2 NEGOSYANTE TINADTAD NA PARANG BABOY

QUEZON – Isa ang patay habang sugatan ang isa pa makaraang pagtatagain ang dalawang negosyanteng namimili ng baboy sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa Candelaria Police, mga tama ng taga sa ulo at katawan ang agarang ikinamatay ng 33-anyos na si Raymond Sandagon Dichoso habang bagama’t sugatan ay nakatakbo ang kasama nitong si Marites Cabiles Elionado, 44-anyos. Ang dalawa ay kapwa residente ng Brgy. San Cristobal, Calamba, Laguna at dumayo ng pamimili ng baboy sa Candelaria. Batay sa report ng pulisya, patungo ang…

Read More

TSERMAN, 3 PA PATAY SA AMBUSH SA BASILAN

BASILAN – Puspusan ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring pamamaslang sa isang barangay chairman at tatlong kasamahan nito sa bayan ng Tipo-tipo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Basilan PNP, patay ang apat na kalalakihan makaraang pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, bayan ng Tipo-Tipo noong Sabado ng hapon. Kinumpirma ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, kabilang sa mga napatay ang chairman ng Barangay Matata sa bayan ng Ungkaya Pukan. Kinilala ang mga pinaslang na sina Brgy. Chairman Bin Saudi Sarakil, Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.…

Read More

Pista ng Nazareno, pinulitika HEALTH PROTOCOLS NASUNOD – NCRPO

MAJORITY ng mga deboto ng Black Nazarene ay tumalima sa ipinatutupad na health protocols ng IATF at sumunod sa physical distancing sa panahong ginugunita ang kapistahan ng patron noong umaga ng Sabado hanggang Linggo ng umaga, ayon sa PNP-National Capital Region Police Office. Ayon kay NCRPO P/Lt. Col Jenny Tecson, tinatayang aabot sa 400,000 devotees ang nagtipon-tipon at nagpalit-palit sa paligid ng Quiapo Church mula noong Biyernes hanggang Sabado. “Generally, as a whole, masasabi naman po nating nasunod naman po ang minimum health standard protocols. But may areas po na…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA HARAP NG KA-LIVE-IN

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang 34-anyos na lalaki ng isa sa apat na hindi kilalang mga suspek na sapilitang pumasok sa kanilang kubo sa Malabon City nitong Linggo ng madaling araw. Ayon kay Malabon Police chief, Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Valentino Espinoza ng P. Concepcion St., Brgy. Tugatog. Ayon sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong alas-2:10 ng madaling araw, natutulog ang…

Read More

TOP 5 MOST WANTED SA MURDER, TIMBOG

KALABOSO ang isang 48-anyos na lalaki makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila noong Sabado. Nahaharap sa kasong murder ang arestadong suspek na si Arnold Laon y Cabag, 48, may asawa, residente sa Area B, Gate 12, Parola Compound, Tondo. Batay sa ulat ni P/ Lt. Christopher Duque na isinumitie kay P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, station commander ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, alas-2:25 ng hapon nang arestuhin si Laon sa Gate 12 ng nabanggit na lugar, sa bisa ng…

Read More

Financial reports ipinasa sa konseho P1.6-B COVID FUND NG CALOOCAN BINUBUSISI

IGINIIT ng ingat-yaman ng lungsod ng Caloocan na hindi pabaya ang pamahalaang lungsod sa pagpapasa ng financial reports kasabay ng pagpapaliwanang kung saan ginugol ang pondo ng lungsod para sa COVID-19, kasunod ng pagkwestyon ilang konsehal ng oposisyon kay Mayor Oscar Malapitan. Sinabi ni City Treasurer Analiza Mendiola, naisumite na ang disbursement reports sa secretariat ng konseho, na isinagawa alinsunod sa transparency requirements na nakasaad sa mga ordinansa ng siyudad. Ani Mendiola, namahagi ang Caloocan ng halos 65,000 tablets sa Grade 9-12 students at dalawang milyong food packs ang naipamahagi…

Read More

Sa Valenzuela at Navotas 2 NADAGDAG SA COVID CASUALTIES, 20 POSITIBO

ISA ang patay habang siyam ang nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela sa nakalipas na dalawang araw. Alas-10:00 ng gabi noong Enero 7, nabatid na 8,616 na ang confirmed cases sa lungsod at 8,281 sa mga ito ang gumaling na, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Sa nasabi ring araw ay 77 ang active cases sa lungsod at 258 na ang namatay. Alas-3:00 ng hapon noong Enero 9 ay 8,640 na ang confirmed cases at 8,295 sa mga ito ang gumaling na. Naitala naman sa 86 ang bilang ng…

Read More

SENADO, BIBILI NG COVID-19 VACCINES PARA SA MGA EMPLEYADO

SA GITNA ng nagtatagal na proseso sa procurement ng bakuna laban sa COVID-19, plano ng Senado na bumili na rin ng vaccines para sa kanilang mga empleyado at kanilang pamilya. Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na ang layon anya ay makabalik na sa normal ang buong Senado. “I dont think there’s anything wrong with that. Ginagawa na yan ng local government units. Para makabalik din kami sa normal sa Senado kung nabakunahan na po ang kanilang staff at pamilya back to normal na kami,” paliwanag ni…

Read More

BANTA SA SEGURIDAD NG DITO-CHINA TELECOM NADIIN SA SENADO

TILA isang tabak ng Damocles ang nakaamba sa third telco ng Pilipinas dahil sa lumalawak na pangamba sa Estados Unidos laban sa panganib sa seguridad na dala ng China Telecomunications. Ipinatigil ng US Federal Communications Commission ang operasyon ng China Telecom (Americas) Corporation sa US dahil sa mga kadahilanang pangseguridad. Mismong si FCC chair Ajit Pail ang nagbigay-diin na inaatasan ng Chinese government ang mga kompanya tulad ng China Telecom na mag-espiya at kumuha ng mga sensitibong impormasyon at harangin ang US communications. Ang China Telecom at tatlong iba pang…

Read More