PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag maging kumpiyansa at sa halip ay istrikto pa ring tumalima sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan dahil nananatili aniya ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), at ngayong mayroong bagong variant ng virus na nanganganib makapasok sa bansa. Hinikayat din ng senador ang mga awtoridad na istriktong ipatupad ang mandatory mask at face shield-wearing policy at pagkalooban ng libreng masks at face shields ang mahihirap na hindi kayang bumili ng mga ito, para hindi sila mahawa…
Read MoreMonth: January 2021
PAGNANAKAW SA CREDIT CARD NI SEN. GATCHALIAN, SCAMMING AT DI HACKING
KINUMPIRMA ni Senador Win Gacthalian na batay sa report sa kanya ng bangko, scamming at hindi hacking ang nangyari sa kanyang credit card. “Akala ko nung una hacker, ibig sabihin pumasok sa computer, hindi pala hacker kundi scammer. Nagpanggap na siya si Senator Gatchalian, nagpanggap na magpapakain sa Senado, napalitan nya ang cellphone number ko kaya hindi ko na nakukuha OTP,” kwento ni Gatchalian. Nilinaw rin ng senador na hindi pagkain kundi alcoholic drinks ang inorder ng suspek gamit ang kanyang card na umabot sa P1 milyon ang halaga. “Hindi…
Read MorePISTA NG NAZARENO NAGING MAPAYAPA
DAHIL sa mahigpit na ipinatupad na health protocol bunsod ng pandemya, naging mapayapa sa pangkalahatan ang padiriwang ng Kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno sa Quiapo nitong Sabado. Ito ang inihayag ni Manila Police District Director, P/ Brigadier General Leo Francisco at idinagdag na naging mahigpit ang pag-monitor ng mga awtoridad sa sitwasyon sa bisinidad ng Quiapo. Nabatid sa ulat ng MPD, huling naitaya dakong alas-2:00 ng hapon sa 10,690 ang bilang ng mga deboto sa Quiapo Church at 350 sa Sta. Cruz Church. Nabatid na isang lalaki ang…
Read MoreOBRERO ITINUMBA NG TANDEM
DEDBOL ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay sa isang motorsiklo sa Malabon City noong Biyernes ng hapon. Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marlon Santiago, 20, ng #87 Acero St., Brgy. Tugatog. Ipinag-utos naman ni Malabon Police chief, Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek. Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/Cpl.…
Read MoreEMPLEYADO NAGULUNGAN NG DUMP TRUCK, PATAY
TODAS ang isang rider nang magulungan ng dump truck makaraang tumilapon mula sa minamanehong motorsiklo sa Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente sa Lot-6, Block 9, Pascual Subd., Brgy. Baesa, Quezon City. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damaged to property ang driver ng dump truck (MAD-33277) na si Carlito Bernardino, 48, ng Condrado St., Brgy. Niugan, Angat, Bulacan. Ayon kay…
Read More3K ESTUDYANTE SA NAVOTAS, TUMANGGAP NG SMART PHONES
NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng mga smart phone na magagamit ng 3,057 estudyante ng public elementary at high school para sa school year 2020-2021. Ang beneficiaries ay kabilang sa mga idineklara noong enrolment na walang sariling mga gadget na kanilang magagamit sa online classes. “We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” ani Mayor Toby…
Read MoreP3K GRATUITY PAY TATANGGAPIN NG MANILA JOB ORDER EMPLOYEES
MAKARAANG mabigyan ng cash benefits ang 10,000 regular employees ng lungsod, nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance 8718 na layuning magbigay ng P3,000 gratuity pay sa lahat ng 8,000 non-regular na mga empleyado tulad ng job orders at contractual basis. Ayon sa alkalde, ang ordinansa ay mabilis na naipasa ng Manila City Council sa pagsisikap nina Vice Mayor at Presiding Officer Honey Lacuna-Pangan at Majority Floor Leader Atty. Joel Chua, na naglaan ng kabuuang P29,883,000 para sa nasabing layunin. Dagdag ng alkalde, ang pagbibigay ng one-time…
Read MoreKaya agad inembalsamo DACERA INAKALANG POSITIBO SA COVID
MAY polisiya na iniembalsamo muna ang mga namatay na COVID-19 positive bago magsagawa ng autopsy. Ito ang paliwanag ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Vicente Danao Jr. Inakala aniyang COVID-19 positive si Angelica Christine Dacera makaraang mamatay sa City Garden Hotel kaya agad ipinatupad ang pag-eembalsamo. “Pandemic po tayo ngayon. We have a policy na nagsasabi, especially pagka-probable or suspected victim ka or the cause of death might be COVID, ang policy pala diyan is mauna ‘yung embalming bago ‘yung autopsy,” sabi ni P/BGen. Danao. Inakalang naka-quarantine sa…
Read MoreMAG-IINA HINOSTAGE NG ADIK
CAVITE – Bunsod nang pagkaburyong sa ilegal na droga, ini-hostage ng isang hinihinalang adik ang kanyang misis at kanilang dalawang anak sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito. Hawak na ng pulisya ang suspek na si Marvin Salgado, 36, construction worker, matapos i-hostage ang asawa nitong si Ellen Salgado, at mga anak nilang sina Angel at Kristoff, pawang residente ng General Trias St., Poblacion 6, Mendez, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Christian Espiritu ng Mendez Municipal Police Station, bunsod ng sobrang depresyon sa dinaranas na kahirapan at matinding epekto…
Read More