Idagdag sa calamity fund – solon POGO PAGBAYARIN SA P50-B UTANG

HINIKAYAT ni Senador Joel Villanueva ang Department of Finance (DOF) na paigtingin ang pagsingil sa P50 bilyong utang ng Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) na maaaring gamitin bilang calamity funds kung nauubos na ang pondo. Sa pahayag, hiniling ni Villanueva sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na tiyaking makokolekta ang nakabinbin na buwis bago payagang magsara ang POGO upang magkaroon ng sapat na pondo ang pamahalaan na gagamitin sa rescue at rehabilitation ng komunidad na matinding binayo ng bagyong Rolly. “Bago pa po magkapandemya ay naniningil na tayo, at ilang…

Read More

MASAMA SA KALUSUGAN: IWASAN ANG MGA YUPING CANNED GOODS

Ni Ann Esternon   Hindi siguro maiiwasang makakita sa merkado ng mga yuping de-latang pagkain o inumin o ang mga tinatawag na dented canned goods at iba sa mga ito ay nasa discounted price na. Bilang matalinong consumer, dapat alam ninyo kung may epekto ito sakaling makonsumo. Ang dented canned goods ay maaaring mayroong Clostridium botulinum, isang uri ng bacteria na may koneksyon sa botulism. Ang botulism na kilala ring bilang botulinus intoxication, ay isang rare pero delikadong sakit na nakaaapekto sa nervous system at maaaring mauwi sa pagkaparalisa. Unang tinatamaan…

Read More

PACC walang record ng solon na yumaman sa DPWH projects BELGICA ‘INILAGLAG’ NI JIMENEZ

MISTULANG ‘inilaglag’ ni Dante Jimenez ang kasamahan niyang opisyal sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica, makaraang manawagan ito sa mga kontraktor na ilantad ng mga ito ang mga kongresistang yumaman mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Nanawagan si Jimenez sa isang radio program noong Linggo, na ilantad ng mga kontraktor o mga kumpanyan na nakakuha ng mga proyekto sa DPWH, ang pangalan ng mga politikong nagpapatahimik sa kanilang ilabas ang mga pangalan ng mga kongresistang kumita at yumaman mula sa mga…

Read More

TAMANG PAG-IIMPOK NG PERA

Ni Ann Esternon Ang payo ng mga matatanda noon, habang bata ay matuto nang mag-impok ng salapi upang kung kailanganin ito ay hindi na mahirapang maghagilap lalo na kung emergency. Kung tutuusin, ang pag-iipon ay maaaring magawa kahit pa anong edad natin. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Iyan ay kung gugustuhing mag-ipon. Mahirap mag-ipon at talaga namang tiis-tiis o sobrang sakripisyo upang hindi mabili ang mga bagay na gusto at sa halip ay ilaan ito sa mas kailangang bagay. Noong 2017 nagkaroon ng survey na isinagawa ang Bangko…

Read More

DUTERTE NAGSAGAWA NG AERIAL INSPECTION SA CATANDUANES

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Rolly nitong weekend. Sa mga larawan na ibinahagi sa mga mamamahayag ngayong hapon, makikita na nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte kasama si Senador Bong Go. Kabilang sa mga ininspeksyon nina Pangulong Duterte ang mga lugar sa Catanduanes, unang lalawigan na binayo ng bagyong Rolly at ang bayan ng Guinobatan sa Albay. Lumapag ang chopper sa Guinobatan kung saan sinalubong ng mga lokal na opisyal ang pangulo. Matapos ang pagbisita, sinabi ni…

Read More

FREE COVID TEST SA EVACUEES HINDI KAYA NG GOBYERNO

HINDI kakayanin ng pamahalaan na bigyan ng COVID-19 test ang lahat ng mga nasa evacuation centers dahil sa Bagyong Rolly. Iyan ang binigyang-diin ng Department of Health. “Isa yung pagte-test for evacuation sites. It is the ideal. Ideally, kung meron tayong ganung resources at masasagawa, we can do that,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Pero aniya, hindi nila ito marerekomenda ngayon. “So what we have recommended is for the symptoms screening and the assignment of safety officers in this kind of evacuation areas,” sinabi nito. Libu-libo ang lumikas…

Read More

Kaugnay ng pananalanta ng ST Rolly DUTERTE 2 ULIT ‘ABSENT’ SA BRIEFING

SA ikalawang pagkakataon ay hindi na naman nakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa government briefing kaugnay sa Super Typhoon Rolly (international name: Goni). Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, araw kasi ng Linggo kaya hindi nakasama ang Pangulo sa nasabing briefing. Ang pahayag ni Sec. Roque ay tugon sa tanong kung bakit absent sa ‘first ever government briefing’ hinggil sa super typhoon ang Pangulo at kahapon ay hindi rin nakita ang presensiya nito sa briefing. “Well, dahil inaasahan po natin ‘yung landfall kahapon, at saka sa totoo lang…

Read More

‘ROLLY AID’ SA MGA SENIOR PINAMAMADALI

IDINULOG sa gobyerno ni Senior Citizen party-list Congressman Rodolfo Ordanes na gawing prayoridad sa pagbibigay tulong ang mga nakatatanda na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super typhoon Rolly. “Tinutukan ko sa telebisyon, radyo at social media ang mga pangyayari at tunay naman na nakakapanlumo ang mga imahe…mga bahay na natabunan ng putik, mga tao na kinailangan nang umakyat sa bubungan ng bahay para makaligtas sa rumaragasang baha, mga napinsalang bahay at nasirang ari-arian,”sabi ni Ordanes. Ayon sa mambabatas, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Social Welfare and Development at Department…

Read More

‘COMMUNICATION VACUUM’ ITINANGGI NG PALASYO

WALANG ‘communication vacuum’ matapos magsara ang ABS-CBN. “There is none”. Ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa tanong kung may “communication vacuum” matapos ipasara ang giant TV network na sana’y nakatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa epekto ng paghagupit ng super typhoon Rolly. Sa Laging Handa special press briefing, sinabi ni Sec. Roque na “Sa tingin ko po, nagbibigay pugay po tayo lalung-lalo na sa PTV (People’s Television) reporters, sa PIA (Philippine Information Agency). Gumagana po ‘yung communication infrastructure ng gobyerno sa panahon ng aberya so sa tingin ko…

Read More