Babala sa mga bastos RAPE, KAHIT WALANG PENETRATION – KAMARA

KAHIT walang ‘penetration’ basta’t ginawan ng kalaswaan ang mga kababaihan, lalo na ang mga menor de edad, ay maitituring na bilang isang rape case ito sa ilalim ng bagong batas na pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Base sa House Bill (HB) No. 7836 kung saan itinaas sa 16-anyos mula sa 12-anyos ang statutory rape, hindi simpleng acts of lasciviousness ang isasampang kaso sa suspek na gagawa ng kalaswaan sa mga kababaihan, kundi rape case. Pinagtibay ang nasabing panukala sa botong 207 ang pabor at tatlo ang kumontra at umaasa…

Read More

Tuloy ang putukan ngayong Yuletide season CEASEFIRE TINABLA NG AFP

WALANG plano ang Armed Forces of the Philippine (AFP) na magrekomenda kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang kanilang commander-in-chief, ng Christmas truce o pansamantalang tigil-putukan sa hanay ng komunistang New People’s Army ngayon holiday season. Ayon sa pamunuan ng AFP, bukod sa kawalan ng sinseridad ng CPP-NPA ay wala rin silang nakikitang dahilan lalo pa’t lagi namang nilalabag ng hanay ng mga rebelde ang kanilang sariling ceasefire declarations. “They venture on peace talks only to give themselves the chance to regroup, refurbish, recruit new members, and recoup their losses,” ayon…

Read More

MAYOR SA LAGUNA ITINUMBA SA SPA

NASAWI si Los Baños Mayor Cesar Perez matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng spa sa likod mismo ng municipal hall sa Brgy. Timugan nitong Huwebes. Sa ulat, alas-8:45 ng gabi ay nagpapamasahe si Perez, 66, sa municipal spa nang dumating ang mga salarin at dalawang beses pinutukan sa ulo ang alkalde. Isinugod sa pagamutan ang alkalde ngunit matapos ang 30 minuto ay idineklara na itong patay ni Dr. Anijah Obe Gudfrey. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (CYRILL QUILO) 233

Read More

2 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CAVITE – Patay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joshua Sankey Tonye Nled, 23, isang Cameroonian national, ng Santa Rosa Tagaytay Road, Puting Kahoy, Silang, Cavite, at Jester Llandelar, 25, ng Purok 1, Brgy. Timbau Biñan City, Laguna. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, minamaneho ng Cameroonian national ng kanyang motorsiklong Russi habang binabagtas ang direksiyon ng Palapala galing sa Silang dakong alas-10:43 noong Miyerkoles ng umaga ngunit pagsapit sa Brgy. Sampaloc…

Read More

Saksi nilimas bago tumakas DRIVER PINAGHIMAGAS NG BALA SA QUEZON

QUEZON – Pinatapos lamang kumain ang isang driver at saka ito walang-awang pinagbabaril ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Dead on the spot ang biktimang si Allan Junio, 44, residente ng Brgy. Guis-Guis Talon dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa report ng Sariaya Police, katatapos lamang kumain ng biktima at ng mga kasama nito sa loob ng isang compound, Brgy. Guis-Guis Talon nang pumasok ang dalawang suspek. Tinanong muna ng mga suspek kung sino sa…

Read More

2 TULAK PATAY, PULIS, 4 PA SUGATAN SA ANTI-DRUG OPS

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraang umano’y manlaban sa mga awtoridad habang tatlong iba pa ang nadakip sa magkahiwalay lugar sa lalawigan Bulacan noong Miyerkoles. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial Director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Nestor Sumido Jr., 33-anyos, kabilang sa drug watchlist ng PNP/PDEA at topmost wanted persons. Ayon sa ulat, dakong alas 7:15 ng umaga nitong Miyerkoles, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Ismael Conde Gauna, SJDM City Police chief, sa Brgy. Sto. Cristo sa nabanggit na lungsod ngunit…

Read More

PANGMATAGALANG TUGON SA MGA SAKUNA IGINIIT

MULING iginiit ni Taguig-Pateros First District Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mamuhunan ng gobyerno sa prevention at rehabilitation pagdating sa pagtugon sa mga sakuna. Idiniin din niya na mas kailangan ngayon ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) para mas matutukan ang kahandaan sa matitinding kalamidad. “Ang katunayan po, kailangan natin ng isang departamento na 24/7, 365 araw sa isang taon ang tinitingnan lang, paano maging mas resilient pagkatapos ng kalamidad at paano pahusayin ang pagbigay ng relief at rehabilitasyon,” pahayag ni Cayetano. Inihayag ito ni Cayetano sa…

Read More

Hangad ng POC, mas maraming atletang Pinoy sa 2021 Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA NANGAKO ang nahalal na pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na ituloy ang matagumpay na kampanya ng Pilipinas, na pangkalahatang nag-kampeon sa 30th Southeast Asian Games na idinaos dito sa bansa noong nakaraang taon. Si Tolentino, pangulo rin ng Philippine Cycling Federation, ay nabigyan ng apat na taong panunungkulan sa katatapos lang na eleksiyon ng POC. Bago ito, halos dalawang taon niyang pinamahalaan ang pinakamataas na ­posisyon sa organisasyon kapalit ng nagbitiw na si Ricky Vargas ng…

Read More

MALUNGKOT ANG BAWAL NA PAG-IBIG SA IBANG BANSA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP KASABIHAN na nga sa hanay ng mga OFW na kapag ang isang mag-aabroad na may asawa ay aalis sa Pilipinas, tiyak na makalipas ang ilang buwan ay magiging single na ito. Bagaman hindi naman lahat ng nagiging OFW ay ganito ang ginagawa, ngunit marami pa rin akong nababalitaan na lalake at babae na bigla na lamang ­nagiging single sa ibang bansa at nakikipag-relasyon sa kapwa pinoy at minsan pa nga ay sa ibang lahi. Marami na nga akong napanood sa programa ni Raffy Tulfo na…

Read More