DAPAT pangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagpasa ng tig-P100 milyong ‘pork barrel’ ng bawat kongresista sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba pang batayang sektor ng bansa ngayong panahong gipit na gipit ang mga ito habang patuloy pa ring nambibiktima ang coronavirus disease-2019 (COVID-19). Ito ang posisyon ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), hinggil sa pork barrel. Kung pagsasamahing lahat, tumataginting na P30.2 bilyon ang pork barrel ng mga kongresista. Ang nasabing P100 milyong pork barrel sa bawat kongresista ay nakasingit sa P4.1 trilyong badyet…
Read MoreMonth: May 2020
PhilHealth kinuwestyon sa overpriced COVID test kits P8.3-B MAWAWALA SA TAUMBAYAN
NAALARMA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mawawalan ng P8.3 bilyong pondo ang mamamayan sanhi ng overpricing sa pagbili ng COVID-19 test kits na binabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa pahayag, sinabi ni Drilon na nakatakdang ipatawag ng Senado ang mga opisyal ng PhilHealth kung bakit sobrang mahal ng COVID-19 test kits na kanilang binabayaran sa pagsusuri ng mga pasyente. “I am alarmed by a potential overpricing of PhilHealth’s testing packages and the overpricing potential loss may reach over P8.3 billion. Malaking dagok po ito sa atin…
Read MorePag-abandona sa PA ng ABS-CBN FAILURE OF LEADERSHIP NI CAYETANO
ITINUTURING ng isang beteranong mambabatas sa Kamara na ‘failure of leadership’ ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pag-abandona sa panukalang batas na magbibigay ng Provisional Authority (PA) sa ABS-CBN habang dinidinig ang kanilang prangkisa. “(The) abandonment of HB 6732 on ABS-CBN provisional franchise is a failure of leadership,” paglalarawan ni Albay Rep. Edcel Lagman matapos magpasya na huwag na itong ituloy at sa halip ay simulan na ang pagdinig sa prangkisa ng nasabing network. Mismong si Cayetano at ilang lider ng Kamara ang may-akda ng panukala na inihain noong…
Read MoreLIQUOR BAN SA LAS PIÑAS, BINAWI NA
BINAWI na kahapon, Mayo 20, 2020, ng Las Piñas City Government ang liquor ban sa lungsod sa harap ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ). Sa nilagdaang City Ordinance No.1693-20, Series of 2020 ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, pinapayagan nang magbenta ng alak ang distributors, wholesalers o high-volume retailers hanggang low-volume retailers gaya ng grocery stores, sari- sari stores at convenience stores. Paglilinaw ni Mayor Aguilar, ang pag-inom ng alak ay maaari lamang sa loob ng bahay at limitado sa mga miyembro ng pamilya. Bawal imbitahan sa…
Read More3 DRUG PUSHER HULI SA P.8-M SHABU
UMABOT sa P828,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District at nadakip ang tatlong hinihinalang tulak sa inilatag na buy-bust operation sa Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Bagsak sa kulungan ang mga suspek na sina Abdulkarim Shim, 23; Balnora Mandale, 26, at Bin Abdel Aziz Damil y Haron, 33-anyos. Batay sa ulat na isinumite ni P/Capt. Geo Colibao, hepe ng Station Drugs Enforcement Unit, kay P/Lt. Col. Rolando Bumagat, station commander ng MPD-Pandacan Police Station 10, bandang 6:00 ng gabi noong…
Read MoreMOTORISTA PINAIIWAS SA ROXAS BOULEVARD DAHIL SA MGA BITAK SA SOUTHBOUND LANE
INABISUHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga motorista, partikukar ang truck drivers, na iwasan muna ang Roxas Boulevard dahil sa mga bitak sa southbound lane. Una nang nai-report ang insidente noong Hunyo 2019 makaraang mahulog ang isang 14- wheeler truck na may kargang buhangin at patungo ng Manila Bay, sa sinkhole sa bahaging northbound service road sa panulukan ng Remedios St. malapit sa Rajah Sulayman Park sa Roxas Boulevard. Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa insidente. Ang lugar na kinaroroonan ng sinkhole ay agad kinurdon at…
Read More2 ONLINE SCAMMER, ARESTADO SA PARAÑAQUE
NASAKOTE ng mga operatiba ng Pasay City Police sa Paranaque City kahapon ang isang negosyanteng Pinoy na umano’y nasa likod ng online scam sa Pilipinas at Singapore. Kinilala ang isa sa mga suspek na si Malvin Kistiakowsky Chaneco Tianchon, 29-anyos, residente ng 9006-69 Recto Extension, Villamor Airbase, Pasay City. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Marso 11 niHon. Jose Lorenzo Dela Rosa, presiding Judge ng RTC Branch 117 ng Pasay City. Sa report kay PNP chief, General Archie Francisco Gamboa, ni NCRPO chief,…
Read MoreMga kaso binubusisi ng NBI PEKENG MARCOS KULONG PA RIN
MANANATILING nakapiit sa National Bureau of Investigation Headquarters sa Maynila ang YouTuber na si Norman Mangusin, alyas Francis Leo Marcos. Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, ito ay dahil sa dalawa pang warrant of arrest laban kay Marcos kabilang ang may kinalaman sa human trafficking na non-bailable offense. Ayon naman kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, sa kasong paglabag sa Optometry Law, nagrekomenda ang Baguio court ng P20,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Marcos. Gayunman, sinabi ni Lorenzo, bukod sa kaso sa NBI-CCD, iniimbestigahan din si…
Read MoreTAPYAS PONDO SA SUCs INIAPELA
UMAPELA si Senador Pia Cayetano sa pamahalaan na huwag pagdiskitahang bawasan ng pondo ang mga state universities and colleges (SUCs). Sinabi ito ng senador kasunod ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole kung saan tinatarget umano ng pamahalaan ang infrastructure project ng SUCs. “Just to put on record my concern for our budget of higher education. They are very underfunded to begin with, and we’re very slow to provide infrastructure funding for our SUCs,” apela ni Cayetano kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado. “If we…
Read More