PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kulang para ganap nang maipatupad ang pagtatakda ng price cap sa RT-PCR test. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpleto na ang mga isinagawang pag-aaral at rekomendasyon ukol dito ng technical working group ng IATF at nagawa na rin ang lahat ng paperworks ng Office of the Executive Secretary (OES). Aniya, nangangahulugan lamang ito na tuloy na ang implementasyon ng price cap, subalit wala pang katiyakan kung hanggang magkano ang ipapataw na presyo ng RT-PCR test. Sinabi ni Sec. Roque…
Read MoreMonth: November 2020
PUBLIKO PINAYUHANG SUMUNOD PA RIN SA HEALTH PROTOCOLS
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa publiko na patuloy na sumunod sa implementasyon ng minimum public health protocols para sa new quarantine status ngayong buwan ng Nobyembre. Ang quarantine level para sa buwan ng Nobyembre ay inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), high-level policy-making government body para sa pandemic response. Sa memorandum na may petsang Oct. 30, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang lahat ng lugar ay kailangan ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga hakbangin gaya ng minimum public health standards, partikular na ang…
Read MoreBabala ni Defensor sa PhilHealth officials LULUSTAY SA PONDO KAKASUHAN
IDINEPENSA ni House public account committee chairman Mike Defensor ang kanilang rekomendasyon na kasuhan ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matuto aniya ang mga itong pangalagaan ang pondo ng mga miyembro. Ayon kay Defensor na kinatawan ng Anakalusugan party-list sa Kamara, bagama’t polisiya lamang ang trabaho ng PhilHealth at ang executive committee member ang nagpapatupad ng lahat ng programa, kailangang panagutin din ang mga ito dahil sa kanilang pagpapabaya. “Tama naman yun no, kung minsan may policy pagkatapos aaprubahan nila at iba na ang magiging implementation.…
Read MoreEVACUATION CENTERS BILL TINUTULUGAN SA KONGRESO
TINUTULUGAN sa dalawang kapulungan ng Kongreso lalo na sa Kamara ang panukalang batas na magtayo ng evacuation centers sa mga barangay sa iba’t ibang panig ng bansa. Base sa record ng mababang kapulungan ng Kongreso, Nobyembre 18, 2014 (15th Congress) nang ihain ni Quezon Rep. Angelina Tan ang House Bill (HB) 3372 para magtayo ang gobyerno ng permanenteng evacuation centers sa bawat probinsya, city at municipalities sa bansa. Maging sina dating Eastern Samar at ngayo’y Gov. Ben Evardone at dating Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ay naghain ng kahalintulad…
Read MoreItinatag ng DOJ STRIKE FORCE VS ‘SUPER CORRUPT OFFICIALS’
ITINAYO ng Department of Justice (DOJ) ang strike force (SF) sa isasagawang imbestigasyon laban sa korapsyon sa buong ehekutibong sangay ng pamahalaan. Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, ang SF ang instrumento ng itinayong mega task force na mag-iimbestiga sa napakatalamak na katiwalian, korapsyon at pandarambong sa pamahalaan. Ang enggrandeng aksyon laban sa korapsyon na pangungunahan ng DOJ ay batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasunod ito ng pag-amin ni Duterte na masahol na ang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Guevarra, magdidiin ang…
Read MoreDuterte hinamon sa ‘mega investigation’ PAGSUPIL SA KORAPSYON SIMULAN SA SALN
HINAMON ng militanteng mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na maging uliran at modelo sa “mega investigation” na inutos nito sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga katiwalian sa gobyerno. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, mabibigo ang misyon ng mega investigation ng DOJ laban sa katiwalian sa pamahalaan kung mismong si Duterte ay hindi isinasapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). “Habang sinasabi niya [Duterte] na labanan ang corruption dapat siya ang magsilbing uliran o yung model,” ani Gaite kaya dapat isapubliko aniya…
Read MorePAGHAHANDA PARA SA KALIGTASAN SA PANAHON NG KALAMIDAD
BUKOD sa pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng ating bansa hanggang ngayon, panahon nanaman ang pagpasok ng mga bagyo. Dahil sa lokasyon ng Pilipinas, maituturing na karaniwang pangyayari ang pagdaan ng mga bagyo sa bansa. Nito lamang nakaraang linggo ay dalawang bagyo ang magkasunod na tumama sa bansa at ito ay pinangalanang Pepito at Quinta. Marami ang nasalanta ng malakas na hangin at matinding pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha. Dati nang natukoy ng mga eksperto na ang mga bagyo na may dalang malakas na hangin ay nagdudulot ng mas matinding…
Read MoreMGA OFW NAKATUTOK SA KASO NI AMBASSADOR MAURO
SA unang arangkada ng aking programa sa radio DWDD 1134 KHz na may titulong Bantay OFW ay naging panauhin ko sina Department of Labor Secretary Silvestre Bello III at Administrator Hans Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Kabilang sa aming natalakay ang ang tungkol sa kasambahay na minaltrato ng Philippine Ambassador sa bansang Brazil na si Marichu Mauro na nakilalang si Leonila De Ocampo o kilala sa tawag na Nanay Nila. Natuklasan ang pagmamaltrato dahil nakuhanan ito sa CCTV ng isang Brazilian citizen na nagtatrabaho sa tahanan ni Amb.…
Read MoreMay kakayahan ba ang IATF-EID na solusyunan ang problema sa COVID-19?
NAGSARA ang ikatlong linggo ng PBA Philippine Cup bubble na siyam na laro ang ipinakansel ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) para masiguro na ang liga ay sumusunod sa mga protokol na ipanatutupad ng ahensya para ituloy ang ika-45 taon ng liga propesyonal sa bansa. Kabilang sa siyam ang tatlong larong ipinagpaliban mula noong Oktubre 24 matapos na madiskubre ang isang reperi at isang manlalaro ng Blackwater na positibo umano sa COVID-19. Ang nasabing manlalaro at opisyal ay lumabas na negatibo na sa virus sa…
Read More