UMABOT sa 24,700 pekeng senior citizens ang nadiskubre ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakarehistro sa lungsod. Ang mga pekeng senior o ‘non-existent’ ay nagdudulot umano ng pagkawala ng halos P148 milyon sa kaban ng lungsod taon-taon. Ayon sa alkalde, ang mga pekeng senior citizen ay missing o ‘non existing senior citizens’ na siyang dahilan ng pagkaantala sa paglalabas ng PayMaya cards dahil nililinis na ng Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na pinamumunuan ni Marjun Isidro ang kanilang mga talaan. Ang pagbubunyag ni Yorme ay bunsod…
Read MoreMonth: January 2021
DATING TSERMAN TODAS SA AMBUSH
BATANGAS City – Patay ang isang 50-anyos na negosyanteng dating barangay chairman, makaraang pagbabarilin dakong alas-7:00 ng umaga sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente, sa lungsod ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, nitong Huwebes. Kinilala ni Batangas Provincial Police Director, P/Col. Rex Arvin Malimban ang biktimang si David Garcia y Chavez, residente sa Brgy. San Vicente, Sto. Tomas City. Ayon sa report ni P/Lt. Mary Ann De Villa Espina, Provincial Information Office chief, pinagbabaril ang biktima ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang itim na…
Read MoreRIDER ITINUMBA SA HIGHWAY
RIZAL – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin habang lulan ng motorsiklo sa Sitio Catmon, Brgy. San Rafael sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ricky Bulfani Longga, nalagutan ng hininga sa H-Ville Hospital sa Brgy. Manggahan. Napag-alaman, alas-6:55 ng gabi noong Miyerkoles, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang bigla siyang barilin ng suspek na si Reynaldo Quintana sa hindi nabatid na dahilan. Isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit dakong alas-10:00 ng gabi ay nalagutan ng hininga. Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad…
Read More1 PATAY SA SUNOG SA PUBLIC MARKET
BATANGAS – Isa ang patay makaraang masunog ang ilang stall sa Lipa City public market noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ng Lipa City Police ang biktimang si Jomer Castillo, tenant sa isa sa mga stall. Batay sa report, nasa loob ng kanyang cellphone and accessories repair shop sa ground floor ng New parking building ng Lipa City public market ang biktima nang sumiklab ang apoy dakong alas-5:45 ng umaga. Bigla umanong lumaki ang apoy sa stall kaya nakulong ang biktima. Nang maapula ang sunog, isinugod ang biktima sa NL Villa…
Read More4 PRESO UMESKAPO SA GALAS STATION 11
NAKAPUGA sa kulungan ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 ang apat na preso matapos lagariin ang rehas na bakal nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin, may kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act); Marvin Inciong, may kasong paglabag sa RA 9262, robbery at RA 6539; Joel Sanchez, may kasong robbery holdup, at Ronald Buenafe, may kasong paglabag sa RA 9165. Base sa kuha ng CCTV, dakong alas-2:58 ng madaling araw, nilagari ng apat…
Read More3 TIKLO SA 3.5 KILO NG MARIJUANA SA QC
NALAMBAT ng mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, ang tatlong kalalakihan sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Marianito St., Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches, sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni QCPD director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang mga suspek na sina Dhendel Carayag, 22; Karl Marx Delos Santos, 22, security guard, at Joseph Vincent Santos, 22-anyos. Ayon sa ulat, isang regular confidential informant ang nag-report sa PS 10 kaugnay sa illegal drug peddling activity ni Carayag. Dakong alas-9:15 ng…
Read MoreHikayat sa QC residents MEDICAL CLEARANCE BAGO PROVINCIAL TRAVEL
HINIKAYAT ng City Health Department ng Quezon City ang lahat ng mga residente ng lungsod na gustong magbiyahe palabas ng Metro Manila na kumuhan muna ng medical travel clearance mula sa pinakamalapit nilang health center. Ginawa ito ng City Health Department (CHD) matapos sabihin na hindi nag-iisyu ng nasabing clearance ang Quezon City Hall. “We encourage our QCitizens to go to their health center preferably during the afternoon when the volume of patients is low,” ani CHD chief Dra. Esperanza Arias. Ang mga residente na kukuhan ng medical travel clearance…
Read MoreSa pista ng Itim na Nazareno 20K PULIS IKAKALAT SA QUIAPO
INIHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, P/BGen. Vicente Danao, Jr., handa na ang buong puwersa ng NCRPO sa pista ng Black Nazarene/Traslacion 2021 sa Enero 9 ng taong kasalukuyan. Ayon sa kay Danao, noong Enero 5, 2021, kasama ng Manila’s Finest top cop na si P/BGen. Leo Francisco, ay nagsawa sila ng inspeksyon sa mga area, kasama ang apat na simbahan na kinabibilangan ng Sta. Cruz Church, San Sebastian Church, Nazarene Catholic Church at Quiapo Church kung saan may magaganap na misa sa nasabing araw. Aniya, ipinakalat niya…
Read MoreGatchalian nagpasaklolo sa NBI CREDIT CARD HACKERS PINATUTUGIS
HINILING ni Senator Sherwin Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nangyaring pag-hack sa kanyang credit card upang mabatid kung sino ang nasa likod nito. Ayon sa senador na nagtungo sa NBI Headquarters dakong alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes, naka-order ang hindi pa kilalang hacker ng P1 milyong halaga ng pagkain sa Food Panda. Sinabi ng senador, nakagawa ang hacker ng apat na transaksyon sa loob lamang ng isang oras. Nagawa umanong mapalitan ng hacker ang nakarehistrong phone number ng senador kaya nakuha ang one-time pin. Nangyari…
Read More