IKINATUWA ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang utos ni Pangulong Duterte na pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers, partikular sa mga lugar sa bansa na madalas bayuhin ng kalamidad, na kanyang isinusulong sa Senado para maisabatas. Sa pahayag, sinabi ni Go, binanggit ng Department of the Interior and Local Government ang kawalan ng nasabing istruktura na kinakailangan sa panahon ngayon upang mailigtas ang mga bakwit o vulnerable Filipinos sa oras ng mga natural na kalamidad. “It is high time that government consider … na we build strong structures, stronger than…
Read MoreMonth: November 2020
Para maaprubahan ang P131-B funds DUQUE, UMAMING KORAP ANG DOH
INAMIN ni Secretary Francisco Duque III na matagal nang mayroong korapsyon sa Department of Health (DOH). Ipinalagay ni Senador Richard Gordon sa rekord ng Senado ang pag-amin ni Duque, bilang patunay na opisyal ang pahayag ng kalihim sa senador, na naganap ang korapsyon sa DOH. Nangyari ito habang dinidinig noong Nobyembre 19 sa Senado ang hinihinging badyet ng DOH para sa 2021. Inungkat ni Gordon ang pagbili ng dengvaxia na proyektong kontra-denque na P4 bilyon ang pondo, at pagtatayo ng barangay health centers na mayroong P10.6 bilyong pondo. Noong 2015…
Read MoreSa ikakasang intensified police operations HUMAN RIGHTS TINIYAK NA HINDI MALALABAG
TINIYAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, BGen. Vicente Danao na magiging maingat ang pulisya kasunod ng direktibang intensified police operation laban sa lahat ng uri ng kriminalidad lalo na sa droga. Ayon kay Bgen Danao, mahigpit ang kanyang tagubilin sa mga tauhan ng NCRPO na igalang ang human right sa kanilang pinaigting at pinalakas na police operations base sa ibinabang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police na iprayoridad ang pagsugpo sa drug syndicates, terrorist at insurgency. Nabatid na bahagi ng programa…
Read More7M WORKERS BALIK-TRABAHO
NAKABALIK na at muling naghahanap-buhay ngayon ang nasa mahigit 7 milyong manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ito ang ibinalita ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap ng unti- unti nang pagbabalik ng komersiyo sa bansa sa kabila na nananatili pa rin ang corona virus. Batay sa datos na iprinisinta ni Edillon, umabot na sa 8.8 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Ito aniya ay mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan. Pagdating ng buwan ng Hulyo ay nakapagtala sila ng higit sa pitong milyong…
Read More‘SPONGE CITIES’ PINASUSUBUKAN KONTRA BAHA
HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang gobyerno na subukan ang konseptong “sponge cities” para maibsan ang pinsala ng bagyong pinatitindi pa ng climate change. Sa harap nito, inihain ni Marcos ang Senate Resolution 537 para makalikha ang bansa ng sariling bersyon ng konseptong ito habang iniimbestigahan ang sinasabing “man-made” disaster na dulot ng Bagyong Ulysses. “Target ng imbestigasyon ng Senado na makabuo ng solusyon at hindi para manisi ng tao. Isantabi na yang mga ‘turuan’ o sisihan sa bawat isa at sa halip tukuyin kung ano ang dapat gawin o…
Read MoreTanong ng solon matapos bahain ang Luzon 1.7 BILLION PUNO SAAN ITINANIM?
NAIS ng isang mambabatas sa Kamara na matukoy kung nasaan ang 1.7 bilyong puno na dapat naitanim sa nakalipas na mga taon. Ito ang misyon ng House Resolution (HR) 1361 na inakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas para imbestigahan ang National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ginawa ng mambabatas ang nasabing resolusyon matapos salantain ng malawakang pagbaha ang Luzon partikular na sa Bicol Region, Marikina, Rizal at Cagayan Valley nang manalasa ang Bagyong Ulysses. Isinisi sa kawalan ng punong kahoy sa mga kabundukan…
Read More‘Gulo’ sa b-day ni Velasco nakumpirma PULONG DUMISTANSYA SA MAJORITY BLOC
MAUGONG ngayon ang pagdistansya ni Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa majority bloc sa Kamara matapos umanong kwestyunin ng dalawang kongresista ang kanyang loyalty. Sa nag-leak na message mula sa “All Members Viber Community” sa Kamara, nagmensahe ang anak ni Pangulong Duterte na ididistansya niya ang sarili sa ruling majority sa HOR (House of Representatives). “Maraming salamat po for taking care of me dito sa pulitika ng Metro Manila. Sana po di niyo iQUESTION loyalty ko, kasi yun na lang ang natitira sa pagkatao ko pagkatapos…
Read MoreLacson sa Kamara P620-M TO P15-B BUDGET IPALIWANAG
PINAGPAPALIWANAG ni Senator Panfilo Lacson ang House Leadership sa inaprubahan nitong infrastructure projects sa mga congressional district na nakapaloob sa P4.5 Trillion national budget kung saan nasa P620 milyon hanggang P15 billion ang alokasyong nakita sa bawat kongresista. Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 billion budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan ng pondo ay alokasyon sa mga distrito ng mga kongresista. Pabiro nitong sinabi na ang insertions ng mga senador ay lumalabas na parang barangay kagawad lamang ang mga…
Read MorePagpatay sa abogado, judge kinondena MABILIS NA HUSTISYA GIIT NI REP. NOGRALES
MARIING kinondena ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang patuloy na pagtaas ng bilang ng karahasan sa mga law professional matapos patayin ang isang abogado sa Palawan at isang Judge sa lungsod ng Maynila. Ayon kay Nograles, si Atty. Jay Magcamit ang ika-52 abogado na napatay mula 2016 hanggang sa taong ito matapos itong tambangan sa Narra, Palawan noong Nobyembre 17, 2020 habang patungo sa kanyang hearing sa bayan ng Quezon. Noong Nobyembre 11, 2020 ay pinatay naman sa kanyang tanggapan si Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Ma.…
Read More