PROVISIONAL FRANCHISE NG ABS-CBN ‘DI HAHARANGIN NI PDUTERTE

HINDI haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN para maipagpatuloy nila ang kanilang Free TV at Radio Broadcast. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng Kamara na ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6732, na nagbibigay ng prangkisa sa network hanggang October 31, 2020. Aniya pa, walang nakikitang dahilan si Pangulong Duterte na i-veto ang panukala kung naaayon naman ito sa konstitusyon. Muli ring iginiit ng Palasyo na nananatiling neutral ang Pangulo sa isyu ng prangkisa. Mabilis na…

Read More

PAGBANGON PAGKATAPOS NG COVID-19

HINDI biro ang pinagdaraanang hirap ng bawat Filipino sa dagok sa buhay na ibinigay ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo. Sabagay, hindi lang naman ang Pilipinas ang lubhang naapektuhan subalit maging ang iba pang bansa, maliit o malaki, tulad ng Amerika, Espanya at Italya. Buhay, kalusugan, kabuhayan, kaligayahan, kalayaan at iba pang mayroon tayo ay inagaw ng hindi nakikitang virus na kinatakutan ng marami. Gayunman, dahil sa pagtutulungan ng bawat Filipino, pwera ang mga pasaway na kahit paulit-ulit na sabihan…

Read More

KOALISYON NG MARALITA AT NAPC NAGHAHANDA SA ELEKSYON 2022

Badilla Ngayon

HINDI kontrobersiyal na ahensya ng pamahalaan ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) kaya hindi gaanong nababalita at pinag-uusapan ng mga tao. Isang beses ko nga lang nabalitaan ang NAPC kung saan ay pinag-usapan ng maraming tao, lalo na ng mga kabilang sa kaliwang grupo at komunista. Marahil, umabot ang nangyari sa NAPC sa “The Netherlands” kung saan matagal nang nakatira si Jose Ma. Sison at ang kanyang maliit na pangkat ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang kontrobersiyal na balitang binabanggit ko…

Read More

ATTENDANCE SA KAMARA NAKUMPLETO RIN

DPA

NAGKAROON na ng dahilan ang mara ming mambabatas sa Kongreso na makumpleto ang kanilang attendance dahil virtual na ang kanilang session at hindi na sila kailangang personal na  pumunta sa Batasan Complex para lang sa physical counting. Nitong mga huling virtual session ng Kamara, nakakatuwang makita na umaabot sa 303 ang kanilang attendance bagay na bihirang-bihirang nangyayari sa panahong normal pa ang kaganapan. Dati-rati, mahigit 200 o mas mababa pa ang attendance na naitatala tuwing may session ang Kamara dahil marami sa mga mambabatas ang absent at hindi talaga nagpupunta…

Read More

PROVISIONAL FRANCHISE NG ABS-CBN APRUBADO NG KONGRESO

INAPRUBAHAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang bigyan ng provisional authority (PA) ang ABS-CBN para makabalik ang mga ito sa ere habang dinidinig ang kanilang prangkisa. Una rito, sa mosyon ni House Majority leader Martin Romualdez, nag-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole para talakayin ang panukala na bigyan ng PA ang ABS-CBN hanggang Oktubre 2020. Matapos nito ay isinalang sa plenaryo ang House Bill 6732 na inakda nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, Batangas Rep. Raneo Abu, Antipolo Rep. Roberto Puno, Bulacan…

Read More

NAPC ‘AHAS’ NG DUTERTE ADMIN

MISTULANG may lumabas na ‘ahas’ sa administrasyong Duterte nang batikusin ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa inilabas nitong “cease and desist order” (CDO) laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation nitong Mayo 5. Idiniin ng komisyon sa press statement nito na inilabas nitong Mayo 5 ang panawagan ng NAPC-Formal Labor and Migrant Workers Sector (NAPC-FLMWS) na “stand for the rights of the ABS-CBN workers amidst the order to cease and desist to operate and the double burden they face because of the crisis of COVID-19.” Nangangahulugang…

Read More

LOCKDOWN PARTY NI SINAS, IMBESTIGAHAN

IIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang idinaos na birthday party ni PNP-National Capital Regional Police Office chief Debold Sinas. Nabatid na bukod sa utos ni P/Gen Archie Gamboa ay inatasan din ng Justice Department ang NBI para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa paglabag ng opisyal sa guidelines ng enhanced community quarantine sa buong kalakhang Maynila para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease. Una nang ipinagtanggol ni Gamboa si Sinas subalit nitong Miyerkoles ng umaga ay kumambyo ang PNP chief at sinabing iimbestigahan nila ang insidente.…

Read More

Defensor sa mga supporter ng Kapamilya network PAGGAMIT SA PRESS FREEDOM SUKDULAN

SUKDULAN ang paggamit o pagsangkalan sa press freedom ng mga suporter ng ABS-CBN gayung hindi naman umano apektado ang kalayaan sa pamamahayag sa pagsasara ng nasabing network. Ito ang opinyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na hindi naniniwalang naapektuhan ang kalayaan sa pamamahayag matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nasabing network noong Mayo 5. “One network lang yan. Medyo extreme naman ang statement na press freedom,” pahayag ni Defensor. Ayon sa mambabatas, malaya pa ring nakapagre-report ang lahat ng media outlet sa bansa at hindi sila pinagbabawalan…

Read More

183 local officials iniimbestigahan na ng DILG KURAKOT SA SAP KASUHAN – PDU30

PINASASAMPOLAN na ni Pangulong Rodrigo Roa duterte sa mga otoridad ang mga tiwaling lokal na opisyal na pinakialaman ang pondo para sa Social Amelioration Program. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at National Bureau of Investigation na kasuhan at papanagutin ang mga opisyal ng lokal ng pamahalaan, mula gobernador at mayor kung meron man sa mga ito, gayundin ang mga kapitan ng barangay na kinurakot ang SAP. Ito ay dahil sa mga sumbong sa Pangulo na binawasan…

Read More