ATUBILI sina Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon sa panukalang pagbuo ng hiwalay na departamento na tututok sa pamamahala sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan. Sinabi ni Lacson na madaling magpasa ng batas na lilikha ng bagong departamento partikular ang Department of Disaster Resilience pero ang kwestyon ay kung feasible o praktikal ba at makakaya ba itong pondohan. Bilang chairman ng Senate Committee on National Defense & Security, si Lacson ang nagsasagawa ng pagdinig sa panukala subalit binigyang-diin ang kanyang…
Read MoreMonth: November 2020
FLASHFLOOD VICTIMS SA SULTAN KUDARAT SINAKLOLOHAN
NAKATANGGAP ng tulong mula kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga biktima ng flashflood sa Sultan Kudarat, Maguindanao. Sa pahayag, sinabi ni Go na isinagawa ng kanyang mga staff ang pamamahagi ng tulong sa Sultan Kudarat gym kung saan mahigpit na pinairal ang lahat ng health and safety protocols upang maiwasan ang posibleng pagkakahawa sa COVID-19. Kabilang sa mga ipinamahagi ng tanggapan ng senador ang pagkain, food packs, face mask, face shields at gamot. Maliban sa hatid na tulong sa lahat, ilan sa mga benepisaryo ang masuwerteng nabigyan ng…
Read MorePublic officials dapat maging mabuting ehemplo – solon IMBESTIGASYON KAY MAURO PINABORAN
WELCOME development kay Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga alegasyon ng pang-aabuso ni Philippine Ambassador to Brazil, Marichu Mauro, laban sa kanyang Filipino household staff member. “Paalala ko lang na ang mga opisyales ay mga public servants — trabaho natin na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Pilipino. Dapat tayo maging tamang halimbawa sa bawat mamamayan, lalo na ang mga ambassador na ang mandato ay proteksyunan ang mga kababayan natin sa ibang bansa,” ani Go. Pinaalalahanan din ni Go ang lahat…
Read MoreBAKIT NAGKAKAROON NG PIGSA?
Ni Ann Esternon Bakit nagkakaroon ng pigsa? Saan ito galing? Ang pigsa, boil sa Ingles, ay isang bacterial infection na nagsisimula sa hair follicle at sa oil glands. Nagsisimula ang pigsa sa pagkapula ng area na pagtutubuan nito. Nagsisimula ito sa loob lamang ng ilang oras o araw. Habang namumula ay bumubukol ito at matigas. Matapos ang apat hanggang pitong araw, ang bukol na ito ay lumalambot at magkukulay puti dahil nagsisimula nang magkaroon ng fluid na kung tawagin ay nana na nasa loob habang tumatagal. Ang sukat ng pigsa…
Read MoreLIZASO INILAHAD ANG ONLINE PROGRAMS NG NCCA SA PULONG NG ASEAN
Muling nirepresenta kamakailan ni Cultural Center of the Philippines president at National Commission for Culture and the Arts chairman Arsenio “Nick” J. Lizaso ang Pilipinas sa Ninth ASEAN Ministers Responsible for Culture and Arts (AMCA) Meeting at ng AMCA Meetings with Dialogue Partners, kabilang pa ang ASEAN Plus Three, China, Japan at ng Republic of Korea, na ginanap noong Oktubre 22, sa pamamagitan ng video conference. Sa kanyang talumpati sa nasabing virtual event, hinimok ni Lizaso ang kanyang ASEAN cultural sector na galugarin at tuklasin ang mga bagong modalities of…
Read MoreMGA PAGKAING PAMPAGANA NG UTAK
Ni Ann Esternon Mahalagang laging alerto at positibo ang galaw ng ating utak. Ang malusog na pangangatawan at pag-iisip ay daan upang magkaroon tayo ng positibong aktibidad ng buhay. Paano nga ba’ng mapapanatiling malusog ang ating utak? – Una sa listahan natin ang pagkaing ng fatty fish. Mahusay na source ito ng omega-3 fatty acids, healthy unsaturated fats ito para makatulong sa pagpapababa ng blood levels ng beta-amyloid – ang protina na bumubuo ng mga nakakapinsalang clumps sa utak ng mga taong may sakit na Alzheimer. Kumain nito kahit dalawang…
Read MoreFORCED EVACUATION IKINASA SA QC, MAYNILA
NAGKASA ng pwersahang paglilikas ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at Maynila bago pa man humagupit ang Super Typhoon Rolly sa kalakhang Maynila. Sa Quezon City, iniulat ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office na may 75 pamilya mula sa Barangay Bagong Silangan, Tatalon, Doña Imelda, Apolonio Samson at Barangay Roxas ang inilipat sa evacuation centers. Itinaas din sa Red Alert Status ang QCDRRMO at pinayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng epekto ng bagyo. Sa Maynila, alas-9:00 ng umaga nang simulang ilikas ng mga tauhan…
Read MoreHALOS 2K BIYAHERO STRANDED SA PORTS
UMABOT sa 1,960 pasahero at Port workers ang stranded sa iba’t ibang daungan sa bansa dahil sa pananalasa ng super bagyong “Rolly”. Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa mga stranded ang mga pasahero, truck drivers, at cargo helpers mula sa Bicol Region, Southern Tagalog, National Capital Region at Eastern Visayas. Bukod dito, may 83 barko, 119 motorbancas at 846 rolling cargoes din ang stranded sa iba’t ibang daungan. “A total of 196 vessels and 45 motorbancas are also taking shelter in said regions as a precautionary measure…
Read MoreHOUSEHOLD STAFF NG PINOY DIPLOMATS, PINAREREHISTRO SA POEA, OWWA
HINILING ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Foreign Affairs (DFA) na iparehistro ang lahat ng household staff o kasambahay ng mga Filipino diplomat sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at tiyakin ang kanilang membership sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) para sa mas maayos na proteksiyon sa lahat ng domestic worker. Ginawa ni Villar ang panawagan sa gitna na diumano’y pagmaltrato sa isang domestic worker na dinala sa Brazil ni Philippine Ambassador Marichu Mauro. Nang magsaliksik ang tanggapan ng senador sa POEA at OWWA, nadiskubre nitong walang record ng…
Read More