IMINUNGKAHI ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na linisin muna sa “virus” ang buong Batasan Pambansa bago magsagawa ng hearing ang mga komite habang nasa bakasyon ang Kongreso. Sa press conference ng Makabayan bloc nitong Huwebes sa Kamara, pabor si Zarate sa pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi nila pagbabawal ang mga komite na magsagawa ng public hearing habang nasa bakasyon ang Kongreso dahil hindi naman makakaalis ang mga mambabatas dahil sa COVID-19. “Ang panawagan natin, ASAP, puwede bang magkaroon muna ng sanitizing dito sa House…
Read MoreMonth: March 2020
Apela ng solon sa gitna ng epekto ng COVID-19 P108-B ECONOMIC RESCUE PLAN IHANDA
DAHIL malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ang coronavirus disease o COVID-19, iminungkahi ng isang mambabatas na maglaan ang gobyerno ng P108 bilyon upang maisalba ang ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ng panukala ni Marikina Rep. Estella Quimbo, na tinawag nitong “2020 Economic Rescue Plan”, ramdam na ramdam na aniya ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng Pilipinas. Tinataya ng mambabatas na nakatakdang mawalan umano ng P42.9 bilyon na kita ang tourism industry dahil sa COVID-19 kaya malaking kawalan umano ito sa ekonomiya ng bansa. “The Department of Finance warned…
Read MoreERC nanindigan vs PECO “MORE POWER LANG SA ILOILO”
NANINDIGAN ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ang More Electric and Power Corp (More Power) ang nag-iisang Distribution Utility sa Iloilo City na may legislative franchise na nakatakda sa batas at nag-iisang kumpanya na inisyuhan nila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng kuryente sa buong siyudad. Ayon kay ERC Chairman Agnes Devanadera, kahit pa man may usaping legal sa pagitan ng Panay Electric Company (PECO) at More Power kabilang na ang nakabinbin na kaso sa Iloilo Regional Trial Court na isang expropriation case ay hindi…
Read MoreNWRB, MWSS kinalampag ng senador SAPAT NA TUBIG PINATITIYAK SA MAYNILAD, MANILA WATER
KINALAMPAG ng isang senador ang National Water Resources Board (NWRB) at ang Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na tiyaking sapat ang supply ng tubig ng dalawang water concessionaires – Maynila at Manila Water sa mga kabahayan sa Metro Manila. Iginiit ni Senador Risa Hontiveros, malaki ang ¬magiging obligasyon ng dalawang ahensya ng pamahalaan sa taumbayan lalo na at patuloy ang pagdami ng bilang ng mga naitatalang acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2) na umabot na sa 49 kaso. “Magpadala na po kayo ng water trucks, para kumpleto ang tulog ng…
Read MoreResolusyon para sa provisional authority ng ABS-CBN INIUTOS NG SENADO NA IBIGAY NG NTC
IBINIGAY ng Senado sa National Telecommunication Commission (NTC) ang isang resolusyon na humihiling sa ahensiya na bigyan ng provisional authority (PA) ang ABS-CBN upang magpatuloy ng operasyon. Sa pahayag, sinabi nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon na puwede nang magpatuloy ang operasyon ang ABS-CBN Corporation at kaalyadong kumpanya habang tinatalakay ng Kongreso ang prangkisa nito hanggang pagtatapos ng 18th Congress sa 2022. Tinanggap ang resolusyon na pinagtibay nitong nakaraang linggo ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios matapos ang sesyon sa pagsasabing “ito na lamang…
Read MorePAY DATE SUSPENDEHIN – BBM Pakikiisa ng bangko, financial institutions hinikayat sa gitna ng COVID-19
SAKSI NEWS TEAM NANAWAGAN si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II sa financial institutions tulad ng bangko na suspendihin muna ang paniningil ng mga bayarin ng kanilang mga kliyente ngayong nahaharap ang bansa sa sakit na coronavirus o COVID – 19. “Tayo ay nananawagan sa mga bangko at financial institutions na pansamantalang suspendihin ang paniningil ng mga mortgage payments at bigyan ng palugit ang ating mga kababayan na naapektuhan ang kabuhayan at kita sa gitna ng global epidemic na ito,” banggit ni Marcos na kilala rin sa tawag na “BBM.”…
Read MoreIdi-disinfect pero ‘di isasara – Durante MALACANANG BUSINESS AS USUAL
INIHAYAG kahapon ni Presidential Security Group (PSG) Commander Colonel Jesus Durante, sa kabila ng may gagawing disinfection sa ilang bahagi ng Palasyo ay tuloy naman ang trabaho ng mga empleyado rito. Aniya, magiging konsentrasyon ng disinfection ang mismong Palasyo ng Malakanyang partikular na ang second floor ng gusali, kung saan kadalasang ginagawa ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Bukod dito ay idi-disinfect din ang Heroes hall, Rizal hall, study room at ang lugar kung saan ginagawa ang cabinet meeting. Ani Durante, walang suspensiyon ng trabaho sa Malakanyang kahit…
Read MoreIdagdag sa pondo ng mga gov’t hospital P22-B BAYAD NG SMC TANGGAPIN – DEFENSOR
IPINAHAYAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na tanggapin ang alok ng San Miguel Corporation (SMC) na advance payment sa pamamahala sa 1,200-megawatt power plant sa Batangas na aabot sa P22 bilyon. “We can use the money to augment the funds of the Department of Health and government hospitals in containing the spread of the coronavirus disease and in treating patients,” ani Defensor. Sa pagdinig ng House committee on public account na pinamumunuan ni Defensor, at committee on good government ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, kinumpirma ng mga kinatawan ng ng…
Read MoreHOLLYWOOD ACTOR TOM HANKS, MISIS POSITIBO SA CORONAVIRUS
KINUMPIRMA ni Hollywood award-winning actor Tom Hanks na siya at kanyang misis na si Rita Wilson ay nasuring positibo sa Corona Virus Disease (COVID-19). Isiniwalat ni Hanks ang kanilang kasalukuyang kondisyon sa pamamagitan ng social media post nitong Huwebes. Sa Instagram post, sinabi ni Hanks na sila ay nasa Australia nang masuring positibo sa coronavirus. Idinagdag niyang sila ay nagkaroon ng bahagyang lagnat, sipon at pananakit ng katawan bilang mga sintomas. “Hello, folks. Rita and I are down here in Australia. We felt a bit tired, like we had colds,…
Read More