inside, they…

Read More

DU30 KAY FAELDON: MAG-RESIGN KA NA!

MATAPOS ang kaliwa’t kanang panawagan ng publiko at politiko na umalis na sa posisyon si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito, agad. “Nakapagdesisyon na ako nitong nakaraang gabi. Iniuutos ko ang agarang pagsibak sa tungkulin kay Faeldon,” sabi ng Pangulo. Naging kontrobersiyal ang BuCor chief matapos ang naunsiyaming paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Naibalita na may bayarang nagaganap sa loob ng bilibid kapalit ng paglaya ng high profile convicts kasama na ang suspect sa pagpaslang at panghahalay sa…

Read More

MAHABANG GABI SIMULA SA SEPT. 23 — PAGASA

equinox44

(NI ABBY MENDOZA) MAS magiging visible ang mga bituin sa langit simula Setyembre 23 dahil sa mararanasang Equinox o mas mahabang gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sabihin ay gabi ay nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi. Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at summer naman sa  southern hemisphere. Ang…

Read More

OSANG, PANTASYA NOON NINA TOM, JOSEPH MARCO

(NI PETER LEDESMA) NOONG kasagsagan ng sexy movies ni Rosanna Roces, dalawa sa mga nagpantasya sa kaakit-akit na katawan nito ay sina Tom Rodriguez at Joseph Marco na pareho niyang nakasama sa magkaibang proyekto. Pero compared daw to Tom ay mas matagal nakasama ni Osang si Joseph sa “Los Bastardos.” Bulong kay Osang ng tropa nina Tom at Joseph, kaya nahihiyang lumapit sa kanya sa set ang dalawa ay dahil noong high school days pala ng mga ito ay mahilig silang manood ng mga pelikula ni Rosanna sa VHS na sinasabayan…

Read More