SIGURADO ako na hindi lang ako ang Filipino na hindi naniniwala sa mga imbestigasyong isinasagawa laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nabalitang mayroong linabag na batas at alituntuning itinakda ng mga namumuno ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan kundi napakarami. Huwag kayong magagalit sa akin at sa mga taong dismayado nang todo at sobrang buwisit na sa mga imbestigasyon dahil wala namang napatunayang ginawa nila ang krimeng inireklamo laban sa kanila. Kita n’yo, sina Juan Ponce Enrile, Jose Jinggoy Estrada, Ramon Bong Revilla Jr.? Hindi napatunayan ng…
Read MoreMonth: January 2021
Hindi makabubuting bumalik sa bansa para mag-ensayo si Eumir Marcial
GUSTUHIN man ni Filipino Olympic qualifier Eumir Marcial na bumalik sa Pilipinas para makasama ang iba pang miyembro ng pambansang koponan, gaya ng plano ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), sa malas ay malayong magkatotoo ito. Ayon sa huling ulat galing sa ABAP, iniimbita ng namamahala sa amateur boxing sa bansa na bumalik ang talentadong middleweight na Zamboangeueno para sa pagsisimula ng training, Sabado sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ayon kay ABAP Executive Director Ed Picson, makakasama ng 25-anyos na sarhento sa Philippine Air Force…
Read More84 PORSYENTO NG MGA TAKOT MAGPABAKUNA, DUDA SA COVID-19 VACCINE
ITO ang lumabas sa pag-aaral ng Pulse Asia kasunod ng ginawang pagkuha sa dahilan ng mga tao kung bakit natatakot sila o iiwasan na magpabakuna. Nabatid na halos kalahati ng populasyon o 47 percent ng mga Pilipino ang nagsasabi na hindi sila magpapabakuna laban sa COVID-19, ayon sa Pulse Asia Survey. Nang hingan ng dahilan ang nasabing bilang ng Pinoy na ayaw magpabakuna ay lumalabas na natatakot sila sa posibleng epekto ng vaccine at kung ligtas ba ito sa kalusugan ng tao. Sa pag-aaral, lumalabas na 47 percent ng mga…
Read MoreWrong timing – Defensor VELASCO SINOPLA SA CHA-CHA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lilipad ang Charter Change o Cha-Cha na sinimulang buhayin ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Kongreso dahil wala ito sa timing lalo na’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa. Ito ang opinyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos pulungin ni Velasco ang ilang miyembro ng House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. para pag-usapan na ang pag-amyenda sa 1987 Constitution partikular na ang economic provisions. “The renewed Charter Change (Cha-Cha) initiative in Congress will not fly…
Read MoreImbestigasyon ipaubaya sa NBI – solon PNP SABLAY SA DACERA CASE
(BERNARD TAGUINOD) PALPAK ang Philippine National Police (PNP) sa paghawak sa kaso ng flight attendant na si Angelica Christine Dacera. Para kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi marunong humawak ng kaso ang PNP. “Lumalabas na hindi marunong humawak ng kaso ang hanay ng kapulisan dahil mas sanay silang magtanim ng ebidensya at pumatay ng mga taong walang kalaban-laban,” ani Brosas sa virtual press conference kahapon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ‘solved” na ang kaso ni Dacera dahil mayroon na silang…
Read MoreKinumpirma ni Sotto PARTY-LIST SYSTEM, TARGET NI DUTERTE SA CONSTITUTIONAL AMENDMENTS
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang pagbuwag sa mga party-list na sumusuporta sa mga rebeldeng grupo ang target ng isinusulong na panukala para sa pag-convene ng Kongreso bilang constituent assembly. Nilinaw rin ni Sotto na wala sa intensyon ng pangulo ang anomang probisyon ng term limit. Isinalaysay ni Sotto na nang magkaroon sila ng pagpupulong sa Malakanyang kasama ang ilang kongresista at senador, inirekomenda ni Duterte ang pagbuwag sa party-list system. “Sinabi niya (Duterte) ‘I want this problem of the CPP-NPA solved and the best way…
Read MoreCHA-CHA TSISMIS LANG
PARA sa Malakanyang, tsismis lang ang balita na ang panibagong pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) ay gagamitin lamang para i-extend ang termino ng mga opisyal lalo na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Wala pong katuturan iyang mga tsismis na iyan. Tsimis lang po iyan. The President has made it clear, wala siyang kahit anong kagustuhan na manatili na kahit isang minuto man lang beyond his term of office on June 30 of 2022,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Pinanindigan ni Sec. Roque na nananatiling top priority ng administrasyong Duterte…
Read MoreCHINA ‘DI KASAMA SA TRAVEL BAN
TODO paliwanag ang Malakanyang kung bakit hindi kasama ang bansang China sa listahan ng mga bansang saklaw ng travel restriction matapos mapaulat na ang bagong coronavirus variant ay na-detect sa East Asian nation. Ang ibinigay na katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay naghihintay pa sila ng opisyal na kumpirmasyon mula sa kagalang-galang na international agencies. “Antayin po natin ang confirmation at kung mayroon naman pong confirmation ay isasali rin sila sa listahan. As of now wala pa pong confirmation,” ani Sec. Roque. Nito lamang Enero 1, ibinalita ng China’s…
Read MoreKahit nariyan pa ang covid – Malakanyang 2021, YEAR OF RECOVERY
TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang taong 2021 ay magiging year of recovery. Ito’y sa kabila na tuluy-tuloy pa rin ang mga problema sa COVID-19 lalo pa’t may bagong variant nito at wala pa rin naman talagang bakuna on-hand sa Pilipinas. “Well, kaya nga po tayo nagbubukas nang bahagya ng ating ekonomiya dahil alam natin na hanggang walang hanapbuhay ang ating mga kababayan ay patuloy na magiging malaganap ang pagkagutom,” ani Sec. Roque. Kaya ang kanyang pakiusap sa publiko ay pag-ingatan ang mga buhay nang makapaghanapbuhay dahil kung…
Read More