MAGDADALAWANG buwan na ang anak ni JC Santos at asawang si Shyleena Herrera. Ayon sa aktor, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil sa pagiging bagong ama sa anak nilang babae. “So far, pare-pareho kami ng mga bagong daddy ngayon. Walang tulog habang pinagsasama ‘yung work at pagiging daddy at the same time. Saka nakabantay ako, gustong-gusto kong nagbabantay, gustong-gusto na inaalagaan ko siya, papalitan ko ‘yung diaper. Gusto ko ‘yung ginagawa ko, enjoy. Made-describe ko siya no’ng first time ko siya nahawakan ito pala ang feeling ng great joy. Naiiyak…
Read MoreMonth: March 2020
PUM, PUIs SA BULACAN NAKAUWI NA
PINAUWI na ang may 67 na Person Under Monitoring (PUM) gayundin ang 10 Persons Under Investigation (PUI) matapos sumailalim sa 14-araw na quarantine procedure kung saan nagnegatibo ang mga ito sa coronavirus. Iniulat ito ng Provincial Health Office (PHO) sa isinagawang pagpupulong ng Inter- Agency Committee for Response on COVID-19 na ipinatawag ni Gobernador Daniel Fernando. Ayon kay Dra. Jocelyn Esguerra-Gomez, hepe ng PHO, sa labing-tatlong PUI na naitala sa Bulacan noong Enero 31, 2020, sampu rito ay cleared na, dalawa ang isinasailalim pa sa home quarantine at nasa isang…
Read MoreREVISED PENAL CODE, PINAAMYENDAHAN
NAIS ni Senador Grace Poe na amyendahan ang Revised Penal Code na nagbibigay-daan sa pagpatay sa asawa na nahuli sa aktong pakiki-apid. Sa kanyang Senate Bill 1410, nais ni Poe na i-abolish ang Article 247 ng Revised Penal Code, na nagsisilbing batayang legal o lisensya para patayin ng isang indibidwal ang kanyang asawa na nakikipagtalik sa iba. Nakasaad sa Article 247 na ang sinomang kasal na indibidwal na nakahuli sa kanyang asawa sa aktong pakikipagtalik at napatay ang mga ito ay maaaring patawan ng parusang destierro o banishment o pagpapatapon…
Read MoreBENTAHAN NG FACEMASK, ALCOHOL HIHIGPITAN
INIHAHANDA na ng pamahalaan ang mga ilalabas na alituntunin kaugnay sa pagbebenta ng mga tinatawag na diluted alcohol at depektibong face mask na makikita online kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marami umanong kumakalat na balita na nagbebenta ng mga peke o “adulterated” medical supplies, na hindi naman sertipikado ng Food and Drug Administration at hindi epektibo laban sa COVID-19, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez. Sinabi na rin ng mga otoridad na ang laging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig maging ang…
Read MoreMAGSASAKA TALO SA RTL
PINALAGAN ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ang inanunsiyo ng Department of Agrarian Reform na ang mga magsasakang Pinoy ang may pinakamalaking kapakinabangan sa pag-iral ng Rice Tariffication Law (RTL) sa bansa. Ayon kay Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat, nararapat nakilatising mabuti ng DAR partikular ni Secretary William Dollente Dar ang inilabas nitong pahayag na ang magsasakang Pinoy ang makikinabang nang malaki sa RTL dahil hanggang sa ngayon ay hikahos pa rin ang kalagayan ng mga magsasaka partikular iyong maliliit. “But to have a clearer assessment of our farmers…
Read MoreRESTRICTED ACCESS IPINATUPAD SA SENADO
IPINATUPAD ni Senate President Vicente Sotto III ang restricted access sa buong Senado para i-disinfect matapos matuklasan na may isang COVID-19 positive na dumalo sa pagdinig ng Senate committee on basic education sa pamumuno ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na walang katotohanan ang kumakalat na balita na nagkaroon ng lockdown sa Senado matapos mag-self quarantine sina Gatchalian at Senador Nancy Binay. Bukod sa dalawang senador, nag-self quarantine din sina Senador Edgardo “Sonny” Angara, Panfilo Lacson, Francis Tolentino at Imee Marcos. “I have issued a directive…
Read MoreDTI, PNP, NBI pinakikilos ni PDu30 sa kawalan ng alcohol facemasks HOARDERS ARESTUHIN
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na masusing i-monitor ang galaw ng presyo ng face masks at alcohol at dakpin ang mga magsasamantala. Bunsod na rin ito ng napakataas na demand ngayon ng nasabing mga produkto na posibleng samantalahin ng mga negosyante. Tiniyak ng Malakanyang na pananagutin ang sinomang negosyante na mapatutunayang nang-aabuso sa gitna ng kinakaharap ngayong health crisis. Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, aarestuhin at sasampahan ng kaukulang kaso…
Read MoreMPBL LAKAN SEASON MAKATI, DAVOC HUMIRIT NG DECIDER
KAPWA humirit ng Game Three ang top seed Davao Occidental Tigers at Makati Super Crunch matapos umiskor ng magkahiwalay na panalo kamakalawa sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season Division Finals. Hiniya ng Tigers ang host at third-ranked Basilan Steel, 81-76, sa Lamitan City Gym sa Basilan, habang ang Super Crunch ay nagtala ng 91-88 win laban sa San Juan Knights sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Ang Game Three ay nakatakda sa Sabado. Tabla sa 74-74 matapos ang basket ni Allyn Bulanadi sa huling 1:33 sa laro, humirit…
Read MoreCERES-NEGROS WAGI KONTRA BALI UNITED
WALA man ang inaasahang hometown crowd, nagpakitang-gilas pa rin pa rin Filipino football club Ceres-Negros FC at tinalo ang nakalabang Indonesia’s Bali United FC, 4-0, sa 2020 AFC Cup, Miyerkoles ng gabi. Sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nagdesisyon pa rin ang AFC na ituloy ang laban sa pagitan ng dalawang teams sa Rizal Memorial Football Stadium nang walang mga manonood. Ngunit sa halip panghinaan ng loob, lalo pang ibinuhos ng Group G leader Ceres-Negros ang lahat ng kanilang makakaya upang sumipa ng panalo sa naturang torneo.…
Read More