PINATUNAYAN ni Marck Espejo na hindi nagkamali ang Visakha Volleyball Club sa pagkuha sa kanya nang pangunahan ang team sa panalo kontra Prince Finance, 25-22, 25-21, 18-25, 25-22 noong Linggo sa Thailand Volleyball League. Nagposte si Espejo ng 23 points kasama ang 20 attacks, 2 blocks at isang ace sa naturang laro kung saan hinirang siyang “best player of the game.” Nangako ang five-time UAAP MVP sa isang TV interview dito, mas paghuhusayan pa niya ang laro para sa kanyang bagong team. “We started slow that’s why the game was…
Read MoreMonth: January 2020
INDIE ACTOR NAPANIGINIPAN ANG PAGSABOG NG TAAL
Panay-panay ang shout out ng indie actor na si Miko Pasamonte sa Facebook. May pangitain daw siya na sasabog pa nang bonggang-bongga ang bulkang Taal. “Hihigitan pa ang Pinatubo!” aniya. Nang mag-alburoto ang nasabing bulkan noong Enero 12 ay nag-shout out na agad si Miko na napanaginipan niya iyon. Nakatira si Miko sa Dasmariñas, Cavite, na malapit-lapit sa Tagaytay. Kabilang sa indie movies ni Miko ang Kape Barako, The Escort, #LabYu at Kumpare. MAKABUBUTING IPAGPALIBAN ANG SHOWING NG D’NINANG, NIGHTSHIFT AT BLOCK Z Abala pa rin ang mga tao sa…
Read MoreVANCE LARENA KAMAHAL-MAHAL
“ I really love his aura, lalo na sa movie na Dead Kids. He’s the best. I also love his kilay tangina parang kayang-kaya akong ipaglaba.” Post ‘yan ng isang Vance Larena hibang fan na si C. V. Kamahal-mahal nga si Vance. Siya lang naman ang bida sa kauna-unahang Philippine Netflix Original Film na ‘Dead Kids.’ Ai Vance Larena ay itinadhana na maging isa sa mga malaking bituin sa henerasyong ito, hindi lamang sa ating bansa kungdi pati na sa buong mundo. Kasama ng 24 anyos na actor, ang singer…
Read MoreDIMPLES, NAAKSIDENTE SA SHOOTING
Kabilang si Dimples Romana sa pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula January 29. Ayon kay Dimples ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang naturang proyekto. “Ang pinaka-charm ng pelikula is that it’s going to bring you physically into those roller coaster of a scene ng takbuhan but also the emotions. ‘Yung mabibigla kayo na, ‘Oh my God!’ I can’t begin to tell how that ending will rock your world. I’m telling you ‘yun ang pinakamalaking pasabog ng pelikulang…
Read MoreMORRISON, KAPOS SA OQS
BIGO pa rin si Filipino-American shot putter William Morrison III na maabot ang Olympic Qualifying Standard na 21.10 metro sa sinalihang Vanderbuilt Invitational sa Nashville, Tennessee. Ngunit gumawa naman siya ng bagong Philipine at Southeast Asian Games records nang magtala ng 19.17 metro sa men’s shot put. Ang hagis ni Morrison sa Vanderbuilt Invitational ay tumabon sa dating 16.74m record ng Filipino shot putter na si Eleazar Sunang. Binura din nito ang dating SEA Games record ni Chatchawal Polyam ng Thailand na 17.74m na itinala noong 2011 SEA Games. Tinabunan…
Read MoreDE LANGE: BAGONG MUKHA NG DOWNHILL SKATEBOARDING
(NI DENNIS PRINCIPE) Sa matagal na panahon, kinunsidera bilang “pasaway” ng kalsada ang mga skateboarders na gumagala sa paligid ng Metro Manila at maging sa iba’t-ibang siyudad at bayan sa Pilipinas. Ngunit sapul nang magwagi si Cebuana skateboarder Margielyn Didal ng gintong medalya sa 2017 Asian Games, unti-unti nang nababago ang paningin sa mga skateboarders ng bansa. Sa nakaraang Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas, isa pang skateboarder ang gumawa ng ingay at inaasahan na makatutulong sa pagbibigay ng dagdag respeto sa kanilang sport. Ang 23-anyos na si Jaime…
Read MorePANTY, BRIEF KAPOS NA SA EVAC CENTERS
KINAKAPOS na sa gamit panloob ang libong evacuees na nanunuluyan sa mga evacuation center. Sa paglilibot ng mga opisyal ng pamahalaan sa ilang evacuation centers na umabot na sa mga bayan ng Cavite ay lumalabas na bukod sa pagkain ay pangunahing pangangailangan ng mga tao ang mga sanitary and hygienic supplies para sa mga evacuee at kabilang dfito ang panties, bra, brief at diapers. Ayon sa Department of Social Welfare and Development at Citizens’ Disaster Response Center, kailangan tratuhin nang may dignidad ang mga survivor ng pag-aalburoto ng bulkan. “To…
Read MorePAGBABALIK-ESKWELA NG MGA BAKWIT TINIYAK
MAKAPAGPAPATULOY sa pag-aaral ang mahigit 30,000 estudyante mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) na direktang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Ito ang pagtiyak ni Department of Education (DepEd) Disaster Response director-in-charge Roni Co sa isang radio interview, kahit pa aniya nasa mga evacuation center sa ngayon ang kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, ayon sa DepEd, nasa 10,169 mula sa tinatayang mahigit 30,000 inilikas na estudyante ang nananatili sa 258 na mga paaralan sa buong Calabarzon na pansamantalang ginagamit na mga evacuation center. Ayon…
Read MoreDONAIRE vs INOUE, WBA’s FOY
NAPILING ‘Fight of the Year’ ng Boxing Writers Association of America ang bantamweight showdown sa pagitan nina Nonito Donaire at Naoya Inoue. Ang labang ginanap sa Saitama Super Arena sa Japan noong Nobyembre 7 ay nagresulta sa unanimous decision win ni Inoue. Halos makipagpalitan ng mukha si Donaire kay Inoue, minalas lang na bumagsak ang tinaguriang ‘The Filipino Flash’ sa 11th round na nagbigay ng malaking bentahe sa Japanese fighter, para itakbo ang 117-109, 116-111 at 114-113 win na pinale ng World Boxing Super Series tournament at maibulsa ang Muhammad…
Read More