CAVITE – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 27-anyos na security guard matapos banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng sasakyan ng isang Yemen national sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Dead on the spot ang biktimang si Ray Mark Mollejon, binata, ng #23 Ed Bautista St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City. Kinilala ang driver ng isang Kia Picanto na si Ahmed Ali Qasem Gaber, 38, ng Block 1, Lot 3, Istana II, Brgy. Malagasang 1-A, Imus City. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Rolando Figueroa ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:30 ng…
Read MoreMonth: January 2021
EX-TSERMAN BINARIL, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang dating barangay chairman matapos na ito ay barilin ng isang hindi kilalang gunman na sakay ng SUV sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Binawian ng buhay sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang negosyanteng si David Garcia, 50-anyos, residente at dating tserman ng Barangay San Vicente. Batay sa report, malapitang pinagbabaril ang biktima ng suspek na bumaba mula sa isang itim na Montero sa mismong harapan ng kanilang subdivision dakong ala-6:00 ng umaga. Sa kuha…
Read MoreRIDER NATUMBOK NG KAPWA MOTORISTA, PATAY
QUEZON – Patay ang isang motorcycle rider makaraang masalpok ng hindi natukoy na sasakyan sa Quirino Highway, Barangay San Francisco, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rommel Ramirez Sequitin, 32, security guard, tubong Mindoro at residente ng Tanauan, Batangas. Ayon sa Tagkawayan Police, patungong direksyon ng Bicol ang biktima at tinatahak ang palusong na kalsada nang mabangga ito ng kasunod na sasakyan dakong alas-7:00 ng gabi. Agarang binawian ng buhay ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan. Natagpuan sa pinangyarihan…
Read MoreAmang ‘di nagbigay ng pera HINABOL NG SAKSAK NG TAMBAY NA ANAK
LAGUNA – Nahaharap sa kasong attempted parricide ang isang 18-anyos na binata matapos habulin ng saksak ang kanyang ama nang hindi bigyan ng pera ng huli sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Nakakulong na sa Biñan police station locked up cell ang suspek na si Bernie Vergara Jr. matapos madakip ng mga barangay tanod at i-turn-over sa mga pulis. Batay sa report, nagkakape sa kanilang bahay ang amang si Bernie Vergara Sr. nang lumapit ang suspek at humingi ng pera. Nang tumanggi ang ama, umalis ang suspek ngunit…
Read MoreCOVID VACCINE TINATRABAHO NA NG CALOOCAN
NAKIPAGPULONG si Mayor Oscar Malapitan sa mga kinatawan ng US company na Janssen Johnson & Johnson (J&J) hinggil sa posibleng pagbili ng pamahalaang lungsod ng bakuna laban sa COVID-19. Tinalakay sa pulong ang tamang proseso sa posibleng pagbili ng bakunang na nakitaan ng magandang outcome sa isang dosage pa lamang sa isinagawang pre-clinical study. “Tayo ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga pharmaceutical company upang matiyak na tayo ay makakabili ng bakuna para sa mamamayan. Sinisiguro rin natin na tayo ay dadaan sa tamang proseso na aprubado ng pamahalaang nasyunal,” pahayag…
Read MoreFREE SWAB TEST SA MALABON, NAVOTAS PATULOY
PATULOY ang isinasagawang libreng mass swabbing sa mga lungsod ng Malabon at Navotas sa gitna ng pinangangambahang paglobo ng bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19 sa ikalawa at ikatlong linggo ng Enero matapos ang mga kasiyahan noong kapaskuhan. Pangungunahan ng City Health Department, Ospital ng Malabon (OSMAL), Bases Conversion and Development Authority, Department of Health, Philippine National Red Cross at Philippine Coast Guard ang libreng swabbing sa Malabon City. Ayon kay OSMAL Chief Nurse Matt Torrefiel, mahigit 10 % na ng populasyon ng Malabon ang kanilang na-swab simula noong Agosto 2020.…
Read MoreANO BANG MAYROON SA CHINA?
AYAN na naman tayo eh. Hindi na tayo natuto sa ating karanasan na sa takot nyo na masaktan ang damdamin ng China ay nagdadalawang isip kayo na i-ban ang mga biyahero galing China dahil sa bagong variant ng COVID-19. Habang tinitipa ko ito, ayaw pang isama ng gobyerno ang bansang China sa travel ban pero ang mga bansang hindi nila kakampi ay mabilis pa sa alas-kuwatro ang ipinatupad na travel ban dahil may naitalang bagong variant ng COVID-19. Mismong ang China na ang nagsabi na nakapasok na sa kanilang bansa…
Read MoreINA NI CHRISTINE DACERA NAGPASAKLOLO NA KAY PDU30
TILA nawalan na ng pag-asa si Sharon Dacera na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang anak na si Christine Dacera matapos siyang manawagan kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan siya. Hindi kasi kumbinsido ang matandang Dacera na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang anak na flight attendant noong Enero 1, 2021 sa Room 2209 ng Garden Grand Hotel sa Makati City. Nakita kasi sa bangkay ni Christine na may mga pasa sa ibat-ibang parte ng kaniyang katawan at may indikasyon din daw na hinalay ito. Sinabi pa…
Read More14 MOST WANTED HULI SA QCPD
HULI sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 14 most wanted persons sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lungsod noong Huwebes. Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang municipal most wanted person ng Camarines Norte na si Joshua Justares, 20-anyos, residente ng Brgy. Doña Imelda, Quezon City Si Justares ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest noong Enero 7 sa panulukan ng Bayani Road at Majak St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City, dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 (Special Protection of…
Read More