WALA pang kasiguraduhan na babalik sa ere ang ABS-CBN kahit naipasa na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang bigyan ang mga ito ng provisional authority (PA) hanggang Oktubre 31, 2020. Noong Miyerkoles ay pinagtibay sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6732 sa pamamagitan ng viva voce voting na naglalayong payagan ang ABS-CBN na mag-operate hanggang Oktubre 31. Subalit, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi pa rin nakasisiguro na babalik na sa ere ang ABS-CBN sa lalong madaling panahon dahil kailangan pang ayunan ito ng Senado at aprubahan…
Read MoreMonth: May 2020
Mga bisitang opisyal damay rin KASONG KRIMINAL VS SINAS
INIHAHANDA na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay NCRPO Chief Debold Sinas, ngayong araw, Mayo 15. Inihayag ito ni Presidential spokesperson Harry Roque base sa napag-usapan umano nila ni PNP Chief PGen. Archie Gamboa hinggil dito. “Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” ayon kay Sec. Roque kahapon. Kumukuha rin ng…
Read MoreBAGYONG AMBO NAG-LANDFALL NA SA SAMAR
NASA Storm Signal No. 3 na ang buong lalawigan ng Samar, Albay, Ticao Island at Sorsogon kasunod ng pagtama sa kalupaan ng bagyong ngayong tanghali sa San Policarpio, Eastern Samar. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malakas na hangin at malalakas na pag-ulan ang hatid ng bagyong Ambo kaya ibayong pag-iingat ang inaabiso nito sa mga residente ng mga lugar na daraanan ng bagyo. Ang mga lugar na nasa Storm Signal No. 3 ay makaranas ng malakas na hangin na aabot sa 121 hanggang 170 km/h.…
Read MoreCURFEW, Q PASS IIRAL PA RIN SA GCQ, MECQ – DILG
MANANATILI ang curfew hour at kakailanganin pa rin ang quarantine pass sa mga lugar na isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) at modified ECQ pagkatapos ng May 15. Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kapag sinabi kasing modified quarantine o modified community quarantine o kung anomang klase aniyang community quarantine ay limitado pa rin ang paglabas at paggalaw ng mga tao. Aniya, tuluy-tuloy pa rin ang quarantine pass system, pero may pagbabago lamang sa mga padadaanin sa checkpoints. Kailangan na kasing palusutin sa mga checkpoint ang mga may essential…
Read MoreAYUDA SA MGA TSUPER PINADADAAN SA CASH TRANSFER SCHEME
HINILING ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na gamitin ang cash transfer scheme upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa mga drayber ng public utility vehicle (PUV). Sa pahayag, sinabi ni Poe na kailangan maideposito na kaagad ang tulong ng pamahalaan sa mga PUV driver dahil sila ang lubhang tinamaan ng COVID-19 lockdown kaya wala silang kita sa loob ng mahigit dalawang buwan. “Deposit aid now to public utility vehicle (PUV) drivers who have yet to receive cash assistance,” giit ni Poe. Hiniling din ni Poe sa mga ahensiya na…
Read MorePAGBIBITIW NI DUQUE MULING HINIRIT
MULING pinagbibitiw ni Senador Panfilo Lacson si Health Secretary Francisco Duque sa kapalpakan nito sa pangangalap ng data ng pasyente na natuklasan ng UP Resilience Institute na mali o may data error. Kasabay nito, kinastigo ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang kapalpakan ni Duque dahil nalagay sa panganib ang maraming buhay sanhi ng basurang data na inilalako ng DOH sa gobyerno. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na lubhang mahalaga ang data accuracy sa pagdedesisyon nang tama at naaayon sa kasalukuyang sitwasyon, na hindi lamang lohikal kundi simpleng gawin. “Data accuracy…
Read MoreMGA KUMPANYA AT PLANTANG GINULPI NG COVID-19, IBABANGON NG CITIRA
POSITIBO ang dalawang mambabatas mula sa majority bloc sa Kamara na makatutulong ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19. Ang reaksyon ng mga mambabatas ay kaugnay ng panawagan ng Department of Finance na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang CITIRA. Ayon kay KABAYAN Party-list Rep. Ron P. Salo, layunin ng CITIRA na gawing mas “enticing investment location for many types of operations, from manufacturing to services” ang buong Pilipinas. Para naman kay AKO BICOL Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., saktong solusyon ang…
Read MoreJODI: ‘HINDI AKO MAGMAMARUNONG SA BATAS!’
Sa pangalawang pagkakataon ay naging moderators kaming muli ni Bianca Gonzalez noong Martes ng gabi sa ginanap na ‘Laban, Kapamilya’ online event sa pamamagitan ng Facebook live. Isa si Jodi Sta. Maria sa mga Kapamilya stars na nagbigay ng mga saloobin tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission. Matatandaang napaso na ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4 at kinabukasan ay pinatigil na ito sa operasyon. “Parang in denial ako, nangamba, natakot. Siguro nagalit din ako sa naging desisyon nila na ipasara ang tinuturing naming pangalawang…
Read More15 NPA NAPATAY SA ENCOUNTER
UMAKYAT na sa labinlimang (15) miyembro ng New People’s Army ang napaslang ng military sa naganap na bakbakan sa boundary ng Misamis Oriental at Agusan del Norte. Ayon sa ulat na ibinahagi ni 402nd Infantry Brigade Philippine Army Commander Brigadier General Faustino Licudine, sampu sa nasabing bilang ay naibaba na, habang ang lima ay inilibing agad dahil nasa state of decomposition na. Nabatid na ang sagupaan ay bunsod ng inilunsad na opensiba at hot pursuit operation ng military simula nang magkasagupa ang 23rd Infantry Battalion Philippine Army at may 70…
Read More