P1-B PEKENG SIGARILYO NAKUMPISKA NG BOC

PEKENG SIGARILYO-3

UMABOT sa P1 bilyon ang halaga ng mga pekeng cigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC_ Enforcement and Security Services (BOC-ESS) habang nasa 20 Chinese ang naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Nueva Ecija noong Sabado. Armado ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng BOC-ESS ang target na bodegang pagawaan ng pekeng sigarilyo. Kasama ng nasabing tanggapan ng BOC ang Cabiao Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group Region 3, Regional Mobile Force Battalion Region…

Read More

BOC PORT OF CEBU HANDA NGAYONG 2020

BOC-PORT OF CEBU

TINIYAK ng Bureau of Custom (BOC) Port of Cebu na handang-handa sila sa muling pagsabak sa trabaho sa buong taon ng 2020. Ito ang paniniyak ng mga opisyal at tauhan ng BOC Port of Cebu sa kanilang hepe na si District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza sa kanila Monday Flag Raising noong nakaraang linggo. “Your customs officers and men are more than ready and very much willing to serve you this fiscal year”, ayon pa kay Mendoza. Noong nakaraang Enero 6, 2020 ay pinangunahan ni Mendoza  ang New Year’s call…

Read More

START STRONG PORT OF NAIA

BOC-NAIA-3

BAGAMAN malaki ang naging epekto ng pag-alburuto ng Bulkang Taal sa Bureau of Customs (BoC), tiniyak ng mga opisyal ng Port of Ninoy Aquino International Airport na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang koleksyon para sa taong 2020. Kaya naman sa kanilang pagpupulong, naging slogan ng BOC-NAIA ang “Start Strong Port of NAIA.” Upang maging maayos ang palakad sa nasabing tanggapan, pinangunahan ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang orientasyon ng mga bagong personnel kabilang ang tatlong abogado at 47 security guards kung saan tinalakay at binigyang diin…

Read More

MAGANDANG UGNAYAN SA STAKEHOLDERS SUSI SA MATAAS NA KOLEKSYON

District Collector Maritess Martin

SUNOD-SUNOD ang isinagawang meeting ni Bureau of Customs (BOC) Port of Subic District Collector Maritess Martin sa mga stakeholders sa puerto sa pagpasok ng taong 2020. Sinabi ni Martin, layon ng kanyang halos linggo-linggong pakikipagpulong sa mga negosyante ay upang mas lalong mapaganda at mapatatag ang koleksyon para sa kasalukuyang taon. Kabilang sa mga nakausap n ani Martin ay sina  Henry Dungca ng SBITC,  Luz De Guia ng  Keihin at Resty Zapanta  ng Prime Global. Maging ang mga kinatawan ng iba’t ibang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na kinabibilangan nina…

Read More

HONORARIA NG POLL WORKERS ‘DI NA BUBUWISAN

Senador Sherwin Gatchalian

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Senador Sherwin “Win” Gatchalian upang hindi na kaltasan ng buwis ang honoraria, transportation allowance at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga poll worker tuwing halalan tulad ng guro. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na nakatakdang amyendahan ng Senate Bill No. 1193 ang National Internal Revenue Code of 1997 upang matanggap ng poll workers tulad ng guro ang kabuuang halaga ng kanilang honoraria at iba pang benepisyo tuwing halalan. “As the registration for the May 2022 polls opens on January 20, I am urgently…

Read More

PREMYO NI ESPINOSA, ABOT-KAMAY NA

Luisito Espinosa

UMAYON ang magandang kapalaran para sa dating world boxing champion na si Luisito “Lindol” Espinosa. Sa halos ilang dekadang nagdaan,  makakamit na ng nagretiro noong 2005 na si Espinosa ang hustisya nang iutos ng Supreme Court sa mga kaanak ng dating boxing promoter nito na bayaran ang kabuuang $130,349 (tinatayang P6.6 million), dagdag pa ang interest bilang bahagi ng kanyang napanalunan sa pagwawagi sa laban kontra kay Argentine Carlos Rios noong 1997. Ito’y matapos ibasura ng Supreme Court’s Third Division ang petisyon ng kaanak ni Rodolfo “Rod” Nazario na baligtarin…

Read More

KOMPETISYON SA MOTOR TAXI IGIGIIT

gracepoe12

Resulta ng DOTr – TWG test run isasalang sa Senado TINIYAK ni Senadora Grace Poe na igigiit niya na magkaroon ng kompetisyon sa serbisyong motorsiklong taksi bilang alternatibong pampublikong sasakyan sa pagdinig sa Senate committee on public services ngayong araw. “Gusto natin ng kumpetisyon. Dahil kapag may kumpetisyon, kahit papaano [ay] mapapagaling ang mga [kumpanya ng motorsiklong taksi na] nagbibigay ng serbisyo sa mga mananakay,” tugon ni Poe, tagapangulo ng Senate committee on public services. Ang pahayag na ito ni Poe na, ay pabor sa pagharang sa monopolyo na siyang…

Read More

BENILDE BABANGGAIN NG LETRAN

NCAA Season 95 women’s volleyball tournament2

PIPILITIN ng Letran na malusutan ang unang mabigat na pagsubok kontra College of Saint Benilde sa pagpapatuloy ng aksyon ng 95th NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre. Alas-12:00 ng tanghali laro ng Lady Knights at Lady Blazers. “Siyempre lahat ng teams gusto naman maging top four. From there, tingnan natin kung anong mangyayari. Ang importante, pina-practice namin kung anong gustong ipagawa sa mga bata,” pahayag ni coach Mike Inoferio. Ang Letran, nagpamalas ng magandang kampanya sa PVL Collegite Conference noong 2019 ay nanaig kontra Emilio Aguinaldo…

Read More

AYALA AT MVP SWAK SA PLUNDER — DUTERTE

Kapag napatunayan, Drilon kakasuhan din (Ni: NELSON S. BADILLA) KAHIT mayroong bagong kontrata na iaalok ang pamahalaan sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc., hindi inaatras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang plano na sampahan ng kasong “plunder” o “syndicated estafa” ang mga may-ari at namamahala ng dalawang kumpanya. Kumbinsido si Duterte na “swak” ang magkapatid na sina Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala II, ang mga may kontrol ng Ayala Corporation na siyang may-ari at namamahala ng Manila Water at si Manny…

Read More