HOLLYWOOD ACTOR TOM HANKS, MISIS POSITIBO SA CORONAVIRUS

KINUMPIRMA ni Hollywood award-winning actor Tom Hanks na siya at kanyang misis na si Rita Wilson ay nasuring positibo sa Corona Virus Disease (COVID-19).

Isiniwalat ni Hanks ang kanilang kasalukuyang kondisyon sa pamamagitan ng social media post nitong Huwebes.

Sa Instagram post, sinabi ni Hanks na sila ay nasa Australia nang masuring positibo sa coronavirus.

Idinagdag niyang sila ay nagkaroon ng bahagyang lagnat, sipon at pananakit ng katawan bilang mga sintomas.

“Hello, folks. Rita and I are down here in Australia. We felt a bit tired, like we had colds, and some body aches. Rita had some chills that came and went. Slight fevers too,” pahayag niya sa Instagram.

“To play things right, as is needed in the world right now, we were tested for the Coronavirus, and were found to be positive,” dadag niya.

Ipinaliwanag din ng award-winning actor ang susunod na mga hakbang na kanilang susundin upang sila ay gumaling.

“We Hanks’ will be tested, observed, and isolated for as long as public health and safety requires,” aniya.

Tiniyak din niya sa publiko na magbibigay sila ng updates hinggil sa kalagayan ng kanilang kalusugan.

Si Tom Hanks ay sikat na award-winning Hollywood actor.

Kabilang sa ginawa niyang mga pelikula ang ‘Forrest Gump’, ‘Sully’, ‘Cast Away’, at ‘Captain Phillips’.

PANTALON NI JHONG HILARIO NAWARAT SA ‘IT’S SHOWTIME’

KINATUWAAN ang paghaharutan nina Jhong Hilario at Vice Ganda sa nakaraang episode ng ‘It’s Showtime’.

Nabatid na nawarat ang pantalon ni Jhong habang nagho-host ng nasabing noontime show.

Nagsimula ito nang tuksuhin ng sikat na komedyante ang dating kontrabida ng ‘Ang Probinsyano’ hinggil sa naging kilos nito.

Bilang tugon, nagkampihan sina Jhong at Vhong Navarro sa pagganti kay Vice.

Hanggang sa bitbitin ng dalawa si Vice gamit ang kanilang mga braso.

Bunsod nito, hinabol ni Vice ang dalawang co-host hanggang sa makarating sila sa kabilang side ng studio.

Mabilis na gumapang si Jhong patungo sa audience area dahil determinado si Vice na makaganti sa ginawa sa kanya.

Habang patuloy sila sa paghahabulan, napansin ni Vice na nawarat ang pantalon ni Jhong dahil sa pagkaripas nang takbo palayo sa kanya.

“Ay nasira! Nabutas ‘yung pantalon! Nabutas ‘yung pantalon niya,” sigaw ng komedyante.

“Hindi kinaya! Hindi kinaya si ‘Tubidoom Pak Pak,’” sagot ni Jhong. (For feedback please e-mail to cosetteofficial@gmail.com)

 

217

Related posts

Leave a Comment