Community quarantine dinedma PASTOR INARESTO SA BIBLE STUDY

AKLAN – Bagsak sa kulungan ang isang pastor dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhance community quarantine at nanlaban pa nang sitahin dahil sa isinasagawang bible study sa kanilang chapel, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang inaresto na si Ivan Yadao, 41-anyos, ng Barangay Dalipdip, Altavas, Aklan. Batay sa report ng Altavas Police Station, nagresponde ang mga barangay tanod hinggil sa impormasyong nagsasagawa ng bible study ang pastor sa ilang kabataan at matatanda sa nabanggit na chapel na paglabag sa ipinatutupad na enchance community quarantine. Sinita…

Read More

UNANG COVID-19 CASE SA CALAMBA NAITALA, 2 NAMAN SA SAN PEDRO

LAGUNA-Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 ang lungsod ng Calamba. Ang pasyente ay isang lalaki na edad 45 at nagmula sa Barangay Canlubang. Isa siyang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas at may travel history sa ibang bansa. Sa huling ulat, mayroon nang 85 persons under investigation o PUIs ang lungsod at 1,313 persons under monitoring (PUMs). Pinaalalahanan ni Mayor Justin Chipeco ang mamamayan ng Calamba na sumunod sa mga patakaran ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil walang sinisino ang nakakamatay na sakit. Samantala, tinutunton na…

Read More

PAG-UWI NG OFWs, PAGHANDAAN – SOLON

kamara1

KAILANGANG paghandaan na ng pamahalaan ang inaasahang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) matapos maapektuhan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang ekonomiya ng mundo. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo ang nasabing panawagan sa pamahalaan partikular na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) matapos bumagsak nang husto ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. “With world crude oil prices falling to only $23.75 per barrel as an aftershock of COVID-19, expect demand for OFWs in the oil-rich countries and for…

Read More

DOLE SA OFWs: $200 FINANCIAL ASSISTANCE IBIBIGAY

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan ng 200 dolyares bawat Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng isang buwan habang may problema sa COVID-19 sa bansa. Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, partikular na bibigyan ng tulong pinansyal ang mga nawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 na namiminsala sa buong mundo. Kabilang dito ang mga OFW sa Italy na siyang nangungunang apektado ng COVID-19. Ani Bello, kung gusto namang umuwi ng mga OFW ay maaari nilang tulungan ang mga io para makabalik ng bansa.…

Read More

SPECIAL POWERS ‘DI AABUSUHIN NI PDU30

duterte12

SINIGURO ng Malakanyang na hindi maaabuso ang dagdag kapangyarihang ipinagkaloob ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa sa coronavirus disease. Kasunod ito ng mabilis na paglusot sa dalawang kapulungan para mabigyan ng special powers ang Presidente hanggang sa malagdaan nito ang Bayanihan to Heal as One Act. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, makatitiyak ang sambayanang Pilipino na ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa Chief Executive ay gagamitin lamang base sa kung ano ang itinatakda ng Konstitusyon. May hangganan ani Sec. Panelo ang…

Read More

P8-K MAKARATING SANA SA MAHIHIRAP NA PAMILYA

Badilla Ngayon

TINALAKAY sa ­Kongreso nitong Lunes ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay ­Pangulong Rodrigo Duterte na galawin at ­ilipat ang iba’t ibang pondo mula sa mga piling ahensiya ng pamahalaan upang makalikom ng P275 bilyon ang pangulo na ­gagamiting badyet na ipamimigay sa mamamayang  dumanas ng matinding epekto ng pandemyang coronavirus disease 2019 o COVID-19. Syempre, maganda kung magiging ganap na batas ang nasabing panukala. Sa P275 bilyon, P8,000 ang mapupunta sa bawat pamilyang kuwalipikadong maging benepisyaryo ng nasabing tulong-pinansiyal ng pamahalaan, banggit ni Senate President Vicente Sotto III.…

Read More

SALUDO SA BAYANING HEALTH WORKERS

DPA

KUNG mayroong dapat saluduhan at pasalamatan sa gitna ng problema sa coronavirus ­disease 2019 o ­COVID-19, walang iba kundi ang mga health workers na isinasakripisyo ang kanilang sariling kapakanan at kaligtasan para magamot at alagaan ang mga pasa­yente. Hindi biro ang ­responsibilidad na nakaatang sa balikat ng lahat ng health ­workers sa bansa ngayon na ­dumadaan sa matin­ding pagsubok dahil sa virus na ito na pinabayaan ng China kaya buong mundo ang apektado. Apat na doctor ang namatay sa COVID-19 at marami pa ang nagkasakit. Kasama kayo sa aming panalangin.…

Read More

KULONG, MULTA SA MAGKAKALAT NG FAKE NEWS

MAKUKULONG na ng dalawang buwan, pagmumultahin pa ng hanggang isang milyong piso ang mga magpapakalat ng fake news sa social media sa gitna ng laban kontra sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ito ang isa sa mga ipinasok na amendment sa Bayanihan To Heal As One Law na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay sa kanya ng karagdagang kapangyarihan sa paglaban sa COVID-19. Sa Section 6 ng nasabing batas, maging ang mga indibidwal, grupo na nagpapakalat ng fake news sa COVID-19 sa pamamagitan ng social media at iba…

Read More

HOME GARDENING PARA IWAS BURYONG

IMINUNGKAHI ni Senador Cynthia Villar sa sinomang nababagot sa bahay habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na magsagawa ng home gardening na bukod sa magiging produktibo ang panahon, may inaasahan pang aanihin pagdating ng oras. Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay. “Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can…

Read More