CAVITE – Nagpakamatay ang isang dating miyembro ng Philippine Army makaraang mag-amok na ikinamatay ng isang biktima at malubhang ikinasugat ng limang iba pa sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, noong Linggo, bigla na lamang nagwala at namaril si Junny Palacio gamit ang .38 kalibreng baril . Namatay sa nasabing pamamaril ang isa sa mga biktima na kinilalang si Murharma Bautista. Habang sugatan ang isang retiradong sundalo na si Albert Sorio at apat na iba pa na kinabibilangan ng dalawang pulis. Napag-alaman, nasukol nang nagrespondeng mga…
Read MoreMonth: March 2020
3 TULAK SWAK SA SELDA
BAGSAK sa kulungan ang tatlo katao na kabilang sa drug watch list, matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng ilegal na droga sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang arestadong mga suspek na sina Loreto Adap, 49; Joseph Chico, 42, at Carlo Tan, 30, pawang mga residente ng University Avenue, Brgy. Potrero. Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerry Basungit, alas-3:00 ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2, sa pangunguna ni P/Lt. Edgardo…
Read MorePANGAKONG BAHAY AT LUPA NAGLAHO 4 LOLO TIMBOG SA ENTRAPMENT
KALABOSO ang apat na mga lolo, kabilang ang dating barangay chairman, sa inilatag na entrapment operation makaraang maghain ng reklamong estafa ang siyam na mga biktima, sa fastfood restaurant sa Sta. Ana, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (syndicated swindling/estafa) ang mga suspek na sina Alfredo Reintegrado y Dionisio , 71, dating barangay chairman sa Brgy. 891 at residente sa #2794 Old Panaderos St., Sta. Ana; Alfredo Gaiser Jr. y Bunagan, 66; Evaristo Alcantara Jr. y De Guzman, 61, at…
Read MoreLOLA, 3 PA ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
NAHAHARAP sa 20 taong pagkabilanggo ang apat na babae kabilang ang ‘Mamasang’ na isang senior, makaraang madakip sa human trafficking nitong Lunes ng madaling araw sa Las Piñas City. Kinilala ang mga arestado na sina sina Evelyn Diero, 68, umano’y ‘Mamasang’ at may-ari ng Alma’s KTV Bar sa Marcos Alvarez St., Brgy. Talon Uno, Las Piñas City; Rosalyn Orsal, 35; Sam Gonzales, 39, at Emily Baloco, 38, pawang mga waitress/GRO. Nag-ugat ang pagsalakay ng mga pulis sa nasabing KTV bar makaraang ireklamo ng ilang concerned citizens na mayroon umanong nagaganap…
Read MoreBABAE BINISTAY NG BALA SA TULAY
TADTAD ng tama ng bala nang matagpuan ang bangkay ng isang babae nitong Linggo ng gabi sa Navotas City. Kinilala sa pamamagitan ng identification card ang biktimang si Annaliza Villegas, na natagpuan ng mga enforcer ng Navotas Traffic and Management Office dakong alas-10:50 ng gabi sa Marala Bridge sa North Bay Boulevard, Brgy. North Bay Boulevard South-Proper. Tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 anyos ang biktima, nakasuot ng asul na kamiseta, bulaklaking pantalon at tsinelas. Natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala…
Read More2 SUSPEK SA RESTO MURDER HINDI SUNDALONG CHINESE
HINDI miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang dalawang nahuling suspek sa pamamaril sa tatlong Chinese national dakong alas-10:00 ng gabi sa VIP Room ng Jiang Nan Hot Pot Restaurant sa #223 N. Garcia, Brgy. Bel-Air, Makati City noong Huwebes. Nauna rito, nasakote ang mga suspek na sina Yang Chao Wen, 32-anyos, at Liang Yuan Wu, 29, kapwa Chinese national makaraang pagbabarilin ang mga biktimang sina Yin Jian Tao, 33, IT employee, dead on the spot sa insidente, at Zheng Kai, 25, online employee, kapwa rin Chinese national.…
Read More2 BABAE SA QC BINARIL, PATAY
TODAS ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lungsod ng Quezon nitong Linggo ng gabi. Dead on the spot bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Michelle Sasis. Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nag-aayos ng gamit sa bahay ang biktima, kasama ang kanyang ina, sa Barangay Old Balara nang pasukin sila ng isang lalaki na naka-bonnet at malapitang pinaputukan si Michelle. Nabatid sa report na dating nakulong ang biktima…
Read MoreHIGIT 30 WORKERS HINOSTAGE SA GREENHILLS
UMABOT sa 30 empleyado ang ini-hostage ng isang nag-amok na sinibak na security guard sa pinapasukan niyang mall sa Greenhills, San Juan City kahapon. Ayon sa inisyal na report ng San Juan City PNP, tinanggal sa trabaho ang suspek na isang security guard kaya binalikan nito ang kanyang head guard at ini-hostage ang 30 empleyado ng Vira Mall. Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng PNP SWAT na kinordon ang lugar at agad pinalabas ang mga taong nasa loob ng mall pati ang mga mamamahayag ay hindi muna pinapasok dahil…
Read MoreNEW NEWS AND RESEARCH PLATFORM LAUNCHED IN THE PHILLIPINES
A new online news platform and policy forum on regional migration corridor and rights issues will be launched in the Philippines on February 27 at Sheraton Bay Hotel Manila. Manila, PHILIPPINES – The Rights Corridor aims to highlight the contemporary migration, human rights and labour rights issues, specifically in the context of Asia-Middle East and Africa-Middle East migration corridors. Right Corridor intends to offer both critical insights and data information in understanding Middle East migration trends, labour and human rights issues and highlight the transformative potential of, and urgent need…
Read More