DPA Ni BERNARD TAGUINOD SUNTOK sa buwan ang panukala ng ilang congressmen na obligahin ang mga tao na magtayo ng matatag na bahay na hindi kayang iguho at wasakin ng 7.2 magnitude na lindol at 350 kilometer per hour na lakas ng bagyo. Sa mga government projects na malalaki at matataas na gusali pwede yan pero sa mga bahay ng mga ordinaryong mamamayan at mga pabahay na inuutang ng mga informal settlers mukhang malabo yan. Sa kagustuhan lang ng ilang kongresista na makasakay sa isyu kapag mayroong malaking…
Read MoreMonth: November 2020
DAPAT BANG MAY MANAGOT SA MGA PAGBAHA DAHIL SA BAGYO?
PUNA Ni JOEL AMONGO HALOS mabura sa mapa ang ilang bahagi ng bansa dahil sa mga pagbaha na dulot ng sunod-sunod na pagragasa ng malalakas na bagyo. Nagsimula ang malalakas na pag-ulan mula Mindanao, Visayas hanggang Batanes nang magsunod-sunod na tumama ang mga Bagyong Rolly, Siony at ang pinakahuli na pinakamalawak ang sakop ay ang Ulysses. Bagamat hindi masyadong binayo ng Bagyong Rolly ang Mindanao ay matindi naman nitong binayo ang Catanduanes, Albay at iba pang bahagi ng Bicol. Sinalanta rin ng Bagyong Rolly ang lalawigan ng Quezon, Batangas,…
Read More‘DI PATAS NA BADYET PARA SA 2021 NABISTO
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA NAGSIMULA nang himayin at busisiin ng Senado ang inaprubahan ng Kamara de Rereprentantes na panukalang P4.5 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa 2021. Batay sa proseso, kailangang dumaan sa Senado ang ipinasang panukalang batas ng Kamara, kabilang ang taunang badyet ng pambansang pamahalaan, bago ito maging ganap na batas. Nang maagaw ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco kay Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagiging speaker ng Kamara, tiniyak ni Velasco na walang pork barrel sa badyet. Higit sa lahat, siniguro…
Read MoreMALAKANYANG TIWALANG MAPADADALI NA ANG PAGBILI NG COVID-19 VACCINE
MAS mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng COVID-19 vaccine. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa. Ang paliwanag ng chief executive, mahalaga rin ang gagampanang papel ni Sec. Dominguez sa pagbili ng bakuna dahil nangangailangan aniya ito ng budget allocation. Sinabi ng pangulo na kaya niya itinalaga si Sec. Dominguez na maging katuwang ni Sec. Galvez ay upang matiyak na mayroong…
Read MorePUBLIKO BINALAAN NA HUWAG MAGING KAMPANTE SA COVID-19
HINDI dapat magpakakumpiyansa ang publiko sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 virus. Ito ang paalala ni Senate Committee on Health chairman at Senador Christopher Bong Go sa publiko sa pagsasabing huwag pa ring maging kampante kahit pababa ang bilang ng mga biktima ng COVID-19. Sinabi ni Go na kahit pababa ang numero, hindi pa rin nawawala ang COVID-19 kaya dapat ay patuloy na sumunod sa health protocols ang publiko. Aniya, habang wala pang ligtas na bakuna na masasabing nakagagamot, hindi dapat luwagan ng…
Read MoreTULONG PINANSYAL SA MSMEs, INAPELA SA MALACANANG
UMAPELA ang isang senador sa Malacañang na madaliin ang pagpapalabas ng pondo para magamit na tulong pinansyal sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs). Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance at sponsor ng Bayanihan 2, sa nalalabing isang buwan bago ang pagtatapos ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, dapat na matanggap na ng mga MSME ang tulong mula sa pamahalaan. Sa pagpapatuloy ng plenary debates sa panukalang 2021 national budget, ibinunyag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa…
Read MorePANIBAGONG INSIDENTE NG HAZING KINONDENA
KINONDENA ni Senador Sherwin Gatchalian ang panibagong insidente ng hazing sa Zamboanga City na ikinasawi ng isang senior high school student. Sinabi ni Gatchalian na ang insidente ng pagpatay sa pamamagitan ng hazing kay Joselito Enviado, 21-anyos ay isang paalala na nagpapatuloy ang hazing sa bansa habang may mga fraternal brotherhood pa ring nambubuyo sa kabataan. “It is even more appalling that this cruel and barbaric act should take place in the middle of a pandemic. I denounce in the strongest terms this heinous act that prematurely ended the dreams…
Read MoreDEKLARASYON NG CLASS SUSPENSION, NASA KAMAY NG LGUs
IPINAUUBAYA ni Senador Bong Go sa mga lokal na pamahalaan ang deklarasyon ng suspensyon ng klase sa kani-kanilang nasasakupan sa gitna ng mga kalamidad na nananalasa sa bansa at patuloy na COVID-19 pandemic. “No face to face learning naman tayo, no vaccine, no face to face learning, ibig sabihin andun lang tayo sa mga bahay. So discretion na po ng LGU ‘yan kung gusto nila magkaroon ng suspension,” giit ni Go. Inihalimbawa nito ang lungsod ng Marikina na nagdeklara ng isang buwang suspensyon dahil marami sa mga modules ang nabasa…
Read MoreKALINISAN BINIGYANG DIIN SA WORLD TOILET DAY
SA pagkilala sa kahalagahan ng wastong kalinisan sa ating buhay at ekonomiya, aktibong makikilahok si Senadora Cynthia A. Villar sa pagdiriwang ng World Toilet Day ngayong November 19. “We should be clean at all times to maintain good health. A dirty environment poses dangers to our health because it causes many diseases,” pahayag ni Villar, chairperson ng Senate committee on Environment. “We all know health hazards, among others, that poor sanitation and lack of toilet facilities bring to an individual, families, and entire communities, especially now that we are facing…
Read More