PANANAW NG SAGAD-SARING TRADISYUNAL NA POLITIKO

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   HINDI kahanga-hanga ang pahayag n Senador Manny Pacquiao laban sa ­korapsyon dahil inulit lang niya ang lumang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inilabas ni Pacquiao ang kanyang pananaw laban sa korapsyon nang manumpa siya bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Si Duterte ang chairman ng PDP-Laban na ­maraming sinabing ­matitinding salita laban sa korapsyon, ngunit ubod nang kupad kumilos kapag ang mga itinalaga niya sa pwesto ang sangkot, o binabatikos nang todo sa media. Ito ang ilan sa banat ni…

Read More

GOV’T AGENCIES SANIB-PWERSA KONTRA DROGA

SA kauna-unahang pagkakataon ay magkakasamang nagsasagawa ang Dangerous Drugs Board (DDB) at ang Philippine Judicial Academy (PHILJA), sa ilalim Department of Justice (DOJ), ng ‘Seminar Workshop on the Dangerous Drugs Law for Judges, Prosecutors and Law Enforcers.’ Layunin ng annual seminar workshop na i-update ang mga kasapi sa drug classifications, sa ilalim ng Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) kaugnay sa mga batas at DDB board regulations, kilalanin at solusyunan ang mga problema at mga isyu na kadalasan nararanasan sa panahon ng proseso, paghawak at prosekusyon…

Read More

KELOT ITINUMBA SA BASECO

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang hindi kilalang lalaki na binaunan ng bala sa dibdib sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Ang biktimang si alyas “Albert,” may gulang na tinatayang 35 hanggang 40-anyos ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya, Batay sa ulat nina Det. Jansen San Pedro at Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-11:00 ng gabi nang barilin ng hindi kilalang suspek ang biktima. (RENE CRISOSTOMO) 392

Read More

BEBOT TIMBOG SA ROBBERY-SLAY

NADAKIP na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong Oktubre 9. Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega, dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jo-Anne Quijano Cabatuan, 31, ng Brgy. Lawang Bato, sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga noong Disyembre 1. Si Cabatuan ay unang itinuring na…

Read More

SERIAL RAPIST AT HOLDAPER TIMBOG SA PASAY

NADAKIP ng mga tauhan ng Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD) ang serial rapist at holdaper sa Malibay, Pasay City nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni QCPD Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang suspek na si Marianito Sta. Maria, alyas “Robertson Bautista” at “Jayson Mallari,” 27-anyos, tubong Cavite at residente sa #197 JP Santos St., Malibay, Pasay City. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-5:04 ng umaga noong Disyembre 1, ang biktimang freelance therapist ay nagtungo sa Cubao Police Station (PS-7), sa ilalim ng…

Read More

3 NADAGDAG SA NAVOTAS COVID DEATHS

WALO ang nadagdag na aktibong kaso at tatlo ang namatay sa Navotas City noong Disyembre 2 dahil sa COVID-19 pandemic. Bukod dito, dalawa ang nadagdag sa talaan ng mga nakarekober na pasyente sa nasabing sakit sa nasabi ring petsa. Umakyat na sa 5, 310 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod. Sa bilang na ito, 5,080 na ang gumaling, 160 na ang namatay dahil sa pandemya at 67 ang active cases. (ALAIN AJERO) 349

Read More

Metro mayors nagkasundo MINORS BAN SA MALLS AT SIMBANG GABI *Yorme, hindi susunod?

NAGKAISA ang Metro Manila mayors sa kanilang inilabas na unanimous votes na nagbabawal sa mga menor de edad na mamasyal sa shopping malls ngayong yuletide season, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkoles., “I salute the position of the NCR (National Capital Region) mayors. I really appreciate their position,” reaksyon ni Interior Secretary Eduardo Año sa naging resulta ng huling pagpupulong ng mga metro mayor hinggil sa isyu. Nabatid na nagkasundo ang 17 alkalde ng Kalakhang Maynila na ang papayagan lamang ay mga kabataang may…

Read More

PARUL SAMPERNANDU DISPLAY SA CCP MATUTUNGHAYAN SA DISYEMBRE 10

Sa matinding pinsalang dala ng Covid-19, tila halos itigil nito ang galaw ng mundo maging ang tradisyon ng paparating na Pasko. Gayunman, ang Cultural Center of the Philippines ay naniniwalang dapat pa ring ipagpatuloy ang diwa ng Pasko at ituloy ang tradisyong Pinoy bilang imahe ng pasasalamat, pag-ibig at pag-asa sa kabila ng ating pinagdaraanan. Sa taong ito, ang CCP ay nagpupugay sa panahon ng Kapaskuhan sa gaganaping “Pasko 2020,” isang pabulosong display ng Parul Sampernandu, na magbibigay liwanag sa CCP Main Building Facade at sa complex grounds mula Disyembre…

Read More

ADAC itatanim sa mga barangay WAR ON DRUGS MAGPAPATULOY

MAGPAPATULOY ang matinding kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga kahit matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022. Ito ay matapos pagtibayin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 7812 na magtatatag ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa lahat ng probinsya, siyudad, munisipalidad at barangay sa buong bansa. Sa botong 200 pabor at walang tumutol, lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala na inisponsor ni House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers. Magiging daan umano ito para maging institusyon…

Read More