P1 – B dagdag-badyet, hiling ng DA KADIWA NI MARCOS PALALAKASIN, PALALAWAKIN

UMAASA si Agriculture Secretary William Dar na papayagan ng Malakanyang ang P1 bilyong karagdagang badyet ng Department of Agriculture (DA) upang maparami ang suplay ng pagkain at magtuluy-tuloy ito ng dalawang buwan. Ang kahilingan ng DA ay ipinarating ni Dar sa pamamagitan ng liham kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Marso 21. Ang P1 bilyon ay gagamitin hanggang Mayo 14, isang buwan matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 14. Ayon kay Dar, P325 milyon mula sa P1 bilyon ay gagamiting pondo upang palakasin at dagdagan ang Kadiwa Center sa…

Read More

EMERGENCY POWER NI DIGONG, APRUB

duterte88

TULAD ng inaasahan, pinagtibay ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang bigyan ng Emergency Power si Pangulong Rodrigo Duterte para kontrolin ang pagdami ng mga mabibiktima ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Sa pamamagitan ng viva voce voting, lumusot sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6616 o Bayanihan Act of 2020 na dating “We Heal As One” bill at habang isinusulat ito ay kinakalap pavang boto ng mga mambabatas na hindi nakadalo nang personal sa special session, para sa ikatlo at pinal na pagbasa. Sa special session na isinagawa…

Read More

VIP treatment binira ng netizens POLITICIANS POWER TRIP SA COVID TEST

NAGLABAS ng kanilang galit sa social media ang mga netizen matapos mag-post ng litrato ang ilang politiko at government officials na pawang negatibo sa isinagawang COVID-19 test. Hindi nagustuhan ng netizens ang mistulang pag-impluwensya o paggamit ng kapangyarihan ng mga naturang politico upang mauna sa testing ng naturang virus gayung limitado pa lang ang available na testing kits sa kasalukuyan. Sabi ni @bumaBAgyo, “Just for perspective. The Philippines has a population of 104.9 million. As of 20 March 2020, we have only conducted 1,269 tests. In short, we have only…

Read More

P1.5B KINALAP PARA TULUNGAN ANG MAHIHIRAP

UPANG umayuda sa gitna ng COVID-19 crisis, nangalap ang grupo ng mga kilalang negosyante ng aabot sa P1.5 bilyon upang gamitin sa pamamahagi ng ‘grocery vouchers’ sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila. Sa statement na ipinost online, target ng ‘Project Ugnayan’ na makapamahagi ng P1,000 ‘gift certificates’ sa may isang milyong kabahayan sa mahihirap na komunidad sa malaking bahagi ng Metropolis. Ang ‘Project Ugnayan’ ay inisyatibo at pagtutulungan ng business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) na makakalap ng pondo upang masuportahan ang pamahalaan na matugunan…

Read More

SENATE MINORITY BLOC, ABSENT SA SPECIAL SESSION

BIGONG makadalo sa special session para sa pag-apruba ng panukala para sa mga hakbangin sa pakikipaglaban sa COVID 19 ang mga miyembro ng Minorya sa Senado. Alas-10 ng umaga nang magsimula ang sesyon na dinaluhan ng kabuuang 12 senador. Sa paliwanag nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Kiko Pangilinan at Senador Risa Hontiveros, kasalukuyan silang nasa ilalim ng 14 araw na quarantine. “The absence of the Minority Bloc in the Special Session is NOT, repeat NOT, a boycott. We are on a 14 day self quarantine as we were…

Read More

PAGBILI NG TEST KITS NG LGUs, IPAALAM SA DOH-IATF

KAILANGAN munang ipagbigay-alam ng mga Local Government Unit (LGUs) sa Department of Health (DoH) kung bibili at gagamit ang mga ito ng COVID-19 testing kits. Ito ang binigyang diin ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases spokesman Karlo Alexei Nograles dahil hindi aniya ganun kasimple ang pagtiyak kung ang isang indibidwal ay positive o negative sa COVID. Ani Nograles, pre-requisite na maipagbigay-alam na muna at maiugnay sa Health Department ang anomang hakbang na may kinalaman sa paggamit ng testing kits ng mga nasa LGU upang masigurong…

Read More

BIÑAN, LAGUNA NAKAPAGTALA NG UNANG KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA na ng unang positibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Biñan City, Laguna. Ayon sa Biñan City Public Information Office, kinumpirma ito mismo ni Mayor Arman Dimaguila nitong Lunes ng umaga. Ang nagpositibo ay isang 58-anyos na Filipino na residente ng Barangay San Francisco. Wala namang sinabi kung ito ay may travel history sa abroad o local transmission lamang. Ito na ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa Laguna kung saan ang dalawang nauna ay mula sa lungsod ng Sta. Rosa partikular sa mga barangay ng Macabiling at Tagapo.…

Read More

Payo ng Malacanang ngayong nagkakasakit na rin ang mga frontliner SOCIAL DISTANCING SERYOSOHIN

PARA sa Malakanyang, “urgent” ang dapat pagtalima ng publiko at hindi dapat balewalain ang ipinatutupad na community quarantine gayundin ang social distancing. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, batid at nakararating sa Office of the President (OP) ang tungkol sa sitwasyon ng mga doktor, nurses at hospital staff na pawang nasa forefront sa pagtugon sa COVID-19. “The Office of the President has been monitoring the situation on the ground as it has received reports of the concerns of our doctors, nurses and hospital staff who are at the forefront of…

Read More

HIV AT TB CARRIERS DELIKADO SA COVID-19

KUNG mayroong higit na delikado sa coronavirus disease o COVID-19, ito ay ang mga taong may human immunodeficiency virus (HIV) at tuberculosis (TB) na nagpapa-check-up. Ito ang babala ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, vice chairman ng House committee on health, sa gitnang giyera ng gobyerno laban sa COVID-19 na patuloy na nananalasa sa buong mundo. Ayon kay Defensor, maraming Filipino ang hindi nakaaalam na mayroon na silang HIV at TB kaya nanganganib ang mga ito sa COVID-19 lalo na kapag na-expose sa nasabing virus. “We have many undiagnosed cases…

Read More