COVID-19 UPDATE: 552 – INFECTED 33 – NASAWI 19 – GUMALING

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, ngayong hapon (March 24), nasa 552 na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas. Umakyat din sa 33 ang bilang ng mga nasawi habang 19 naman ang gumaling. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang biglang paglobo ng bilang ng mga nagpositibo ay dahil sa pagdami ng testing capacities ng laboratories. Sinabi rin ni Vergeire na nakakapag-test na sila…

Read More

Pinandirihan ng netizens ‘EPAL’ NI CAYETANO INUPAKAN

MULING nakatikim ng masasakit na puna at batikos si House Speaker Alan Peter Cayetano nang ibida at ipamukha sa publiko na siya at ilang opisyal ng pamahalaan ay pawang “frontliners” na lumalaban sa pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID- 19. Mabilis na kumalat at pinagpiyestahan sa social media ang litrato ni Cayetano na kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea na hawak ang manila paper na may nakasulat na : “Together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us.” Ang nasabing eksena na…

Read More

Mabusising pagtugon sa COVID-19 kinakailangan WE HEAL AS ONE – REP. NOGRALES

KINAKAILANGAN nang ipasa ang “We Heal as One Act of 2020” upang mapigilan ang patuloy na lumalalang epekto ng novel coronavirus sa bansa. Ito ang pahayag ni Rizal 2nd Dstrict Rep. Fidel Nograles sa idinaos na special session nitong Lunes sa Kamara upang talakayin ang panukala. “Kailangan na maging mabusisi tayo tungkol dito. Kulang tayo sa paghahanda. Inaasahan natin na ang panukalang batas na ito ay makatutulong para matugunan natin nang maayos ang krisis na ito,” ayon sa bagitong mambabatas. Ang House Bill 6616 ay naglalayong ideklara ang state of…

Read More

COVID POSITIVE SA BULACAN, UMAKYAT SA 8

BULACAN – Umakyat na sa walo nitong Martes ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng Bulacan Provincial Health Office (PHO). Ayon kay Dr. Jocelyn Gomez, Bulacan provincial health officer, lalaki ang pinakahuling tinamaan ng nasabing nakamamatay na virus, na isang taga-Lungsod ng Malolos. Nabatid na ang pasyente ay isang engineer at nagtatrabaho umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metro Manila. Sinabi ni Malolos Mayor Bebong Gatchalian, isinasagawa na ng mga tauhan ng Bulacan PHO, ang contact-tracing sa posibleng nakasalamuha nito kabilang…

Read More

MGA NARS PINALAYAS SA DORMITORYO

DAVAO CITY- Ikinagalak ng mga nars na pinaalis sa isang dormitoryo, ang pagtulong sa kanila ng lokal na gobyerno na makahanap ng tirahan. Nakalipat na sa isang motel ang mga nars matapos umapela si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte sa motel na Oh George! nang mag-trending sa social media ang isang post na pinaalis ang mga nurse sa dormitoryo. Nangyari ang pagpapaalis sa kanila dahil sa alegasyong may nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ospital kung saan nagtatrabaho ang mga nars. Agad nakaabot kay Davao City Mayor Sara…

Read More

CASH GRANT SA HS, COLLEGE STUDENTS PINAMAMADALI

MISTULANG kinalampag ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na madaliin ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na dapat naibigay sa mga mag-aaral sa pagtatapos ng school year 2018-2019 para sa senior high school at tertiary students. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na ibinibigay ang naturang tulong pinansyal sa ilalim ng programang Senior High School Voucher Program (SHS-VP) ng DepEd at Tertiary Education Subsidy (TES) ng CHED. Ayon kay Gatchalian, makapagbibigay ito ng ginhawa sa mga pamilyang apektado ng krisis na sanhi ng…

Read More

FRONTLINE MEDICAL WORKERS, LIBRE SA HOTEL SOGO

NAG-ALOK ang Hotel Sogo ng libreng room accommodations sa frontline healthcare workers na lumalaban sa COVID-19. Sa koordinasyon ng iba’t ibang local mayors at mga ospital, ginawa ng Hotel Sogo ang hakbang na ito sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) Program – Sogo Cares. Habang isinusulat ito, tinatayang 830 silid ang inilaan sa koordinasyon nina Mayors Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Manila, Joy Belmonte ng Quezon City, Oscar Malapitan ng Caloocan at Lani Mercado ng Bacoor, Cavite. Ang mga doktor at nurse at iba pang health workers mula sa…

Read More

VIP treatment binira ng netizens POLITICIANS POWER TRIP SA COVID TEST

NAGLABAS ng kanilang galit sa social media ang mga netizen matapos mag-post ng litrato ang ilang politiko at government officials na pawang negatibo sa isinagawang COVID-19 test. Hindi nagustuhan ng netizens ang mistulang pag-impluwensya o paggamit ng kapangyarihan ng mga naturang politico upang mauna sa testing ng naturang virus gayung limitado pa lang ang available na testing kits sa kasalukuyan. Sabi ni @bumaBAgyo, “Just for perspective. The Philippines has a population of 104.9 million. As of 20 March 2020, we have only conducted 1,269 tests. In short, we have only…

Read More

DR. GREG MACASAET, DEDICATED COVID – 19 FRONTLINER

APAT na araw na ang nakalipas nang i-post sa Facebook ng isang obispo ang panawagang ipagdasal ang “internal repose” ng isang manggagamot, si Dr. Israel Bactol. Si Dr. Bactol ay namatay dahil sa sakit na novel coronavirus – 2019 o COVID – 19. Siya ay 34-taong-gulang. Nagkaroon siya ng COVID – 19 habang inaasikaso ang mga taong tinamaan ng naturang virus. Si Dr. Bactol ay isa sa mga Pilipinong manggagamot na kasama sa tinatawag na “COVID – 19 Frontliners.” Nailagay sa FB account ang sinapit ng batang doktor matapos i-intubate…

Read More