GLOBE PINALAWAK ANG 5G COVERAGE SA 17 LUNGSOD SA NCR, VISAYAS, MINDANAO

BILANG pagtupad sa pangakong dadalhin ang pinakabagong teknolohiya sa iba pang bahagi ng bansa, pinalawak ng Globe ang 5G coverage nito sa 17 key cities sa Metro Manila, Visayas at Mindanao. Minamadali ng Globe ang upgrades ng existing technology nito upang lalo pang mapaghusay ang connectivity, mobile experience, at mabuksan ang malaking potensiyal para sa customers nito sa paglalatag ng 5G technology sa Bacolod, Boracay, Iloilo, Talisay, Lapu-Lapu, Cordova, Minglanilla, at Cebu City sa Visayas; at sa Davao City at Cagayan De Oro sa Mindanao. Sa unang linggo ng Nobyembre,…

Read More

IKA-11 KUTITAP PARA SA MGA BATANG KATUTUBO MAPAPANOOD ONLINE

Sa pagdiriwang ng 2020 National Children’s Month at National Indigenous Peoples ‘Month, ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pamamagitan ng Cultural Exchange Department (CED) katuwang ang Integrated Performing Arts Guild (IPAG) at Sinukwan Kapampangan Training Center for the Arts ay magsasagawa ng isang programang ika-11 Kutitap: Isang Piging ng Kabataang Makasining na matutunghayan online mula Nobyembre 23-28, 2020. Dito ay titipunin ang 120 mga bata at ang kanilang mga guardian na may sapat na gulang na kumakatawan sa iba’t ibang mga pamayanang pangkultura sa buong bansa para sa…

Read More

BIENNALE ACTIVITY PARA SA MOMMIES AND DADDIES, MATUTUNGHAYAN ONLINE

Dahil sa epekto ng pandemyang naglayo sa tradisyunal na pag-aaral, ang mga magulang ay naghahanap ng ibang mga paraan upang turuan ang kanilang mga anak. Ngunit sa bagong akademikong pag-set up (modular at online), ang mga magulang ay nahaharap sa mga alalahanin sa kanilang kakayahang para harapin ang new normal na ito. Paano nila makakayanan ang mga hamon ng pag-aaral ng kanilang mga anak sa bahay? Paano makatutulong ang sining? Naniniwala ang CCP Arts Education Department sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa bawat bata. Ito ang dahilan na iminungkahi…

Read More

SIBAKAN SA KAMARA UMARANGKADA

HINDI tumupad si House Speaker Lord Allan Velasco sa pangako na hindi magkakaroon ng malawakang sibakan sa liderato ng Kamara nang magkaroon ng reorganisasyon ngayong gabi sa Kamara. Tinanggal na bilang Deputy Speakers ang loyal allies ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na sina Batangas Rep. Raneo Abu, Laguna Rep. Dan Fernandez at Capiz Rep. Fred Castro. Ipinalit sa kanila ang mga kaalyado ni Velasco na sina Buhay party-list Rep. Lito Atienza, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Las Piñas Rep. Camille Villar. Magugunita na si Atienza…

Read More

PNP dapat magpaliwanag – Malakanyang ILLEGAL MINING SA CAGAYAN ‘DI INAKSYUNAN

KUMBINSIDO ang Malakanyang na may responsibilidad ang hanay ng PNP na magpaliwanag kung bakit may namayagpag na mga hindi otorisadong mining activities sa Cagayan. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bahagi ng law enforcement ang pagbabantay kontra sa mga ilegal na aktibidad na pagmimina at iyan aniya’y nasa balikat ng PNP. Aniya, dapat sana’y napigil agad ang illegal mining sa lugar kung naging mahigpit lang ang pagbabantay ng mga awtoridad partikular ang pulisya.   DENR at DPWH Samantala, nais ding paimbestigahan ni Senador Imee Marcos ang Department of Public Works…

Read More

Inupakan ni PDuterte sa pagiging ‘incompetent’ LENI, ‘DI TAPAT AT SINUNGALING

(CHRISTIAN DALE) TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang “sinungaling” nang hanapin siya nito pagkatapos manalasa ang Bagyong Ulysses. Sa public address ni Pangulong Duterte Martes ng gabi, inupakan nito si Robredo ng “misleading the public” dahil inakusahan daw siya na “missing in action” sa panahon ng pananalasa ng bagyo. “I would like to just give a caution to the vice president. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth,” ayon sa pangulo. “Alam mo, ‘yung…

Read More

EMPLOYMENT SECURITY PALALAWIGIN

INIHAIN sa Senado ang isang panukalang batas upang palawigin ang employment security o seguridad sa paggawa para sa empleyadong nahaharap sa banta ng corona virus 2019 (COVID-19). Inihayag ni Senador Manuel “Lito” Lapid na inaatasan ng inihain niyang Senate Bill No. 1910 ang lahat ng employer na magbigay ng lugar-gawaan na ligtas sa seryosong panganib, isang work area na kumportable at mapalalawak ang pagiging produktibo ng manggagawa. Base sa panukala, sinabi ni Lapid na sinomang empleyado na nahaharap sa banta ng COVID-19 ay maaaring ipaalam sa kanyang employer ang anomang…

Read More

DSWD, SININGIL SA ‘NAKATAGONG’ P2.2-B BUDGET

SININGIL ni Senadora Mary Grace Poe ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ‘pagtatago’ nito ng P2.2 bilyong pera para sa feeding program. Ayon kay Poe, ang nasabing pondo ay 60 porsiyento ng kabuuang “supplemental budget” ng DSWD na inilaan ng Kongreso para sa feeding program ngayon 2020. Mahigit isang buwan na lang ay 2021 na, ngunit biglang lumabas sa pagdinig sa Senado hinggil sa mungkahing P4.5 trilyong badyet nitong Martes na P2.2 bilyon pa pala ang nakatabing pera ng DSWD. Ang retiradong heneral ng Armed Forces of…

Read More

P109.88-B BADYET NG DOTr APRUB SA SENADO; LTO TABLADO

INIHAYAG ni Senador Grace Poe na inaprubahan ng Senado sa plenaryo ang P109.88 bilyong badyet ng Department of Transportation (DOTr) kabilang ang ilang attached agencies nito na mas mababa sa hinihinging P145.36 bilyon ng executive department, maliban sa pondo ng Land Transportation Office (LTO). Sa pahayag, sinabi ni Poe na binawasan ng Senado ang “taba” at sinuri nang mabuti ang kakayahan ng DOTr na gamitin ang naturang pondo. “Historically, the DOTr has not been able to use up its budget. Even with the cut, the 2021 budget is still record-high…

Read More