Barangay officials binalaan “NO VOTER’S ID, NO FOOD PACKS” BAWAL – DILG

NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang sinomang kapitan o opisyal ng barangay na humihingi muna ng voter’s ID sa kanilang mga nasasakupan bago mabigyan ng rasyong food packs. Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, walang ganoong patakaran na dapat ipatupad lalo na’t lahat aniya sa mga panahong ito ay nangangailangan. Hindi aniya dapat pairalin ang anomang anyo ng pulitika sa ganitong klase ng sitwasyon at krisis na kung saan ay pawang apektado ang lahat. Sa kabilang dako, nanindigan naman si…

Read More

COVID-19 UPDATE

636 – nagpositibo 26 – nakarekober 38 – nasawi INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 636 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa case bulletin na inilabas ng DOH, hanggang alas-4:00 ng hapon ng Miyerkoles, Marso 25, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 84 na bagong kaso ng sakit, mula sa dating 552, kaya umakyat sa 636 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas. Nadagdagan din ng tatlo ang mga namatay sa sakit na mula sa dating 35…

Read More

Kinondena ng Makati Med sa paglabag sa home quarantine protocol KOKO NAGDULOT NG PELIGRO

KINONDENA ng pamunuan ng Makati Medical Center ang paghahatid ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa kabiyak na si Kath sa nasabing ospital sa kabila na sumasailalim siya sa home quarantine lalo na nang mabunyag na positibo sa COVID-19 ang senador. Nabatid na inihatid ni Pimentel sa MMC ang kanyang maybahay dahil nakatakda na itong manganak. Naka-home quarantine ang senador matapos kunan ng swab sample noong Marso 20, 2020. Sa pahayag, inamin ni Pimentel na positibo siya sa COVID-19 na kanyang nalaman umano hatinggabi ng Marso 24 mula sa tawag…

Read More

LATIGO SA MGA PASAWAY

PRO HAC VICE

Dapat  siguro magkaroon ng kaunting kamay na bakal ang pamahalaan upang mabigyan ng mabigat-bigat na kaparusahan ang mga pasaway partikular na ang mga kabataan na siya ngayong pangunahing sakit ng ulo ng mga local governments units (LGUs). Kung kailangang maparusahan ng mas mabigat upang matauhan o matuto ang mga pasaway nating mga kababayan partikular na ang mga kabataan ay dapat gawin na ito ng pamahalaan. Sobrang abuso na po ang ginagawa ng mga pasaway na mga yan! Wala na ngang naitutulong sa pamahalaan ay nagpapasaway pa. Alam naman nila na…

Read More

MGA BAGONG BAYANI NG PANAHON

Sa Ganang Akin

SA maraming parte ng mundo ay tila COVID-19 ang pangunahing ­usapin at laman ng balita. ­Maging dito sa Pilipinas, wala nang ibang ibinabalita kundi mga impormasyon at balitang ukol sa pandemyang ito. Maitutu­ring na isang matinding dagok ito hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Hindi lamang ang mga tao sa Luzon ang ­nakararanas ng kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community lockdown. Ito kasi ang  natukoy na mabisang hakbang upang mabilis na mapigil ang pagkalat ng nasabing virus. Bunsod nang mabilis na pagkalat ng COVID-19, napakara­ming mga health worker…

Read More

LGUs, BRGY. OFF’LS NA PASAWAY KASTIGUHIN

PUNA

ITINUTURO ng ilang delivery trucks, health workers at mga manggagawa na kaya hindi sila nakakarating sa kani-kanilang patutunguhan dahil sa mga pasaway na Local Government Units (LGUs) at barangay officials. Hindi raw po kasi sila pinadadaan ng mga ito sa kani-kanilang ipinatutupad na sariling lockdown sa kanilang lugar. Kung anu-ano raw pong mga dokumento ang hinahanap ng mga ito sa mga dumadaan sa kanila. Kaya hindi tayo magtataka kung bakit nauubusan na ng stocks na paninda sa mga groceries at supermarkets. Duda tuloy ng mga delivery truck na gustong manghingi…

Read More

CONTACT TRACING SA MGA NAKASAMA NG YUMAONG JUDGE IKINASA

TINUTUNTON na ng mga awtoridad ang mga nakasalamuha ng yumaong judge ng Laguna na hinihinalang tinamaan ng COVID-19. Nasa 33 katao na ang nasa talaan ng Laguna police office na direktang nakasalamuha ng judge mula noong buwan ng Pebrero hanggang sa bawian ito ng buhay. Noong Linggo, Marso 22, pumanaw si Judge Virgilio Gesmundo, Regional Trial Court Branch-8 Family Court ng Calamba City dahil sa hinihinalang COVID-19. Kabilang sa nasa talaan ang 18 personnel ng naturang trial court, at ang 14 na mga person under custody mula sa Calamba detention…

Read More

SOCIAL DISTANCING SA BAHAY IBINIDA NI PANELO

Atty Salvador Panelo

SINABI ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may umiiral na social distancing sa loob ng kanilang bahay para makaiwas sa peligro ng coronavirus disease 2019. Aniya, hindi sila sabay-sabay kumakain ng kanyang asawa at isang anak para masiguro na iwas sa COVID-19. Subalit, kung sakali naman aniyang magkakasama silang kumakain sa mesa ay sinisiguro ng kanyang mag-ina na ang distansiya nila ay isa at kalahating metro. “Kami dito sa bahay may social distancing. Hindi kami sabay-sabay na kumain. Kung sabay-sabay man kami, talagang ang distansiya namin isa at kalahating metro,”…

Read More

RICE MILL, NFA WAREHOUSES SA BULACAN BANTAY-SARADO

MAHIGPIT na binabantayan at nagdagdag din ng security measures sa mga rice mill sa Golden City Business Park at Intercity Industrial Estate, kapwa major rice trading centers sa bansa na nakabase sa bayan ng Bocaue, Bulacan, Ayon kay Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Central Luzon regional police director, nakatanggap sila ng impormasyon sa sinasabing pag-atake ng mga robbery syndicate sa mga supermarket, grocery stores, warehouses, at iba pang food banks sa gitna ng nararanasang kakulangan sa essential food supply o basic commodities dulot ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa…

Read More